Chapter Twenty Seven

21.4K 230 11
                                    

[Elaz’s POV]

Magkasama kami ni Abby at nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school nila.     

“Abby bakit parang ang tamlay mo?” isang linggo ko ng napapansin, na tuwing magkasama kami ay lagging lingaw si Abby. Kung hindi tulala eh hindi mo makausap ng maayos. Umiling lang siya, “wala,” sabi niya. “Pag sinabi ng babae na wala, ibig sabihin meron,” sabi ko. “Hindi sa lahat ng pagkakatao eh ganoon ang sitwasyon Elaz,” sabi niya.

Simula noong nagksama kami uli ay ganyan na siya.

“Mahal mo pa ba ako?” tanong ko na may tono na may halong paglalambing. Ngumiti siya, “eto naman,” sumandal siya sa akin, “siyempre na man mahal na mahal kita.” I wasn’t satisfied by her answer pilit na pilit ang sagot niya. “Hindi mo na ako mahal,” sabi ko, “napipilitan ka na lang ata.” “Ano ang pinagsasasabi mo?” tanong niya. “Ayun pinaparamdam mo, isang lingo ka ng ganyan,” napadukmo ako sa table, “feeling ko ayaw mo na sa akin. Siguro iiwan na ako ng pinakamamahal kong babae.” “Ganoon ba?” sabi niya. Tumango lang ako habang nakadukmo.

Nakadukmo ako at kadiliman lang ang nakikita ko.

“Baka ikaw iiwan mo na ako” sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga salita na narinig ko. I only have three weeks left at hindi ko pa rin sa kanya nasasabi na pupunta ako ng USA. Eto na ata yun. Damn, hindi pa ako handa. “Paano kung iniwan kita,” sabi ko. “Bakit mo naman ako iiwan hindi mo na ba ako mahal?” sabi ko. “Mahal na mahal kita, kahit magkalayo tayo mamahalin pa rin kita,” sabi ko, hindi ako nakatingin sa kanya nakadukmo lang ako. “Pero magkakahiwalay pa rin tayo iiwan mo pa rin ako,” sabi niya. “Kung magkalayo man tayo alam ng Diyos na hindi ko gusto yun. Ikaw lang ang mahal ko, at ayaw kong malayo sa iyo. Kung mangyari man iyon ay hindi ko ginusto yun,” my heart is starting to break.

And then for a moment I heard silence.

Sa kadiliman na nakikita ko habang nakadukmo ako, nakarinig ako ng tinig ng isang babae. Umiiyak siya. “Wag ka ng umalis Elaz please,” sabi niya, “wag ka ng mag-aral sa Amerika.” Nagulat ako dahil alam na pala niya. Naalis ako sa pagkakadukmo, I saw my girl crying and again it is because of me. “Abby,” nanghihina ang puso ko habang binibigkas ko ang pangalan niya, “kalian mo pa nalaman?” She was crying, “matagal na,” sabi niya sabay niyakap niya ako. “Elaz please don’t go, hindi ko na alam ang gagawin ko pag iniwan mo ako,” sabi niya. “Sorry Abby, I’m doing this for both of us,” sabi ko sa kanya. “No!, selfish ka,” sabi niya sa akin, “paano nalang ako pag wala ka na?” sabi niya sa akin. “Mag-isa nanaman ako,” sabi niya. “Ito lang ang way para tigilan na tayo ni mama, I promise pagkatapos kong mag-aral babalik ako agad ng Pilipinas,” sabi ko. “When three years later? Four? Five?” sabi niya. Napailing lang ako, “I don’t know, I’ll try my best to make it three,” sabi ko. “Mahal na mahal kita Abby,” sabi ko.

She just cried there while hugging me.

***

Nang tumahan na si Abby ay inihatid ko na siya sa apartment niya. Pagkahalik sa akin ay matamlay siyang bumaba ng kotse. “Sige pupuntahan ko muna si kuiya saglit,” sabi ko sa kanya. “Sige,” sabi niya. “I love you,” sabi ko. “I love you too,” sabi niya at tinalikuran niya na ako. Kilos, facial expressions, bakas nab akas sa kanya ang pagkalungkot.

Nagdrive na ako papunta sa apartment ni kuya. Nag-aabang na pala siya sa tapat ng apartment ng mga oras na iyon. Nagtext na kasi ako kanina na pupunta ako sa kanya. Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong niya ako, “this better be good,” sabi niya ,”I cancelled a night out with my friends.” “Ah ganun ba?” sabi ko. “Oh ano ba ang problema at nagtext ka na kailangan mo akong makausap?” Inilayo ko ang tingin ko sa kanya, “si Abby kasi. Alam na niya ang lahat, di ko na alam ang gagawin.” “Oh ano ba ang sabi niya?” “Ayaw niya na umalis ako,” sabi ko kay kuya, “paano na ba to?”

“Hindi ko rin alam eh,” sabi niya sa akin. “Sana hindi na lang naging kami para hindi na siya nagkakaganyan. Sana hindi ko na lang siya binalikan,” sabi ko. “Edi makipagbreak ka,” sabi niya sabay tawa. “Tanga parang ganoon naman kadali yun,” sabi ko habang nakasimangot. “Edi makipagbreak siya,” sabi uli ni kuya Franz. “Makipagbreak siya?” pagtataka ko. “Atleast pag siya ang nakipagbreak mas maluwag na sa pakiramdam niya yun.”

“Paano naman siya mmakikipagbreak sa akin? Alam naman nating lahat na sobrang mahal naming ang isa’t isa.” Questions clouded my mind.

“Palitan ng galit ang pag-ibig bunso,” sabay tapik sa balikat ko. “O siya inaantok na ako, umuwi ka na, goodluck na lang.”

Nagdrive na ako pabalik sa apartment ko. Paano ko papalitan ng galit ang nararamdaman niya sa akin. Saka kaya ko bang gawin sa kanya ‘yon? Kaya ko ba siyang saktan?

Sa pagda-drive ko ay biglang may tumawid na babae sa kalsada. Muntik muntikanan ko na siyang mabangga buti nalang ay nakapagpreno ako habang pinibindot ang busina. Nilabas ko ang babae, “magpapakamatay ka ba?!” “Hey Elaz,” naaninag ko ang mukha ng babae sa madilim na kalsada. “Serena? Ano ang ginagawa mo rito?” lumapit siya sa akin at bigla akong hinalikan. Damang dama ko ang alak sa presensya niya. Sa paghalik niya sa akin ay nakaisip ako ng ideya. Tinanggal niya na ang pagkakahalik sa akin, “oops sorry may girlfriend ka na nga pala.” Kinindatan niya ako, “could you take me home? I’m kind of drunk,” sabi niya. “Sige,” sabi ko.

Nag-drive na ako papunta sa apartment building namin ni Abby. “This ain’t my house,” sabi niya. “Serena, pwede ba tayong magsex ngayong gabi,” she looked at me wondering. “Ayoko nga baka patayin pa ako ni Abby, tigang ka no?” sabi niya. “Hindi, basta ganito kasi yun.”

Inexplain ko sa kanya ang sitwasyon ko. I want to make it look like na I cheated on Abby. Sasadyain ko na makita niya yun. In that way magagalit siya sa akin at makikipagbreak, imbis na malungkot siya ay mamgiging okay pa sa kanya na umalis ako.

“You want Abby to hate you, para hindi siya mahirapan sa pag-alis mo?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako. “At in that way ay gusto mo na patayin ako ni Abby?” sabi niya. “Let’s take it na sinabi ko sa’yo na single na ako at wala na kami.” “Okay,” sabi niya. “Thank you,” sabi ko.

“You’re stupid.” Sabi niya.

Alam ko.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon