Alas kwatro na ng umaga pero gising parin si Den. Tinatapos pa kasi nya ang projects nya na due date na kinabukasan.
Bigla namang nag ring ang phone nya. Tiningnan nya kung sino ito at nakitang si Ly ang tumatawag. Sinagot naman nya ito agad
"Hello?"
"Den? Ba't gising ka pa?"
"Actually, nagising lang ako dahil sa tawag mo" pagsisinungaling ni Den. Alam nya kasing mag aalala sakanya ito kaya nagsinungaling sya
"Well, parang hindi naman bagong gising yang boses mo. Tungkol nanaman ba sa projects mo yan?"
"Akala ko naman nakalusot nako" sabi ni Den sa isip nya
"A-ah o-oo. Ang hirap kasi e tapos sabay sabay pa na due date bukas so- hello? Ly, andyan ka pa ba?" Napagtanto nya na wala na pala syang kausap dahil binaba na agad ito ni Ly. Bigla naman syang nabadtrip sa ginawa nito.
"Tatawag tawag tas pagbababaan lang ako ng telepono? Badtrip!" Pabulong nyang sinabi habang nanggigigil sa lapis na hawak nya
Tinuloy nya na yung project na ginagawa nya nang may naaninag syang anino sa may terrace. Bigla naman syang kinabahan dahil isa itong matangkad na tao. Natakot sya at kinuha ang baseball bat nya sa ilalim ng kama. Akma na nyang hahampasin ang taong nasa likod ng kurtina nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napansin nyang katunog ito ng notification tone ni Ly. Dahan dahan nya namang binuklat ang kurtina at nakita si Ly na may hawak na 5 box ng krispy kreme
"H-hi Den" kabadong sabi ni Alyssa kay Den habang pakaway kaway at nakangiti
"Alyssa?! Anong ginagawa mo dito?!" Tarantang tanong ni Den
"E-eh s-sabi mo nahihirapan ka sa projects mo. I'm here to help" sabi nya habang nakangiti. Kinilig naman si Den
"H-ha? Di naman kailangan. Kaya ko naman na to"
"I insist"
"Oo na, oo na. Pede ka na tumulong"
"Yaaay! Here. This is for you. Alam ko namang favorite mo yan" sabi ni Ly habang inaabot ang 5 box ng Krispy Kreme
"Thank you, Ly. You know me too well"
"I know hahah. Osya, simulan na natin yung project mo"
------------------------------------------------------
Alasais na nang matapos sila sa paggawa ng project ni Den. Ni-isa sa kanila ay wala pang tulog.
"Ly...." sabi ni Den
"Yep?"
"Thank you... for always being there for me" seryosong sabi ni Den. Napangiti naman si Ly sa sinabi nito
"Sus, wala yun. Thank you rin. Kasi nung nagpapaka senti ako sa break up namin ni Jovee, you were there. Pero natural naman na satin yun. Bestfriends tayo diba?"
"O-oo b-bestfriends" sagot ni Den ng may pag aalinlangan. Medyo kumirot naman ang dibdib nya
"Anak, bumaba na muna kayo dyan at kumain na. Baka malate kayo sa pag pasok. Alyssa, dito ka na din maligo" sabi ni Mike, daddy ni Den
"Opo dad, pababa na po kami" sagot naman ni Den
-------------------------------------------------------------
Tapos na silang kumain. Nagkakahiyaan pa si Den at Alyssa kung sinong unang maliligo
"Mauna ka nang maligo"
"Hindi, ikaw na muna"
"Den, ikaw na. Mabilis naman ako maligo e"
"Okay, sabi mo e "
Naiwan naman si Alyssa na nakaupo sa kama ni Den. Napansin nyang umilaw ang phone ni Den dahil full charge na ito. Nilapitan nya ito para hugutin na sa saksakan. Napangiti naman sya nang mapansin na silang dalawa yung wallpaper ni Den. Tinangka nyang buksan yung phone at hinulaan ang passcode. "1302" Ang pinindot nya at tuwang tuwa naman sya nang tama ito. Binuksan nya ang gallery at nakita na ang dami nyang stolen shots dito.
"What the heck?!" Nasabi nya sa sarili nya. Hindi nya nagustuhan ang mukha nya doon dahil ang iba ay tulog, tulala, gulat, at iba iba pa. Ang iba pa ay naka nganga. But Dennise finds it cute. Bigla namang nagbukas ang pintuan ng banyo
"Hoy Baldo tapos nakong- HOOOOY! Bitiwan mo yang cellphone ko! Agad nyang hinablot ito kay Alyssa
"Woah, chill Den. Eto na ibabalik ko na" natatawang sabi ni Alyssa sakanya. Tawa naman sya ng tawa habang pumapasok ng banyo
Agad namang nag scan si Den ng task manager nya para icheck kung anu-ano ang binuksan ni Alyssa
"Haayy, gallery lang pala-
Ayyy sht! Yung gallery!" Tarantang sabi ni Den*Scroll*
*Scroll*
*Scroll*
*Scroll*
*Scroll*
*Delete*
*Delete*
*Delete*
*Delete*
"Sayang naman yung mga pinaghirapan ko sa stolen shots na to. Di ko muna buburahin lahat"
"Den labas ka muna magbibihis lang ako" sabi ni Alyssa na kalalabas lang ng banyo. Hindi kasi ito napansin ni Den dahil busy sya sa pagdedelete ng pictures kaya naman nagulat ito
"Ay stolen shots mo!" Gulat na sigaw ni Den
"Stolen shots ko?" Painosenteng tanong ni Ly
Hindi na alam ni Den ang gagawin nya dahil na rin sa kaba kaya tumakbo na sya agad palabas ng kwarto