Phase no.1 : INA

15 3 2
                                    

Ina,
Ikaw ang nagbigay ng buhay ko,
Dahil sayo
Nandito ako,
At dahil sayo,
Natuto ako.
Natuto akong magbago,
At bumangon para sayo.










Kaya aking ina,
Maraming salamat sayo
Salamat kasi inalagaan mo 'ko,
Salamat kasi binuhay mo ako
sa mundong Ito,
Sa mundong akin ngayong ginagalawan,
Salamat dahil sayo,
Marami akong naranasan.





Naranasan kong madapa, Naranasan kong magkaroon ng problema.
At higit sa lahat,
Naranasan kong maging masaya.
Ina, salamat dahil Lagi kang nandiyan
At handa akong damayan.
Pasensiya ka na
Kung sinasagot Kita minsan.
Akala ko kasi nung sinasagotgot Kita
ay ako ang tama
Pero kahit sang banda
Nalaman kong mali pa rin
Ang aking ginawa.








Alam mo...
Kahit naging pasaway ako,
At kahit hindi ko pinapakita sayo
Kung gaano kalalim
Ang pagmamahal ko,
Gusto Kong malaman mo
na kahit kailan,
Hindi kukupas ang pagmamahal na nararamdaman ko
Para Sayo.
Mahal Kita
Aking INA.🥰🥰🥰🥰🥰

Eurie Bright's POETRY (Phase No.1-10+)Where stories live. Discover now