Peter Pan - Sehun

13 1 0
                                    

Play niyo yung Peter Pan ng EXO para dama niyo! ='>

Parehas kayo ni Sehun na mahilig sa cartoon na Peter Pan. Nagagandahan kayo sa storya ni Peter Pan at ni Wendy/Tinkerbell. Depende na lang kung sinong bet niyo. HAHAHA. Ikaw kasi, naghahanap sa'yong Peter Pan at siya naman, naghahanap sa kanyang Wendy/Tinkerbell.

[CONVO]

Ikaw: Ang gwapo talaga ni Peter Pan! Ang gm niya pa kay Wendy/Tinkerbell!

Sehun: Huh? Anong gm? Green minded?!

Ikaw: Tange! Gm means gentleman!

Sehun: Tss. Dami kasing alam, eh.

At ginawa na naman niya ang natural at pinakapeymus niyang SERIOUS FACE.

Sehun: Kung alam mo lang, mas gwapo at gentleman pa ako dyan kay Peter Pan. Ayaw mo naman kasi akong pagtuunan ng pansin.

Ikaw: Huh? Anong sinasabi mo dyan?

Sehun: Wala! Kinukulam kita!

Ikaw: Baka nga epektib! Nabubuang ka na naman!

Sehun: Yun nga ang problema, eh. Sana ako si Peter Pan para makagawa ako ng potion na makakapagpagayuma sa'yo.

Ikaw: Ayan na naman siya. Kinakausap ang sarili.

Di mo alam na sa bawat pagbibiro niya sa'yo, ay yung pananabik na MULI mo siyang mahalin. Oo, minahal mo siya dati. Kaso dahil idolo niyo ang Peter Pan and Wendy, nanatili na lang kayong magkaibigan. Ayos, nuh?

Lagi kayong nagtatalo tungkol dyan. Mas gwapo at gentleman pa daw siya kay Peter Pan. Kaso hindi ka pumapayag. Di mo rin alam na ikaw pala ang pinapangarap niyang maging Wendy/Tinkerbell niya.

Valentine's Day na. At inaya mo si Sehun na lumabas. Wala sa isip mong date, yun ah?

[CONVO]

Ikaw: Sehun. Tara labas tayo. Gusto kong mangtrip ng mga couples, eh.

Sehun: Tss. Akala ko pa naman date na.

Ikaw: Dami pang dada! Tara na sa carnival!

Sa totoo lang, di mo narinig ang sinabi niya dahil sabik ka na talagang mantrip.

Nasa carnival na kayo. Nagsimula ka na ngang mantrip. Basta yung trip na makakapagpaaway sa couples ang ginawa niyo ni Sehun. Napagod na kayo. Kaya pumunta muna kayo sa coffee shop na gusto niyong dalawa. Pa'no ba naman kasi, Peter Pan inspired yung coffee shop.

[CONVO]

Sehun: Cr muna ako, ah?

Ikaw: Sige! Palamon ka na sa inidoro! HAHAHA.

Ginulo lang niya ang buhok mo.

Maya-maya, may lumapit sa'yong waiter nung coffee shop at pinapapunta ka sa party area nung coffee shop. Sosyal nung coffee shop, nuh?

Doon mo nakita ang mga batang nakacostume ng Peter Pan, Wendy at Tinkerbell. Sa stage nung area, nakita mo ang isang mascot ni Peter Pan. Yung mga waitress naman, sinuotan ka ng costume ni Tinkerbell.

Unti-unti, lumapit sa'yo si Peter Pan at nagbigay sa'yo ng isang supot na parang may laman.

[CONVO]

Ikaw: Luh? Ano 'to?

Peter Pan: Pixie dust. Dadalhin ka niyan patungo sa neverland kung nasaan ang palasyo ng puso ko.

Kilig ka naman. Nagtaka ka kasi pamilyar sa'yo yung boses ni Peter Pan kaya tinanggal mo yung ulo ng mascot.

Ikaw: Sehun?

Sehun: Ba't tinanggal mo? Panira ka naman, eh!

Ikaw: Bakit ka nagmascot? HAHAHA. Nakakatawa ka.

Sehun: Nakakatawa pa ba yung ginawa ko? Na tiniis ko yung sobrang init nung suot ko?

Ikaw: Sino ba naman kasing may sabi na isuot mo yun?

Sehun: Si Peter Pan. Sabi kasi niya, matutuwa ka daw pag ginawa ko yun.

Ikaw: Eh? Asan si Peter Pan?

Sehun: Nasa puso ko. //insert your name//, sana naman wag ka nang magbulag-bulagan. Ikaw yung mahal ko, eh. Ikaw yung Wendy at Tinkerbell ko. Kahit alam kong, hinahanap-hanap mo talaga si Peter Pan. Pero, eto na 'ko. Ako na si Peter Pan. Sana naman mahalin mo 'ko... Ulit.

Ikaw: Sehun.. Kahit kailan hindi ako tumigil sa pagmamahal sa'yo. Akala mo lang yun. Ikaw rin naman talaga yung gusto kong maging Peter Pan ko. Titira tayo sa Neverland kung saan walang katapusan yung pagmamahalan ni Wendy at Peter Pan doon. Yung pagmamahalan natin. Isa pa... Ang drama mo kanina. HAHAHA. Happy Valentine's Day... Peter Pan!

Sehun: Happy Valentine's din, Wendy!

#Sehun_sDate Sana po nagustuhan! Labyah!

Valentine's Day ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon