CHAPTER 11: CHILDHOOD MEMORIES

35 4 0
                                    

JANE'S POV

Lumipas ang tatlong araw naging masaya naman kami ni Chester. Ganoon din si Jade at Zane.

Wala ngayon si Jade dahil pumunta siya kay Kuya Angelo. Hindi pa kilala ng mga kaibigan namin si Kuya Angelo kasi everytime na pupunta siya dito ay wala kami ni Chester. Ang alam ko si Zane lang ang nakakakilala kay Kuya Angelo.

Nagpunta kami ni Chester sa park kung saan kami naglalaro noon ni Jade at kung saan namin nakilala si Kuya Angelo.

"Alam mo ba na dito namin nakilala ang kaibigan namin na si Kuya Angelo?" Agad na pagopen up ko kay Chester.

"Ha? Sino si Angelo?" Agad na tanong niya.

"Hindi mo pa siya nakikita pero kababata namin si Kuya Angelo. Crush pa nga yun ni Jade noon eh. Lagi kaming nandito para maglaro." Nakangiting sabi ko habang inaalala ang mga nangyari nung bata pa kami.

"Jane? Pwede ba tayo–" 'di pa natatapos ni Jade ang sasabihin niya ng sumagot agad ako.

"Oo na tara na basta 30 minutes lang ah." Sabi ko kaya ngumiti siya.

Araw-araw kaming pumupunta ni Jade sa park para maglaro kahit saglit tuwing uuwi na kami galing sa school.

So I call my Mom using Tatay Rick's phone our driver for almost a year.

"Mommy? Pwede po kami pumunta sa park? I promise I will protect my twin sister and uuwi agad kami." Sabi ko agad ng sagutin ni Mommy ang tawag.

"Sure baby. Nagbake rin ako ng favorite merienda niyo kaya uwi agad ah." Agad na sabi ni Mommy kaya napangiti ako.

"Okay Mommy. Thank you!" Masayang sabi ko.

"Now, ibalik mo kay Tatay Rick ang phone para makausap ko siya." Sabi ni Mommy na agad ko namang sinunod.

"Tatay Rick, kakausapin ka daw po ni Mommy." Sabi ko pa at inabot ang phone.

"Jane, nasaan dito ang pampalakas ng tunog?" Tanong ni Tatay Rick.

"You mean loudspeaker?" I asked.

"Oo yun yata yun." Sabi ni Tatay Rick kaya pinindot ko ang loudspeaker. "There..." Sabi ko at inayos pa ang pagkakalagay ng cellphone sa cellphone holder sa sasakyan.

"Salamat." Nakangiting sabi ni Tatay Rick kaya kiniss ko lang siya sa pisngi niya. Ganyan namin kamahal ni Jade ang mga taong malapit samin.

Binigyan kasi nina Mommy at Daddy si Tatay Rick ng new phone para kapag tatawag sina Mommy at Daddy ay makokontak agad siya.

"Eh nasaan na si Mang Rick?" Tanong ni Chester.

'Hindi pa nga tapos yung kwento ko eh -_-'

"Sad to say he died 3 years ago." Malungkot na sagot ko.

"Sorry to hear that. Paano niyo nga pala nakilala si Mang Rick?" Tanong ulit niya kaya masayang inalala ko ulit yung mga panahong nakilala namin si Tatay Rick.

"I was 4 years old that time and pauwi na kami galing sa school. Isang Nurse si Mommy at Doctor naman si Daddy. Sobrang busy nila noon. Kahit ngayon naman eh lalo na nung nagkaboyfriend na kami." Malungkot na sabi ko. "So yun," pinalakas ko ulit ang loob ko ng makita ko ang awa sa mata ni Chester. "Pauwi na kami that time ng biglang pumreno si Daddy..."

"What happen? What happen?" Tanong ni Jade dahil bigla itong nagising kaya natawa na lang ako.

Tumingin ako sa harap ng sasakyan at may nakita akong lalaki. Hindi halatang sobrang tanda na niya maybe nasa 40's pa lang siya. Sina Mommy kasi ay nasa 30's pa lang.

Mr.Torpe Fall Inlove with Ms.Madaldal (Academy Series #03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon