CHAPTER 44

1.7K 100 20
                                    

Bark's PoV.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi parin kumibo si master pero hindi sakanya nakatuon ang atensyon ko, hindi nawawala sa isipan ko si Amazon, ayokong isipin na may nangyaring masama kay Amazon. Habang nakatingin ako sa maliit na kaheta ay hinihiling ko na sana maganda ang laman no'n.

"Anyare kay master?" rinig kung bulong ni Tiger, inis ko naman itong tinignan dahil naiinis na ako sa katatanong niya.

"Ba't ako tinatanong mo? Si master tanungin tangik" inis kung tugon sakanya. Nginiwian lang niya ako saka pairap na inalis ang tingin sa akin. Hindi ko naman ito pinansin saka ibinaling nalang ang atensyon kay master.

Alam kung naghihintay ang lahat sa sasabihin ni master pero sadyang nakakapanibago ngayon si master. Naka-upo na siya ngayon sa makapangyarihang upuan niya habang tinitignan kaming lahat. Hindi ko makita ang kabuuan nang mukha niya dahil sa naka mask siya, pero ang pinagtataka ko lang ay ang laki nang katawan niya.

Hindi ko naaalalang nag di-diet si master para lumiit ang katawan niya nang ganyan. Pero sumagi rin sa isipan ko na hindi pala kain si master, baka yun ang dahilan kung bakit lumiit siya, sadyang diko lang napansin.

"Master ano na? Kamusta yung plano mo? Napatay mo ba ang mga kaibigan ni Amazon? Napatay mo narin ba ang hinayupak na Amazon na iyon?" sunod-sunod na tanong ni Tiger kay master. Gusto ko siya'ng batukan dahil sa sinabi niya, ayokong pinagsasalitaan nang gano'n ang babaeng nagugustuha ko.

"Tumahimik ka nga muna Tiger, hintayin nating magsalita ang master, at saka wag mo'ng pagsalitaan nang ganyan si Amazon dahil kung tutuosin kayang-kaya ka no'n" pabirong sambit ko sakanya yung sakto lang para hindi ako paghinalaan nila. Ramdam ko namang nakatingin ang lahat sa akin kasali na doon si master, pero imbes na pansinin iyon ay tumahimik nalang ako.

"So anong balita master? Napatay mo ba?"  ulit nitong tanong kay master. Nakita ko kung paano siya tinignan ni master nang deretso. Pero nakapagtataka lang dahil kitang-kita sa mga mata niya ang galit, apoy, at nagliliyab na tingin.

"Oo nga master kamusta ang pagpapahirap niyo sakanila?" bigla ay singit nang iba kung kasamahan.

"Nako buti nalang talaga napatay mo ang paki-alamirang Amazon na iyon master"

"Kaya nga eh, daming alam"

"Tsk maganda sana kaso paki-alamira"

"Crush ko kaya yan no'ng una pero no'ng nalaman ko na naging isa siya sa hadlang natin ay aba, matik uncrush agad"

Nagtiim ang aking mga bagang habang pinapakinggan ko silang pinag-uusapan si Amazon. Gusto ko man silang sitahin pero hindi ko iyon pwedeng gawin, baka paghinalaan nila ako dahil sa pagtatanggol ko kay Amazon. Nabaling kay master ang buong atensyon namin nang tumayo ito. Narinig ko pa siyang ngumisi dahil hindi naman kami malayo sa isa't-isa.

"Patay na siya" bigla ay sagot ni master sa lahat. Nakita kung nahiwagaan ang mga mukha nang mga kasamahan ko at isa na doon si Tiger. Nagtataka ako sa boses niya, kahit naka mask pa ito ay saulo ko na ang boses ni master pero nang magsalita ito ngayon ay parang may nagbago.

"Sa wakas wala nang hadlang sa mga plano natin" masayang sambit ni Tiger. Narinig ko namang naghihiyawan ang lahat sa saya, hindi ko alam kung bakit hindi nahalata ni Tiger ang boses ngayon ni master. Habang sila ay nag-aapiran, ngiting nag-uusap ay nakatuon parin ang paningin ko sa taong nakatayo ngayon sa position ni master. Pinaniningkitan  ko ang dalawang mata ko at inaninag ito nang maigi.

Pero sadyang tagong-tago ang mukha niya at tanging mata lang ang nakikita.

Sino ka?

"Pre ba't parang hindi ka masaya?" bumalik ako sa katinuan nang kausapin ako ni Tiger. Tinignan ko naman siya at talagang hindi niya napansin ang napansin ko.

PERFECT UNIVERSITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon