Chapter 2

181 1 0
                                    

Gumising ng maaga si Ly para pumasok sa school. Abot tengang napangiti sya habang nakaupo sa kama

"Yeeess! I finally got over him! Naka move on na rin ako sa wakas!" Sigaw niya habang patalon talon at nagsasasayaw ng mga sarili nyang dance steps. Dali dali niyang dinampot ang cellphone at tinawagan si Denden. Agad naman itong sinagot ni Den.

"Oh Ly? Ba't napatawag-" di na nya natapos ang sasabihin nya nang biglang sumigaw sa tuwa si Alyssa

"Naka move on na ako, Den! Naka move on na akooooo!" Naririnig naman ni Denden ang kaligayahan sa boses ng bestfriend nya. Kaya naman sobrang saya rin nya para dito

"Talaga? Yeeeey! Ang saya saya ko para sayo!" Sagot nito. At gaya ni Ly, nagtatatalon rin ito na parang bata

"Thank you sa tulong mo, Den! At dahil dyan, let's celebrate! Kakain tayo mamaya sa labas. Treat ko."

"O sige basta daanan mo nalang ako sa room mamaya. Mas maaga naman awas mo mamaya diba?" Tanong ni Den sakanya

"Oo sige. Uy, bye na ha. Kakain na muna ako sa baba para makapag ayos na ako ng maaga"

"O sige! Bye"

"BYEEEE"

"I love you...." bulong ni Den sa kabilang linya. Hindi nya alam na nadinig pala ito ni Ly

"Ha? Anong sabi mo? Sorry di ko naintindihan" tanong ni Alyssa. Sa totoo lang ay naintindihan nya naman talaga iyon. Gusto nya lang linawin kung yun nga talaga ang sinabi ni Den

"Ha? W-wala! M-may sinabi ba ko? Wala naman ah?" pag mamaang maangan nito

"Sht! Nadulas ako! Waaaa anong gagawin ko?" Sabi ni Den sa isip nya

"Ahh baka guni guni ko lang. Ge bye na baka magalit na sakin sila mommy pag antagal kong bumaba" natatawang sabi ni Alyssa

"Sige, bye." Sagot naman ni Den

Pagkababa naman ng telepono ay agad pinag uuntog ni Denden ang ulo nya at binaon ito sa unan.

"Waaaa! Muntik na yon! Waaaaa!" Sigaw nya habang nakatakip ang unan sa mukha nya. Pumasok na rin sya sa banyo para maligo at maagang makapasok

-------------------------------------------------------------

Bumaba na si Ly ng sasakyan pagkatapos nyang makahanap ng parking sa loob ng Ateneo. Agad naman nyang nakita ang mga kabarkada nya na sina Gretta, Fille, Jia, Mich, Marge, Jirah, at sina Bea, Ella, Mae, Jhoana, at Amy na mga forever alone (pero dahil magkakasama sila, syempre di na sila alone XD) tuwang tuwa siyang lumapit sa mga ito at kinuwento na naka move on na sya (habang nagsasasayaw nanaman ng sarili niyang dance steps) sari-saring reaksyon naman ang natanggap nya sa mga kabarkada nya gaya ng

"Finally!"
"Magbabagong buhay na si Baldo!"
"Kala ko hihintayin mo nang mabulok ang sarili mo bago maka move on"
"Hay salamat, titigil ka rin pala sa pagpapaka senti"

Natawa naman sya sa mga reaksyon ng mga kaibigan nya. Nagpasalamat rin sya sa mga ito dahil niresbakan nila si Jovee nang iwan siya nito. Inaya nya rin ang mga ito na kumain sa labas mamaya

"Guys, tara kain tayo sa labas mamaya. Treat ko" sabi nya sa mga ito

"Yes pagkain!" Sagot naman ni Ella

"Nakooo ang takaw talaga!" sabay sabay nilang sigaw at nagtawanan. Pumasok na rin sila sa kanya kanyang rooms pagkatapos

-------------------------------------------------------------

Dahil maagang natapos ang klase ni Ly, pinuntahan nya na agad si Den sa room nya. Sakto namang kakalabas lang ni Den ng room nya

"Hi Den!" bati nya rito sabay ngiti

"Sht ang ganda nya talaga" sabi ni Den sa sarili. Agad rin naman syang sumagot dito

"Hi Ly" at ngumiti rin dito

"Tara na?" Tanong ni Ly

"Sige tara" nakangiting sagot nito

-------------------------------------------------------------

Pagkarating nila ng Shakeys, biglang nagsidatingan ang iba pa nilang mga kabarkada. Nagtaka naman si Den kung bakit sila nandito

"Hi guuuys!" Excited na sabi ni Gretta

"Gretta?! Anong ginagawa nyo dito?" Nagtatakang tanong ni Den

"Inaya kami dito ni Ly. Sorry nakaistorbo ba kami?" tanong nila

"A-ah h-hindi naman. Hindi lang kasi nabanggit sakin ni Ly na kasama pala kayo hehe" sabi ni Den at tumingin ng nagtatakang tingin kay Ly.

"Akala ko naman kaming dalawa lang." Sabi ni Den sa sarili nya

Ngumiti naman si Ly at nagsabing sorry kaya hinayaan nya na lamang ito. Masaya naman silang kumain noong araw na iyon habang masayang nagkekwentuhan ng may kasamang halakhakan at tawanan

Guuuys sorry yan lang ang kaya ko sa ngayon. Sorry pooo :(

You were thereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon