Phase no.4 : TAKOT😱

1 0 0
                                    

Takot,
Isang salita na iniiwasan ng lahat
Pero isang bagay na nararamdaman ng lahat.🥶

Hindi mo aasahan
Kung kailan mo 'to mararamdaman
At Kung paano mo iiwasan.🤒


Takot ang naging dahilan
Kung bakit tayo lumalaban
Pero takot din
Ang nakakapanghina sa atin.🤕


Lahat tayo ay may iba't ibang takot
Na nararamdaman,
At iba't iba din ang pinanggalingan
Takot tayong masaktan,
Takot na lumaban,
Takot na mawalan,
Takot na malamangan,
Takot na mapahiya,
Takot na magmahal,
At takot na sumugal.🤯




Lahat tayo ay may kinakatakutan,
Hindi lamang para sa pamilya,
Kaibigan,
Kundi pati na rin sa sariling
Nararamdaman.😥


Ang takot ay isa sa mga bagay
Na Hindi natin
kayang harapin
Pero Ito din
Ang isa sa mga nagpapatatag sa atin.😵



Minsan,
Kahit gaano ka katibay,
Gaano ka kalakas,
Gaano ka kasama,
At gaano ka katatag
Kapag takot na ang iyong hinarap
Lalambot ka sa isang iglap
Dahil ang takot ay parang anino mo,
Susundan ka kahit hindi mo gusto👻

Kaya mahirap man itong kalabanin,
Mahirap man itong harapin,
Huwag mong kalilimutan
na may kasama kang lumaban🤝🙏


     Written by:
                            Lorie M. Redondo
              😱                  (Eurie)💪💪
            ( • •)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eurie Bright's POETRY (Phase No.1-10+)Where stories live. Discover now