Maaga akong napabalikwas ng maramdaman ko ang init na sinag ng araw na nangagaling sa bintana ng aking kwarto.
Magtatanghali na nang magising ako hanggang ngayon suot suot ko parin ang puffsleeve fitted skin tone dress na suot ko kagabi, nakakalat ang black heels ko sa sahig ng tumayo ako gusto kung magpanic dahil sobrang late na ako! At sobrang sakit pa ng ulo ko! Lintek naman oh!
pero hindi pwede! Hindi pwede! Wala rin namang magagawa itong pagpapanic ko kaya imbes na magpanic at maalarma pumunta na lang ako sa sala at nagtimpla ng kape, bago ko pa inumin ang aking kape chinat ko na kaagad ang kablockmate kung si May para sabihin sa prof naming hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko. Dahil sa kakaparty ko kagabi! Pero hindi ko iyon sinabi kay May no.
Agad namang pumayag si May kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, nang sinimsim ko ang tinimpla kung kape parang nahimasmasan ang ulo ko dahil sa hangover.
Im very wasted last night yung tipong hindi na ako makagalaw sa kalasingan ko, ito kasing si Marie at Marjorie inaya akong magclubbing, ako naman itong lonely at bored na bored walang magawa kahit pa kailangan kung mag aral para sa darating na exam ngayong paparating na lunes , ay pumayag pa rin ako kapag itong dalawa na talaga ang nag aya sa akin ang hirap makatanggi, at nang maalala ko ang kalasingan ko kagabi biglang may naaalala rin akong hiniling kung sana hindi ko na lang naalala!
(Flashback)
Oh my ghad! Marj, Madi excited na akong makakita ng gwapo tonight pano ba kasi araw araw ko na lang nakikita yung mga kaklase ko! wala namang gwapo! Kakainis! Marie said sabay tirik ng kanyang mata, habang hawak ang brush ng make-up at minake upan ang sarili.Huy! Meron kaya si Herbert Ventura! Sagot ni Marj habang hawak ang dalawang dress at parang nahihirapan sa pagpili kung ano ang kanyang susuotin.
Ang gwapo kaya non! Hazel eyes, maputi, matangkad, at higit sa lahat kissable lips! Parang ang sarap halikan.Hagikhik ni Marj sabay tawa naman Marie.
Naku! Marj tigilan mo ko ha! Kung alam mo lang kung gaano kabaho ang hininga non! Naku iwan ko nalang kung magawa mo pa yung pagpantastasyahan!
Hindi kasi kami magkaklase ni Marj nang magcollege kami Midwifery ang kinuha niya samantalang kami ni Marie ay Nursing, pero magkaklase nga kami iba iba naman ang schedule may subject na kaklase ko si Marie meron din namang hindi.
Grabe ka naman Marie paano mo nasabi yan! Nahalikan mo na ba sya! Ha!? Parang galit na singhal ni Marj kay Marie.
Hindi no! Yuck!bat naman ako hahalik don eh ang baho nga ng hininga! Narinig ko lang sa mga babeng nakahalikan nya...
ops!sabay takip sa kanyang bibig kunwari hindi niya sinasadyang masabi.
Bago pa sila magkapikonan dahil sa mga boys na yan agad akong sumabat sa kanilang usapan.
