CHAPTER 4

1 0 0
                                        


Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa lakas ng tunog ng aking phone. Nagtaka ako kasi di naman ako nag set nang alarm pero bakit ang aga agang tumunog nitong phone ko.

Dali dali akong napabalikwas at tiningnan ang phone kung may tumatawag pala. Sinagot ko agad iyon.

Good morning Miss Andres? This is Lazada! Nandito napo sa parking lot ang inorder ni Miss. Georcelle Duchess para sa inyo. Bungad nang delivery boy sa kabilang linya.

Oh my ghad! Andito na pala ang sinasabing ibibigay ni Tita sa akin pero bakit hindi man lang siya pumunta dito sa mismong condo unit ko ako pa talaga ang papupuntahin niya sa baba!? Hayst! Inaantok pa ako! Ano banaman tong si Kuyang Lazada.

Kuya? Pwedeng ikaw na lang ang pumunta dito sa unit ko? Room 105. Pumunta ka na lang dito thanks. Inaantok na suhestyon ko sa kanya. Akmang ibababa ko na ang phone ko nang

Maam mas maganda kasi pag nakita nyo mismo ang ipapadala namin kasi pipicturan ko rin po kasi kayo pati ang product na pinadala sa inyo. kasama po kasi yan sa trabaho ko maam. Salamat. Dire diretsong sabi ng delivery boy.

Makikipagtalo pa sana ako sa kanya pero naisipan kung sundin na lang siya para makabalik na agad ako sa aking pagtulog kasi ang aga aga pa!

Tinali ko muna ang buhok kung sobrang buhaghag na dahil nga sa kagigising ko lang hindi na ako naghilamos dahil si kuyang delivery boy lang naman ang haharapin ko. Lumabas agad ako sa aking condo at sumakay ng elevator papuntang parking lot.

Nang makarating ako nakita ko na agad ang lalaking naka blue shirt nakasulat doon ang Lazada at may hawak na papel. Lumapit agad ako sa kanya.

Uy kuya! Im Madisson Andres. Sabi ko sa kanya sinigurado niya muna na ako ang papadalhan kaya tiningnan niya muna ang phone niya, nakita ko na may picture ako doon at nong nakumpirma na niyang ako ang papadalhan.

Sinabihan niya akong pumirma pagkatapos ko namang pumerma ay may tinawagan muna siya. Ang tagal naman naiinip na ako ah?

Kuya asan na po yung padala? Inip na Sabi ko kay kuyang delivery boy.

Ito na po maam. Sabay bigay sa akin ng isang maliit na box at nang buksan ko iyon ay susi ang nakita ko na may nakaukit na ford. Oh My goodness!

Kuya wag mong sabihing....... hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko kasi ang hirap paniwalaan.

Oo maam! Andyan na po yung sasakyan. Pumwesto napo kayo sa gilid dahil pipicturan ko na po kayo. Kahit parang hindi pa nagsisink in sa akin ang pangyayari tumabi agad ako sa Ford Raptor! At pinicturan ako ni kuya.

Beautiful Mistake Where stories live. Discover now