Chapter Twenty Three

25.7K 337 33
                                    

HAPPY NEW YEAR!!

[Abby's POV]

“Bessie I saw you sa restaurant kagabi, kaso hindi na kita nilapitan alam kong imbyerna ka pa sa akin eh,” inirapan ko siya. “Buti naman alam mo, bruha ka!”


Naglalakad kami ngayon sa mall. Wala naman kaming dalang pera kaya ganito nalang kami forever. Poorita and drama namin ngayon eh. “Bessie sino yung kasama mo kahapon? Si Elaz ba yun? Di ko nakita eh nakatalikod kasi. Pero base sa batok niya, hindi siya si Elaz, mas maputi si Elaz eh. Medyo lightly tanned kasi yung guy.” Eh kasi nga tall dark and yummy siya, este handsome. “Ahh hindi bago kong kapit-apartment yun, wala na kasi doon si Elaz diba? Ayun nakipagkilala lang siya tapos nitreat niya ako.” “Eh wafuuu naman ba si kuya? Basa sa likod niya yummy siya..” “Oo wafuuu siya.. Ang wafuuu wafuuu niya kamo..” “Edi akin na lang pala..” “Tse akin na yun! Chos.. Eh diba may Aldrich at France ka na?” “Wag mo ngang mabanggit sa akin yung dalawang yun.. Eh ikaw, diba may ALDRICH AT XANDER AT ELAZUL KA NA..” “Teka nga panong napunta sa akin si Aldrich?” “Bessie nagtapat na siya sa akin, ikaw daw talaga mahal niya.” “Oh okay.. Alam mo na pala..” “Oo ehh..”


“Hi..” bigla kaming natigil sa usapan namin at napahinto kami dahil may sumulpot nalang bigla sa harapan namin. “Elaz..” sabi ko, “ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “Can we talk?” tanong niya sa akin. “No,” sabi ko. “Abby please,” di ko ba alam kung malungkot talaga ang mga mata niya oh epek niya lang yun. “Nako bessie mag-usap na kayo, nakahanap ako ng gwapong boylet doon, bye!” bigla nalang tumakbo papalayo si Violet, shemay iniwanan nanaman ako. Tinitigan ko lang si Elaz sabay walk-out ang drama ko. “Abby!” “Wag mo kong susundan..” lumabas na ako sa mall. Dire diretso lang ako ng lakad, ayaw kong tumingin sa likod, baka kasi sinusundan ako eh. Sasakay na sana ako ng taxi ng biglang may humawak sa kamay ko. Si Elaz yun, hindi ko pa tinitignan pero alam kong siya yun.


“Abby please let’s talk..” “Wala naman tayong dapat pag-usapan eh Elaz. Oh so ano naman kung kayo na ni Thea?” “Abby..” No Elaz, pwede ba wag ka na magpapakita sa akin.” Hindi ko siya matitigan sa mga mata kasi alam kong kasinungalingan lang yung sinabi ko.


“I still love you..” sabi niya. Feeling ko natahimik bigla ang mundo sa narinig ko, then nasampal ko na lang siyang bigla. “Liar,” sabi ko sabay sakay ng taxi. Naluha nalang ako bigla, pero di ko na siya nilingon para hindi niya makita. Pinaandar na ng driver yung taxi.


May I still love you” pa siyang nalalaman. Hindi ako tanga para maniwala sa mga pinagsasasabi niya. Pero tanga ako, dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.


Iyak lang ako ng iyak sa taxi.


Nakarating na ako sa apartment building namin, pagbaba ko ng taxi eh, nakita ko nalang si Daniel na nakatitig sa akin. Tumahan na ako pero alam ko namamaga ang mata ko kakaiyak. “You were crying,” sabi niya sa akin. “Ano naman ang pake mo?” “I know you want him back.” “Wala na akong pake sa kanya, kung pwede lang nga hindi ko na siya makita.. Kaso hindi pwede dahil ayaw niya akong tigilan,” naiyak na lang ako bigla, “ayoko na, ayoko ng umiyak. Ayoko ng magmahal.” Niyakap niya ako then bumulong siya sa akin, yung tono ng boses niya eh paiyak na rin. “If you don’t want him, atleast help me. Cause I really need Thea. Siya lang ang babae na minamahal ko. Hindi ko na alam gagawin ko dahil wala na siya sa akin. Please Abby, mahal na mahal ko siya. Alam ko naiintindihan mo ang nararamdaman ko.”


Gusto ko siyang tulungan pero ayaw kong makasakit ng tao. Pero kung hindi ko siya tutulungan masasaktan din siya. Ayan ang reasoning ng mga tao na gusto naman talaga pero pa-virgin pa. “S-sige.” He smiled. “Okay then, I’ll meet you tomorrow. Eight AM sa Hamilton University, doon ako nag-aaral. Doon mo rin makikita si Thea at Elaz.” Umakyat na siya sa stairs.


Tama ba itong gagawin ko..


[next day…]


Nandito ako sa gate ng Hamilton University. Ang tagal naman ni Dan. Ayaw naman ako papasukin ng guard kasi hindi naman ako estudyante dito. Ganun sila kahigpit, pang mayayaman kasi tong university na ito.


“Abby?” napalingon ako sa tumawag. “Elaz,” gusto ko siyang sampalin ewan ko kung bakit. “Anong ginagawa mo rito?” parang walang nangyari kahapon ah, patay malisya, lakas pa ako kausapin. Bigla nalang may umakbay sa akin. “Babe kanina ka pa ba naghihintay? Pasensya na ah natraffic ako.” Si Dan. Nilingon ko siya, para makita ko ang mukha niya, nakatitig siya kay Elaz na parang may halong pangiinis.


“Abby, boyfriend mo to?!” sigaw ni Elaz. Napalingon sa amin ang mga estudyante na papasok ng university. “Ano naman ang pake mo Elaz? Pinapakeelaman ko ba kayo ni Thea?” We were making a scene. Natahimik si Elaz, “Shit, ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo.” Sabay lumayas siya ng padabog at matalim ang tingin kay Dan. Hindi siya dumiretso papasok ng school.. Saan kaya siya pupunta?


Nanghihina ako.. Gusto kong umiyak.. Ayaw kong nagagalit siya sa akin. Di ko kaya.


[Elazul’s POV]


Dali dali na akong umalis, kailangan kong lumayo. Putangina, alam ko namang ginagawa lang yun ni Dan para mabawi niya sa akin si Thea. Pero si Abby, bakit sa dinami dami ng pipiliin eh si Daniel Mallari pa?! Sasaktan lang siya nung gago na iyon! Putangina talaga! ARGH! Bwiset gusto kong sapakin si Dan kanina, pero anong mapapala ko?! Magagalit lang sa akin lalo si Abby.


Dumiretso ako sa parking lot para puntahan ang kotse ko. Humiga ako sa back seat ng kotse ko. “TANG INA!!!!” sigaw ko ng malakas. Di ko namalayan na naluha na pala ako sa inis. Putangina! Bakit ba nagka ganito? Bakit ba kasi binalikan ko pa si Thea?!


Akala ko kasi makakalimutan ko si Abby pag nagkaroon ako ng bagong girlfriend pero SHIT. Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, lalo kong minamahal si Abby. Sa bawat halik ko kay Thea hinihiling ko na sana si Abby na lang. Sa bawat  gawin kong lambing kay Thea hinihiling ko na sana si Abby nalang. Sa bawat gawin kong sweet kay Thea umaasa ako na sana si Abby nalang ang pinapasaya ko. Gusto ko si Abby nalang ang akin. Gusto ko si Abby nalang ang niyayakap ko. Gusto ko si Abby nalang ang hinahalikan ko. Gusto ko si Abby nalang ang sinasabihan ko ng “I love you.”


Pero hindi pwede eh. Walangya kasi yung nanay ko. Saka ayaw kong masaktan si Thea.


Pero si Abby… mahal na mahal ko siya pero ano ang ginagawa ko?


Siya ang nasasaktan ko..


Pero hindi ako papayag na mapunta siya kay Dan.


Hindi pwede..


Sabihin niyo na na sakim ako.. Pero akin si Abby..

[End chapter]

Please leave votes and comments  :))

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon