Chapter 1

446 4 0
                                    

How can I move on when I'm still inlove with you? Cause if one day you'll wake up and find that you're missing me.....

Biglang nagising si Ly sa katotohanan nang tumunog ang phone nya

"Ayyy oo nga pala, break na nga pala kami"

Bigla nanaman syang naluha sa sinabi nya. 3 years. 3 years na siyang nagpapakatanga. 3 years na syang nagbabakasakali na babalikan pa sya ni Jovee matapos syang iwanan at ipagpalit. Nakakulong nanaman sya sa kwarto nya nang biglang....

"Ly, buksan mo yung pinto please" sabi ng bestfriend nya na si Denden. Hindi naman sya nagdalwang isip na buksan ang pinto. Matagal na kasi syang sinasabihan ng bestfriend nya na iwan na si Jovee dahil may ibang kutob ito. Pero hindi sya nakinig dito. Kaya heto sya ngayon, nagdurusa.

"Ly naman, si Jovee nanaman ba? Bakit ba kasi hindi ka nakinig sakin noon? Sabi ko naman sayo manloloko yun! Ang tigas kasi ng ulo mo!

"Sorry Den. Oo na, kasalanan ko na. Pinagsisisihan ko na"

"Mabuti naman kung ganon. Matuto ka kasing magbukas ng puso mo para sa iba. Marami pa naman dyan e. Hindi mo lang sila nakikita kasi si Jovee lang ang nakikita mo. Ang hilig mo mag bulagbulagan" sabi ng bestfriend nya. Matagal na kasi itong may lihim na pagtingin sakanya kaya lang, manhid talaga si Alyssa lalo na at si Jovee lang ang inaantay nyang magmamahal sakanya

Bigla namang natahimik si Alyssa. Na-realize nya ang sinabi ng bestfriend nya. Wala nga namang masama kung magbubukas sya ng puso para sa iba. Pero sa ngayon, hindi nya pa kayang magmahal ulit

"Hayaan mo Den, sa ngayon susundin ko na muna ang mga payo mo. Baka kasi sa bandang huli, pagsisihan ko nanaman na hindi ako nakinig sayo. Hahaha!" Pabirong sabi ni Alyssa. Natuwa naman si Denden at tumawa nang muli si Alyssa. Dahil sa ngiti ni Alyssa, nakita ulit ni Denden ang matagal nya nang hinahanap. Natutunaw sya sa mga ngiti ni Alyssa

"Ang ganda nya talaga kapag ngumingiti" sabi ni Denden sa isip nya. Hindi nya tuloy napansin na matagal na pala syang nakatitig dito. Nagulat nalang sya nang pinitik ni Ly ang ilong nya. Namula naman sya sa kahihiyan

"Hoy! Tulo laway ka na dyan! Hahaha"

Bigla namang napahawak si Den sa bibig nya para tingnan kung meron nga

"Wala namang tumulong laway eh!" Inis na sagot nya rito

"Di, biro lang. Eh ba't ka ba kasi ganyan ka kung makatingin sakin? May dumi ba sa mukha ko? Nagtatakang tanong nya

"W-wala naman" Nahihiya nyang sagot dito

"Siguro crush moko noh? Yieeee!" Bigla namang namula si Denden

"Hindi noh! Ang yabang yabang mo talaga kahit kelan!" Sabay hampas sa dalawang braso ni Ly.

Bigla namang may pumasok sa kwarto na syang ikinagulat ng dalawa

"Anak gusto mo na bang kuma-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nya

"Dennise! Andyan ka pala! Mabuti naman at pinagbuksan ka ng pinto ni Ly. Ang tagal na kasing nakakulong nyan sa kwarto e." Sabi ni Pablita, mommy ni Alyssa

"Oo nga po tita. Pasensya na po, nag dere-deretso na po ako paakyat nung pinagbuksan ako ni Tito e. Baka po kasi kung ano nang ginagawa nitong masama sa sarili nya" sabi ni Den habang nakaturo kay Ly

"Naku, okay lang yun iha. Osya, bumaba na kayo at kumain"

"Susunod nalang po kami mamaya" sagot naman ni Ly

"Hindi po! Kakain na po kami, now na" agad na sagot ni Denden at hinila na ang bestfriend nya pababa ng hagdan

HELLOOOO PO :) First time ko palang po gumawa ng story kaya pasensya na kung di nyo nagustuhan ✌✌ pero simula palang naman po yan kaya don't judge :) please please pleaaaase basahin nyo po :3 gustong gusto ko talaga yung Alyden kasi they look so goooooood together

Please vote and comment po :)

You were thereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon