Phase no. 3 :Best friend

6 1 0
                                    

Isang kaibigan,
Totoong kaibigan.
  Kasama sa tawanan,
Sa kabaliwan,
At sa kulitan.

Isang taong maaasahan
Sa oras ng kalungkutan
At sa oras ng kagipitan,
Yung taong dadamay sayo
Kapag ikaw ay problemado,
At yung taong nagpapaheram ng pera
Sa tuwing walang-wala ka.

Ang taong lagi moog kasabay sa eskwela,
At yung taong lagi mong
Kasama.
Yung taong tutulong
Hangga't may maitutulong,
Meron mang hindi pagkakaintindihan,
Tuloy pa rin ang pagkakaibigan.

Alam mo aking kaibigan,
Ako'y naiinis sayo minsan
Pero kahit ganon,
hindi ko magawang
Magalit sayo kainlanman.
At gusto kong malaman mo,
Na ako'y sobrang nagpapasalamat sa'yo.
Sa mga panahong ika'y nasa tabi ko,
Sa mga panahong tumatawa ako,
At sa mga panahong masaya ako.

Masaya ako.....
Dahil kasama ko
Ang isang kaibigang tulad mo
At least nung mga panahong problemado ako,
Sandali akong nakalimot
Dahil sa'yo.


Alam kong minsan..
Hindi mo maipakita ang tunay mo nararamdaman,
Dahil iniisip mo
Hindi rin Naman Kita matutulungan
Sa tong pinagdadaanan.
Pero gusto kong sabihin sa'yo,
Nandito lang ako
Handang making at dumamay
Sa'yo.

Ano man pagdadaanan mo,
Gusto kong paniwalaan mo
Ang kasabihang Ito,
"gaano man kahirap an problema,
'wag kang mag pala
Dahil may isang tao na handang
Samahan ka"

Ginawa ko Ang kasabihang Ito,
Para magbigay inspirasyon sa'yo.
At gusto kong malaman mo,
Na Hindi ko ginawa ang tulang Ito
Para magpasikat sa ibang tao,
Kundi para malaman mo
Lahat ng gusto kong sabihin sa'yo
At para malaman mo,
Na lahat ng sinulat ko dito
Tungkol sa'yo , ay totoo.


Totoo na masaya ako
Dahil  naging kaibigan ko
Ang isang tulad mo,
At Kung magkakalayo man Tayo
Sana'y tuloy pa rin
Ang ating pagkakaibigan,
At hinihiling ko
Na sana'y hindi mo 'ko
Malilimutan...

Mahal Kita,
Aking kaibigan..🥰😛




Eurie Bright's POETRY (Phase No.1-10+)Where stories live. Discover now