"Munting Manunulat"

5 0 0
                                    

Ako'y isang munting dalaga,
Na mahilig lamang magbasa,
Ngunit nang kalauna'y namangha,
Sa mga istorya at Tula na likha,
Nang mga magagaling na manunulat at makata.

Nang magsimulang sumulat ng tula,
Mga kaibigan ko'y mangha,
Ngunit Hindi ko masasabing ako'y bihasa,
Pagkat may kamalian marahil ang aking likha,
Na akin pa lamang itatama.

Munting manunulat na nagsimula bilang mambabasa,
Na naging tagahanga ng mga manunulat at makakata,
Ngayon ay unti-unti ng nagiging bihasa,
Sa paglikha ng mga istorya at tula,
Gamit ang banyaga at ating sariling wika.

Maraming salamat say mga manunulat at makakata,
Nang dahil sa inyong mga likha,
Natuklasan Kong sumulat at lumikha ng istorya at tula,
Salamat dahil naimulat ko ang aking mga mata,
At naisipang paglaruan Ang mga salita at letra.

🖋️Chase

Poem CompilationWhere stories live. Discover now