Black Pearl - Kai

6 0 0
                                    

Play niyo yung Black Pearl ng EXO para dama niyo! ='>

Mahilig si Kai sa pangongolekta ng black pearl kahit pa napakamahal nito dahil bihira lang itong makita. Meron na siyang tatlong fishbowl na puno ng black pearl. Para sa kanya, napakahalaga ng black pearl na yun. Kulang na nga lang ay bigyan ng pangalan bawat pearl, eh. Nabaliw na yung Kai niyo. HAHAHA.

Gusto niyo ng flashback? Then I'll give you flashback. Magkababata kayo ni Kai. Masayang-masaya kayo dati habang naglalaro pa ng snow sa 'Pinas. Imagine-in niyo, nagssnow sa 'Pinas para masaya. Halos dun na nga sa inyo tumira si Kai, eh. Dahil doon na siya kumakain ng agahan, doon siya natutulog kapag tanghali at minsa'y doon pa siya naliligo sa inyo. Hindi naman sila mahirap pero ganon kayo ka-close dati.

Kaso dumating yung araw na they need to go back to Korea for some heavy reasons. Di niya alam kung kailan sila makakabalik ng parents niya o makakabalik pa ba sila sa 'Pinas. That was the most heartbreaking na nangyari sa buhay mo. Yung malayo sa'yo yung napakatalik mong kaibigan. Pero nagbigay ka na lang ng remembrance sa kanya para naman hindi ka niya makalimutan. Isang black pearl.

Tumagal-tagal na din yung panahon, naging dalaga ka na. And hindi na lingid sa kaalaman mong binata na rin siya. Siyempre, sabay nga yata kayong pinanganak ng mga nanay niyo, eh. Wala kayong communication kahit man lang tawag or chat sa fb. Pero nakikita mo kung kailan siya online. Natatakot nga lang siya na ichat ka. Kasi baka nakalimutan mo na siya. Pero naglakas-loob kang ichat siya.

[CHAT]

Ikaw: Hello!

Kai: Hi =)

Ikaw: Kilala mo pa ako?

Kai: Ahm. Oo naman. Ikaw?

Ikaw: Malamang. Kaya nga chinat kita, eh. HAHAHA

Kai: Ahh. Kamusta ka na?

Ikaw: Ok lang naman. Kayo? Kayo diyan nila tita?

Kai: Ok lang naman kami. Hindi mo man lang ako kinamusta

Ikaw: Huh? Diba sabi ko, KAYO?

Kai: Oo nga. Pero iba pa rin yung 'Kamusta ka na?'

Ikaw: HAHAHA. Yung totoo, nagbibinata ka ba o nagdadalaga? HAHAHA.

Kai: Tss. Iba ka na.

Ikaw: iba ka na rin naman, eh.

Kai: Hindi ako nag-iba. Miss pa rin kita.

Ikaw: What do you mean?

Kai: Jong In sent an image

Ikaw: Ano yan?

Kai: Yung black pearl. Yung bigay mo sa akin dati =)

Ikaw: Nice! Pinahalagahan mo talaga.

Kai: Syempre galing kay bestfriend, eh.

'Syempre galing kay bestfriend, eh.' Yung message niya na nakapagpagiba sa puso mo. All this time kasi, di man lang siya nahulog sa'yo.

Ikaw: ='(

Kai: Bakit?

Ikaw: Wala.

Kai: Miss mo 'ko?

Ikaw: Syempre.

Kai: Don't worry. Miss din kita. Miss na miss.

Pero, yun lang ba talaga ang nararamdaman mo? Hindi. Kasi mahal mo na siya. Kaya higit pa sa pagkamiss ang nararamdaman mo.

Valentine's Day na at nasa bahay ka lang. Mag-isa kasi ang parents mo, nasa date. Suddenly, may kumatok sa pinto niyo. Pagbukas mo ay nakita mo ang package na nakapangalan sa'yo at galing daw sa Korea.

Binuksan mo ito at laking gulat mo nang makita ang sangkatutak na black pearl.

Ikaw: Omo! Napakayaman naman nung bumili nito!

Unknown guy: Hindi rin. Hindi naman kasi 'yan ang yaman ko, eh. Ikaw.

Hinanap mo kung saan yung nagsalita. Kung saan-saan ka naghanap yun pala nasa may pintuan lang. Ang gaga, nuh? HAHAHA peace!

[CONVO]

Ikaw: Sino ka?

Guy: Di mo ko kilala?

Ikaw: Kaya nga nagtatanong, eh. Baka kasi kilala na kita pero tinatanong ko pa rin kung sino ka.

Guy: Haha. Pilosopa. Ako si Kai =)

Ikaw: W-what?

Kai: A-ko.si.Kai

Ikaw: Weh?

Kai: Miss me?

Sa halip na sumagot ay niyakap mo siya dahil sa sobrang pananabik mo sa dating kaibigan.

Ikaw: Nagtanong ka pa! Syempre naman! Ano ba yan, di na kita maabot! Dati naman, magkasingtangkad lang tayo, eh =3

Kai: Haha. Ang liit mo pala!

Ikaw: Ay sorry, ha? Nakalimutan kong namiss mo din pala ako kaya You missed me!

Kai: Sorry din, ha? Di kita namiss, eh. Ang ganda na pala ng bahay niyo! Ang laki pa! Asan parents mo?

Yung biyak mong puso? Mugmog na lang ngayon dahil sa sinabi niya.

Ikaw: So.. Hindi ikaw yung kachat ko nung isang araw? Sabi mo kasi nun, miss mo na ako.

Kai: Huh? Saan? Sa facebook?

Ikaw: Oo.

Kai: Baliw ka? Wala naman facebook sa Korea, eh.

Napaupo ka na lang sa sofa niyo. Sawi ka na naman. Tinabihan ka niya at ibinigay ang isang perlas na sobrang pamilyar sa'yo.

Kai: Di ka na nabiro. Oo, ako yung kachat mo nun. Hindi nga lang facebook ang gamit ko pero di ko alam kung paano kita nachat. Alam mo bang nangangamba ako kung kilala mo pa ako o hindi na. Pero alam mo...

Ikaw: Ano?

Kai: Namiss kita. Sobrang namiss kita.

Ikaw: Bakit ka nga pala umuwi dito nang mag-isa?

Kai: Because I want to go back here. Kahit di alam ng parents ko, umuwi ako makita ka lang.

Ikaw: What do you mean?

Kai: Sabik na akong makita ka. Nakita mo ba yung mga black pearl kanina? Binili at inipon ko ang lahat ng yun. Sayang nga lang kasi kung hindi pa ako nasabik sa'yo, mas marami pa yan.

Ikaw: What?! Nagsayang ka ng pera dahil lang dyan?! Lagpas pa yata sa 100 yan, eh! Ako nga, isa lang binili ko tapos binigay ko pa sa'yo tapos.. Tapos--

Kai: Stop! Gaano man kamahal yan, it doesn't worth kung hindi ko rin maibibigay sa'yo. Wala akong pake kung gaano pa kamahal yan. Walang presyo sa'kin yan. Maubos man yung pera ko, andyan ka naman. You're like a chest of gold coins to me. Ikaw yung yaman ko. Ikaw yung pinakadapat kong pahalagahan. Ikaw yung black pearl ko. Kasi ang perlas, maraming uri yan. Pero sa lahat ng uri, yung black ang pinakamahal. Parang sa babae. Maraming uri ng babae akong nakilala. Pero dahil ikaw yung black pearl ko, ikaw yung dapat kong pahalagahan. Saranghae! Happy Valentine's!

#Kai_sDate Sana po nagustuhan! Labyah!

Valentine's Day ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon