Lucky - Suho

14 1 0
                                    

Play niyo yung Lucky ng EXO para dama niyo! ='>

Si Suho ay NGSB. Siyempre kung may NBSB ang mga babae, meron din ang mga lalaki. Tapat at seryoso siyang magmahal sa mga babaeng nililigawan niya pero di niya pa rin alam kung bakit siya binabasted.

One day, nakita ka niyang umiiyak habang nakaupo sa isang park bench. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha mo kaya't inabutan ka niya ng panyo. That time, tinanong ka niya kung bakit ka umiiyak.

[CONVO]

Suho: Here //abot ng panyo sa'yo//

Ikaw: Thank you, ha?

Suho: Ba't andito ka? Bakit ka umiiyak?

Ikaw: You know what? Di tamang manghimasok ka sa buhay ng iba. Salamat dito sa panyo. Lalabhan ko na lang para sa'yo.

Then you left. Hindi niya alam kung mali na bang magtanong kung anong problema mo. Hanggang kinabukasan, pumasok ka na sa school. Nakita mo na lang siya sa may locker, di mo alam na same school lang ang pinapasukan niyo.

[CONVO]

Ikaw: Ahm.. Eto nga pala yung panyo mo. Salamat kahapon.

Suho: Dapat hindi mo na nilabhan. Tsaka--

You didn't let him to finish what he's going to say. Umalis ka na kasi kailangan. Pero sa lahat ng pinupuntahan mo, sinusundan ka na pala niya. Pero nakahalata ka. So pinuntahan mo siya sa likod ng locker kung saan siya nagtatago.

[CONVO]

Ikaw: Ano bang kailangan mo? Bakit mo 'ko sinusundan?

Suho: //kamot sa ulo// Ha? Ah. Hehehe! Kasi--

Ikaw: Ano nga?!

Suho: Ah, ano kasi.. Di ako mapakali kung bakit ka umiiyak kahapon. Yung feeling na parang gusto kitang tulungan dahil sa nakita ko kahapon.

Ikaw: O sige. Sasabihin ko sa'yo ang dahilan. Nakipagbreak sa'kin ang boyfriend ko. Masyado daw akong malambing, mapagmahal, masipag at palaaral. Naboring siya sa buhay ko. Sa gawain ko araw-araw kaya nakipagbreak siya sa'kin. Masaya ka na?

Di mo alam na tumutulo na pala ulit ang luha mo.

Suho: Alam mo, ang babaeng tulad mo, 'di dapat tinatapon na lang sa isang tabi. Sa totoo lang, kung ako yung ex mo, makukuntento na 'ko sa'yo dahil napakaswerte ko. Nasa'yo na lahat.

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin 'yun. After that day, lagi na kayong naghahanap para sa isa't-isa. Sabay kumakain, hinahatid ka sa room mo, hinahatid-sundo ka sa bahay at school niyo. And one day, nagulat ka na lang sa naramdaman mong kakaiba nung hinawakan niya yung kamay mo.

[CONVO]

Suho: Bakit? Bakit ganyan itsura mo? Dati ko pa naman hinahawakan yung kamay mo, ah?

Ikaw: Huh? Eh kasi.. Wala, wala. Pumasok na tayo!

Tsaka ka tumakbo palayo.

Valentine's Day na. Di tulad noong nakaraang taon, wala ka nang date. Kasi wala na yung ex mo. Naglalakad ka ng parang lantang gulay sa hallway. Nakayuko ka dahil ayaw mong makita ang mga couples na sweet-sweetan sa harap mo. Napabulong ka tuloy.

Ikaw: Swear, kung gaano sila kasweet ngayon, ganoon nila ka-hate ang isa't-isa sa loob nila.

Nagulat ka na lang nang mabunggo mo ang isang lalaki. Pagtingala mo, si Suho pala. Parang ang tangkad niya, eh noh? Tingala talaga. HAHAHA.

[CONVO]

Suho: Lungkot mo, ah? Wala kang date, eh. HAHAHA

Ikaw: Para namang ikaw, meron. Tss

Suho: Meron! Balak ko nga siyang ayain ngayon, eh.

Ikaw: Huh? Eh ba't andito ka pa? Ang mga babae, di dapat pinaghihintay yan. Puntahan mo na siya.

Suho: I'm not going anywhere.

Ikaw: Ha?! Anong I'm not going anywhere?! Eh di baka mabasted ka na naman niyan! Puntahan mo na siya, dali!

Suho: I'm not going anywhere kasi, ikaw 'yun. Ikaw yung babaeng balak kong ayain para maging Valentine's ko. Alam kong parehas lang tayong sawi. At ikaw, kakabreak mo pa lang. Yung ex mo, di niya nakita ang kahalagahan mo. Di niya nalaman kung gaano siya kaswerte at sinagot mo siya. Samantalang ako, kakakilala ko pa lang sa'yo, alam ko na agad ang importansya mo. Sana wag ka namang magkulong lang sa nakaraan. I feel inlove with you already.

Nagulat ka sa confession niya. Sa harap pa kasi ng madaming tao, eh.

Ikaw: Suho...

Suho: //insert your name//, can you be my Valentine's? My date? My girlfriend?

Nagsimulang magtilian ang mga babae't mga BINABAE sa paligid niyo. Napangiti ka na lang ng tipid kay Suho.

Ikaw: Yes. I can be your date, your Valentine's and your girlfriend, Suho!

Suho: Hayaan mo, di ako tutulad sa ex mong di ka naman pinahalagahan. I'm so lucky have you. I'm so lucky to be your love. Happy Valentine's!

#Suho_sDate Sana po nagustuhan! Labyah!

Valentine's Day ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon