One

8 0 0
                                    

"Dahil sa nasabing pandemya, gagawin nang online class ang mga klase ngayong taon hanggat hindi pa bumabalik ang sa normal ang lahat--"

Hindi ko na tinapos pa ang panonood ng balita sa tv. Matapos patayin ang tv ay naibalibag ko ang remote sa tabi ng sofa na kinauupuan ko.

"See that, anak? They are making sure na makakapag aral parin kayo--"

Napabuntong hininga ako ng makita ang laptop na nakapatong sa table. Naputol iyong connection ni Mama kaya naman hindi na niya napag patuloy pa ang sinasabi.

See that, Mama? Wala tayong stable na internet connection dahil hindi naman updated ang internet natin.

Naipikit ko nalang ang mata ko ng mariin. Hindi ko iyon masasabi sa nanay ko dahil dadagdag lamang iyon sa sakit ng ulo niya. Pagod na nga siya kakaasikaso sa mga pasyente sa ospital na pinagtratrabahuhan niya sa Canada, mas lalo pa siyang mapapagod kung mag rereklamo ako. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit sa ulo ng nanay kong nurse.

"Naputol na naman ang tawag 'nak? Ang hina talaga ng internet d'yan sa bahay. Siguro dapat… i-upgrade na natin ang internet. Kaso, wala pang sahod 'nak. Kakaumpisa lang ng Mama dito." Halata ang pagod sa boses ni Mama. Ito ang pinaka ayaw kong marinig na tono ng boses niya

Ngumiti ako kay Mama, "Ayos lang Ma. Kaya naman siguro itong connection natin."

Ang totoo ay kinakabahan ako. Baka mamaya ay hindi ko masabayan ang mga klase ko dahil sa bagal ng lintik na internet na 'to!

"Iisip ako ng paraan 'nak. Aalis muna ako ha. May bagong dating na pasyente na naman."

Halata sa kilos niya ang pagod pero dahil nga may bago na namang covid patient, kailangan niya iyon asikasuhin.

Matapos kumaway ni Mama ay pinatay na niya ang tawag. Dahil wala na rin namang gagawin ay iniligpit ko ang kalat sa sofa at umakyat na sa kwarto ko. Binuksan ko iyong kurtina para pumasok ang hangin pero nainis lang ako dahil nakita ko ang virus sa street na ito. Sa kasamaang palad ay mag katapat lang ang balcony naming dalawa.

May bagong lipat sa tapat ng bahay namin. Bago mag lockdown sila lumipat. 'Di hamak na mayaman dahil halata ito sa pagkakadisenyo ng bahay nila. Kilalang architect at engineer ang nag plano sa bahay nila. Samantalang itong bahay namin ni Mama ay napamana lang ng lolo bago siya mamatay. Two storey house.

Rinig mula sa bahay nila ingay ng music. Rinding rindi ako gabi gabi dahil sa ingay. Gusto ko man sugudin ang mga nakatira doon ay baka mahuli ako ng curfew.

Hindi ko namalayang nakatulala pala ako. Nagulat nalang ako ng patawid na ng kalsada ang nakafacemask na si Mrs. Penelopy Rosewelt. Siya iyong isa sa may ari ng bahay. Nang makita niyang nakadungaw ako sa bintana ay kumaway ito sa akin at sumenyas na bumaba ako. Dahil alam kong hindi niya ako titigilan ay bumaba na din ako.

"Emoni ang cute cute mo talaga!" Masiglang bati nito sa akin, halos kuminang pa ang mata sa tuwa.

Napangiti ako dito, "Kayo po talaga. Bakit po kayo napasugod? Mamaya mahuli po kayo ng curfew."

Tumingin ito sa relo niyang halata mong pang mayaman kasi sobrang ganda. Branded pa.

"Nasa GCQ naman itong lugar natin, hija. Tyaka quarter to 8 palang naman. Gusto lang kita dalhan ng niluto kong baked macaroni. Wala namang nakakaappreciate niyan sa bahay kaya dinalhan nalang kita," malungkot ang tono nito, halatang dismayado.

Tinanggap ko naman iyon agad.

"H'wag po kayong mag alala, uubusin ko po ito. Salamat po at naalala niyo ako. Nakakahiya man po," saad ko at bahagyang ngumiti.

Not Your "Normal" Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon