CHAPTER 34: VOW

43 3 0
                                    

CLYDE'S POV

Nasa dressing room ako ngayon at inaayusan. Simula ng magising ako ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. At ngayon ay ito na nagaayos na ako para sa kasal namin ni Jane mamaya.

"Are you nervous?" Tanong sakin ni Alexander.

"No. I feel happy." Sagot ko habang inaayos ng tauhan ni Jade sa clothing line niya ang suot ko.

"Ang gand ang pagkaplano mo sa kasal niyo, Clyde. Mala-fairytale ang datingan dahil sa pakulo ng mga kasamahan mo mama habang maglalakad si Jane sa gitna." Komento pa ni Zane.

"Dahil gusto kong hinding hindi namin makakalimutan ang kasal naming ito. Mahal na mahal ko si Jane to the point na lahat ay gagawin ko para sa kaniya." Saad ko pa. Sa wakas ay tapos na akong ayusan at lumabas na yung nagayos sakin nagpasalamat naman ako bago siya lumabas.

"Tinalo mo ang kasal naming lahat." Saad naman ni Tito Nathan.

"I agree with that. Engrande rin ang kasal naming lahat pero hindi mala-fairytale na may paespada pa sa gitna habang naglalakad ang bride." Pagsang-ayon naman ni Tito Lexus.

"Hindi naman kasama sa plano yun eh naisama lang dahil isinuggest ng isa sa kasamahan ko. And parang nakagawian na rin yun lahat ng pulis na sa tuwing ikakasal ay may pangyayaring ganun." Sabi ko pa.

"Yeah, napapanood ko yan noon sa mga palabas tuwing ikakasal ang isang pulis. Pero sa tingin ko mas engrande ang kasal niyo. Invitation card pa lang nga eh pang-giveaway na ang datingan dahil salamin pa iyon. Tapos yung gown ni Jane nakita kong sobrang haba nun dahil tulong-tulong talaga lahat ng kasama niya sa clothing line sa pagawa halos pagpuyatan pa niya. Halatang sobrang pinaghandaan eh." Saad naman ni Zane kaya ngumiti ako.

"Idagdag mo pa yung katotohanang wala akong naitulong manlang sa financial nila ganun din si Jayden para sa kasal nila. Lahat inako ni Clyde, may binigay rin si Jane pero mas gusto ni Clyde na siya ang gagawa nun. I'm so proud of you son." Sabi naman ni Daddy sakin at tinapik pa ang balikat ko.

"Lahat gagawin ko para kay Jane, Dad. Gusto ko pa nga sanang magpagawa pa ng sariling bahay noon eh pero mas ginusto ni Jane na sa mansion nalang nila tumira kaya pumayag na ako pero pinarenovate ko pa rin." Saad ko.

"Oo nga eh lahat ng mansion doon 3 storey na. May dalawa pang itatayo." Sabi ni Tito Lexus na ang tinutukoy ay yung mansion nina Mark at Andrew.

*Tok. Tok. Tok.*

Napatingin kami sa pinto at dumungaw doon ang tauhan naman ni Jane.

"Pupunta na po tayo sa simbahan so get ready." Paalala nito kaya nagsitayuan na sa sofa ang mga kasama ko dito sa kwarto.

Nasa mansion lang ako simula kahapon ng matapos ang bachelor's party ko. Habang si Jane ay nasa medyo may kalayuang hotel. Iisa lang kasi ang village namin pero magkalayo pa rin ang bahay namin pero ayaw ng parents ko yun dahil baka daw ay umalis ako bigla para puntahan si Jane kaya doon na lang si Jane sa hotel na medyo may kalayuan sakin.

I sighed and I smile again.

"Excited?" My Dad asked.

"Super excited, Dad." Nakangiting sagot ko dito nakita ko pang biglang tumulo ang luha nito at siguradong napansin rin yun ng mga kaibigan niya dahil nagtawanan ang mga ito.

"'Wag niyo nga ako pagtawanan! Di ko kayo papasukin sa simbahan eh." Pagbabanta pa nito pero nagkibit balikat lang ang mga kaibigan niya at lumabas na kami sa kwarto.

"Natutuwa lang ako dahil ikakasal ka na. Naalala ko kasi bigla si Chelsie. Sana katulad mo ay matagal rin bago siya ikasal. At mukhang mangyayari pa iyon dahil tutok na tutok siya sa hotel natin." Sabi ni Daddy.

Mr.Torpe Fall Inlove with Ms.Madaldal (Academy Series #03) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon