Chapter Fifteen

30.9K 295 26
                                    

Katatapos ko uli maglipat ng gamit saka maglinis ng apartment. Pagkasabing pagkasabi sa akin ni Elaz na pwede na akong bumalik ng apartment ko, di ko ba alam kung matutuwa ako oh malulungkot. Nasanay na kasi ako na kasama siya eh. Mamimiss ko yun kahit dakilang manyakis yun. Sabagay ang awkward din kasi na makikitira pa ako sa kanya. Lalo na at alam ko na ang nararamdaman niya sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over don sa sinabi niya.

Hatinggabi na pala, makatulog na nga. Ipinikit ko na ang mga mata ko and I drift of to sleep.


“Abby,” sabi sa akin ni Xander habang naglalakad siya dahan dahan papalapit sa akin. Nandito kami sa park. May hawak hawak siyang bouquet ng red roses, tapos pagkalapit na pagkalapit niya sa akin, ini-abot niya sa akin yun. Ako naman niyakap ko siya. “Abby pwede bang akin ka nalang..” sabi niya. “Iyong iyo naman ako ahh Xander my loves!”


Magkayakap pa din kami then nakita ko si Elaz. Nakatitig siya sa akin. Yung itsura niya eh malungkot na galit. “Paano naman ako?!” sigaw ni Elaz. Binitawan ako ni Xander. “Ano ba ang problema mo Elaz? Bakit ba nakikisali ka pa?!” sigaw ni Xander. “Eh ano din ba ang pake mo, mahal ko si Abby eh!!” “Ehh gago ka pala girlfriend ko si Abby,” sabi ni Xander, sabay sinugod niya si Elaz at sinalubong niya ng isang malakas na suntok sa mukha. Napaupo si Elaz sa semento at pagtayo niya ehh sinikmuraan niya si Xander sabay uppercut.


KYAAAAA somebody stop them!! “OYY TUMIGIL NA KAYO!!” sigaw ko. Kaso hindi nila ako pinapakinggan, ayaw ko namang lumapit baka pati ako masapak. Pinapatigil ko sila, then it came to the point na tunog pinto na yung mga suntok nila. I mean pag lumalanding kay Xander ang kamao ni Elaz parang tunog ng may kumakatok sa pinto ang naririnig ko.


*KNOCK KNOCK*

My goodness!! Napatingin ako sa relo alas tres ng madaling araw! Sinong damuhong nilalang naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras. Pero buti nalang nagising ako sa bangungot na yun. Labag man sa loob ko na bumangon eh ayaw talaga tumigil nung kumakatok. Nagdadabog akong lumabas ng kwarto. Mawawala lang siguro ang badtrip ko kung malalaman kong emergency yun.

Hindi pa din tumitigil sa pagkatok yung nasa labas. “Abby! Abby!” boses lasing! Sino yun? Lalabasin ko ba? Baka naman rape-in ako nun. Malapit lapit na ako sa pinto at lalong lumakas ang pagkatok. “Abby!” pamilyar yung boses kaso hindi ko masyadong madistinguish kasi lasing ehh.

Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang hubad na katawan ng isang lalake at sumalubong sa ilong ko ang amoy ng alak. Nakaboxers lang siya, tapos may tattoo siya sa left chest. Familiar yung tattoo niya. Hindi pa ako tumitingin sa mukha niya masyado akong na mesmerize sa abs niya ehh! Saka ang tangkad niya ehh! Kaya pagtingala ko nakatitig sa akin ang isang nakangising gwapong nilalang. “A-aldrich?”

“Ikaw ahh pati katawan ko namiss mo.” Sabi niya. “Oyy hindi ahh! Te-teka umaano ka ba rito?” tanong ko sa kanya. Saka bakit naka boxers lang siya. “I got robbed.” Sabi niya. “Robbed?! Ehh bakit dito ka nagpunta?! Sa pulis ka dapat nagpunta!! Umuwi ka na nga sa inyo.” Sabi ko sakanya with matching tulak tulak pa sa matigas niyang chest. Katutulak ko sakanya bigla niyang hinawakan ng mahigpit yung dalawang kamay ko at tinitigan niya ako sa mga mata. “Kaya nga nandito ako ehh.. You robbed my sanity Abigail Fernandez..” “Sanity?” pagtataka ko.

Bigla niya akong binuhat at sinipa niya pasara yung pinto at binuhat niya ako papunta sa kwarto ko. Instincts talaga ng makakating nilalang ohh! Alam agad ang kwarto. Ibinagsak niya ako sa kama then he leaned on me. “You’re a bitch you know that?” sabi niya sa akin. “Gago!” sabi ko. “Shut up I’m talking.”

Sweet namin no? Nung boyfriend ko yan terms of endearment namin ang BITCH at Gago, pero hindi namin sinasabi yun sa public place. Pero di ko magets ngayon kung bakit ang landi niya. Anyare ba sa lalake na to?!

“I hate you Abby.. I hate you for leaving me..” sabi niya sa akin. Now I can tell that he’s serious dahil sa tone ng voice niya. “Hindi kita iniwan, it was a mutual break-up.” Sabi ko sa kanya. “Mutual break-up? Fuck that. I was never okay with that decision. I was a fool for letting you go you dumb bitch.” Sabi niya sa akin, kanina pa naka bitch to ah! “At after nung party bigla ka nalang nawala! Talkshit ka ehh! Alam mo yun?! I was expecting na pwede pa tayo uli, gusto kitang bawiin kaso taena! Iniwan mo nanaman ako!” tahimik nalang ako dahil pag nagsalita pa ako aka mabara lang ako ng hindi oras. “Tapos nakakabadtrip ka pa! Lahat ng nakasex ko this past few weeks nasasampal at iniiwan ako.. Kasi taena pangalan ko nasasabi mo! Shit! Shit! Pag may hinahalikan pa ako ikaw naiisip ko!” walangya pinagpapantasyahan pa ako ohh.. “You’re a bitch you sexy lady.. And I’m just so fucking in love with you.” hinalikan niya ako not out of lust but out of love (I can feel it eh), sabay nakatulog na siya. As in pagpikit na pagpikit ng mata niya ehh knock out. Ehh diba naka lean pa siya sa akin. Ayun ang bigat niya, tinulak ko pa siya at napahiga na siya sa kama. Ako din humiga na.

Nakakainis lang.. Bakit ang daming lalakeng in love sa akin? ANONG MERON?!

Another thing, ngayon lang uli nagkaganun si Aldrich sa akin, una na siguro yung nagbreak kami nung fourth year tapos nagkabalikan uli kami nung mga bago magpasko. Tapos nagbreak na kami nung graduation. Kasi akala namin maghihiwalay na kami ng lugar, di ko kasi kaya LDR baka magkandaloko loko grades ko. Tapos malalaman ko nung second semester eh dito na pala siya nag-aaral, nalaman ko yun kay Serena kasi magkaklase sia. Pero hindi alam ni Serena na Ex ko yun hindi ko rin sinabi. Gusto ngang maging boyfriend ni Serena si Aldrich ehh kaso sex at kalandian lang daw ang hanap ng gago kaya tinigilan niya. Doon ko nalamang nagbago si Aldrich. And by the way first time naming magkita nung party.

======================picture ni Aldrich========>>

Nakatulog na uli ako.

Nagising nalang ako na nakayakap kay Aldrich at nakangudngod pa talaga ang pagmumukha ko sa chest niya ahh! Sensya naman kala ko unan eh. Kaya pala feeling ko ang tigas ng unan. Dahan dahan akong bumitaw sa kanya kaso bigla niya akong niyakap. “Ohh bakit bibitaw, mukha ngang enjoy na enjoy ka ehh,” sabi niya. “Tse! Wag ka ngang magulo! Nacarried away lang ako akala ko kasi unan ka!” “Macho ko namang unan,” sabi niya sabay tawa. “Bitawan mo na nga ako! Saka umuwi ka na sa inyo!” sigaw ko. “Easy there honey,” bumitaw na siya sa akin, “umagang umaga sungit mo kung tutuusin ako yung may hangover eh ako dapat masungit.” Sabi niya sa akin. Tumayo na ako at binuksan ko ang pinto ng kwarto, “You are free to leave,” sabi ko.

He sits on the bed at dumandal siya doon sa headboard. “I’m not leaving hangga’t hindi kita nagigng girlfriend.” Sabi niya, “Hindi mangyayari ang gusto mo, may Xander ako!” sabi niya. “Kayo ba?” natahimik ako bigla. “Hindi pa..” mahina kong sinabi. “Lol hindi pa naman pala ehh, edi tayo na lang.” sabi niya. “Ehh umuwi ka na lang para matuwa pa ako sa’yo.” “Diyan lang naman sa baba apartment ko ehh, ganyan mo ba talaga winewelcome ang bago mong neighbor?”

SHEMAY ANO DAW?!


[End Chapter]

Sana nagustuhan niyo :D

please leave votes and comments

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon