"Ngayon Hanggang Dulo"

3 0 0
                                    


Ginoong aking pinapangarap,
Ngayon mismo'y aking kaharap,
Tumutugtog ng gitara,
Habang kumakanta.

Ako'y iyong nilapitan,
Kamay ko'y iyong hinawakan,
At unti-unting lumuhod sa aking kaharapan,
At inilabas Ang sing-sing na kay gandang tignan.

Bumuhos Ang luha na kanina ko pa pinipigilan,
Lubang nagsibuhos ng dahil sa kasiyahan,
Tanging pag-ibig Lang Ang aking nararamdaman,
Nang ako'y tinanong mo Kung pwede mo ba'ko pakasalan.

Hinintay mo ang sagot ko,
Ibinigay ko ang matamis kong "oo",
Pagkat ikaw lang iniibig ko,
Ngayon hanggang dulo.

Poem CompilationWhere stories live. Discover now