Sa panahong nanghihina ako,
Hindi ka umalis sa tabi ko
Sa panahong nalilito ako,
Nandiyan ka para damayan ako
At sa panahong tinataboy Kita,
Nandiyan ka pa rin para mahalin
At samahan ako.Mahal,
Paano pa 'ko Susugal
Kung umalis ka na?,
Pano pa ako babawi sayo
Kung Wala ka na sa tabi ko?.
Mahal,
Ang gusto ko lang naman ipaglaban mo 'ko
Hindi ipaglaban ang ibang tao.
Oo, aaminin ko
Nanghina at nagkulang ako
Pero hindi yun sapat na reason
Para ipagpalit mo 'ko!Susugal pa ba ako?,
Susugal pa ba ako,
Kung ikaw na Yung sumuko.
Susugal pa ba ako?
Kung ibang tao na yung kasama mo?
At higit sa lahat,
Susugal pa ba ako?
Kung hindi ko alam
Kung ako pa rin ba ang Mahal mo?