Angel - Baekhyun

5 0 0
                                    

Play niyo yung Angel ng EXO para dama niyo! ='>

Si Baekhyun ay isang nerd. Lagi siyang binubully ng mga gangster sa campus niyo. Nakikita mo na lang siya laging duguan at puro pasa ang mukha. Minsan mo na siyang tinulungan pero itinulak ka niya palayo. Awang-awa ka sa kanya noon dahil wala ka man lang magawa sa tuwing nakikita mong binubully siya. Hanggang sa isang araw, nakita mo na naman yung mga gangster na nilalapitan si Baekhyun. Hindi ka na nagdalawang-isip na lapitan ang mga 'to.

[CONVO]

Ikaw: Ano bang problema niyo kay Baekhyun, ha? Ba't lagi niyo siyang binubully?

Gangster: Ganda mo naman, miss!

Ikaw: Grabe ha? Sinagot mo yung tanong ko, eh! Bobo ka ba o sadyang bobo lang?

Gangster: Aba! Ang yabang ng babaeng 'to, ah?!

Maangas na sigaw niya at akmang sasampalin ka. Napapikit ka na lang ng mariin at hinihintay na sampalin ka niya.

Guy: Boss, babae pa rin 'yan.

Narinig mong paalala ng isa sa kanila.

Gangster: Pasalamat ka't babae ka. Kung hindi...

Ikaw: Kung hindi, ano? Ano? Sabihin mo nga!

Gangster: Takte! Ang yabang mo talaga, eh! Gusto mo bang ikaw ang pumalit dito kay Mr. Palaaral na kumag?

Ikaw: Ganyan ka na ba kadesperado sa pambubully? Pati taong walang kalaban-laban at yung mga babae, sinasaktan mo?

Gangster: Alam mo, pumapatol ako ng babae kapag di ka pa tumigil! Umalis ka na nga!

Ikaw: Alam mo rin bang pumapatol din ako sa kabayong tulad mo? Ha?

Baekhyun: Umalis ka na lang! Sundin mo sila!

Nagulat ka sa inasal ni Baekhyun. Siya na nga lang 'tong pinagtatanggol mo tapos ikaw pa papaalisin.

Ikaw: Baekhyun? Tinutulungan lang kita.

Baekhyun: Anong tulong ang ginawa mo? Mas lalo mo pa akong nilalagay sa panganib, alam mo ba 'yon?!

Ikaw: Ano?! Hindi kita maintindihan! Wala akong ginagawa sa'yo, ha!

Gangster: Woah! Anong pamagat ng dramang 'to, ha?

Baekhyun/Ikaw: Hindi ka kausap kaya wag kang sabat nang sabat!

Gangster: Aba! Hoy, mga kumag! Igapos niyo nga rin tong babaeng 'to!

Lumaban ka ng sapilitan sa kanila pero di mo kaya. Lalake sila at babae ka. Mas maskulado pa ang katawan nila.

Baekhyun: Ano ba?! Ako na lang kasi yung ibully niyo! Tutal ako naman talaga ang target niyo, diba?! Wag niyo na siyang idamay!

Gangster: Tss. Nerd ka lang pero ang yabang mo!

Baekhyun: Hindi mo alam ang sinasabi mo.

Maawtoridad niyang sabi. Nagulat ka na lang sa sumunod na nangyari. Kasi si Baekhyun, isa-isa silang nilalabanan. Nagulat ka sa bagong Baekhyun na nakita ng mga mata mo. Yung Baekhyun na hindi nerd. Yung Baekhyun na hindi lampa at matagal mo nang gustong makita na ito ang gawin niya sa mga nambubully sa kanya.

Nang isa na lang ang natitirang kalaban, may humatak sa'yo palayo kay Baekhyun. Nakita mo na lang na napahandusay sa sahig si Baekhyun dahil sa isang suntok na hindi inaasahan ni Baekhyun.

[CONVO]

Ikaw: Baekhyun! Baekhyuuun! Baaaaaeeeeekhyuuuuuun! Baekhyun!

Paulit-ulit na sigaw mo kay Baekhyun. Pero habang hinahabol ka niya, pakiramdam mo ay lalo lang siyang lumalayo. Hanggang sa makarating kayo nung gangster sa isang bakanteng classroom na ngayon mo lang nakita.

Ikaw: Ano ba?! Bakit mo ako dinala dito?! Napakasama mo!

Gangster: Pwede ba?! Tumigil ka sa kadadada mo! Pasakan ko ng buong locker 'yang bunganga mo, eh!

Ikaw: Pakawalan mo na kasi ako!

Sa sobrang pagod mo sa kakasigaw, napagod ka't nakatulog. Paggising mo, nakita mo na yung taong gusto mo sanang iligtas.

[CONVO]

Ikaw: Baekhyun? Paano mo nalaman 'tong lugar na 'to?

Baekhyun: Bangag ka ba? Dito dinadala ng lalaking 'yun yung mga binubully niya, eh. Kaya malamang, alam ko 'to!

Ikaw: E ba't highblood ka? Pinaglalaban mo?

Baekhyun: Mga babae nga naman! Tara na nga! Yung ungas talaga na 'yon, napakagago. Babae ka tapos iniwan-iwan ka lang dito ng mag-isa. Tara na!

Ang huling sinabi niya, bago ka niya hinila palayo at palabas ng room na 'yon.

Habang naglalakad kayo sa hallway, nagbigay siya sa'yo ng isang bulaklak.

[CONVO]

Ikaw: Oh? Anong meron? Para saan 'to?

Baekhyun: Valentine's ngayon. Dapat lang na bigyan ko ang isang babae nitong bulaklak. Happy Valentine's!

Ikaw: Ay! Oo nga noh? Ang saklap ng Valentine's ko!

Baekhyun: Sorry, ha? Kasalanan ko 'to, eh.

Ikaw: Ha? Anong kasalanan mo? Wala kang kasalanan. Ako yung sumugod sa kanila.

Baekhyun: Hindi. I mean, kasalanan ko talaga kung bakit ka napahamak. Target ka talaga nila. At kaya nila ako binubully, dahil sa pagkagusto sa'yo.

Ikaw: Ha? Mga ugok 'yun, ah! Hindi naman nila mapipigilan ang nararamdaman ng isang tao, eh. Hindi naman sila yung batas. Tss. Nga pala, thank you sa pagligtas sa akin, ha?

Baekhyun: Wala yun. Angel mo 'ko, eh. Pero gayunpaman, angel din kita. You saved me. You saved me from hell. Joahae! Happy Valentine's!

#Baekhyun_sDate Sana po nagustuhan! Labyah!

Valentine's Day ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon