"You look ugly today," bungad ni Kralc na kakabukas lang ng pinto nila.
Tignan mo itong taong ito. Tanghaling tapat ay bwibwisitin ako.
"At least ako today lang. Ikaw? Pang habang buhay na yata iyan," pag ganti ko rito.
Sino namang may sabi na mag papaapi ako sa kaniya? Hell no.
"Si Moni na ba 'yan?! Papasukin mo na nga Ralc!" Sigaw ni Maam Penelopy mula sa sala.
Tanging irap nalang ang ginawa ko rito at nilampasan siya.
"I'm not done yet with my sentence. You look ugly today, tomorrow, and forever," sagot niya mula sa likod ko at nauna pang mag lakad sa akin. May kasama pa iyong pag danggi sa balikat ko.
Kung anong ikibinait ng magulang ay siyang kinademonyo ng anak. Hays.
Nang makarating sa sala ay nakita kong nakaupo si Maam Penelopy. Todo ngiti ito palagi kapag nakikita ako. Ganito siguro talaga siya kagustong mag ka-anak ng babae. Isinenyas niyang maupo ako sa harap niya kaya naman ganoon ang ginawa ko.
"Kakatapos lang ng orientation 'no, hija?" Tanong ni Maam Penelopy.
Mabilis akong tumango bilang tugon. Kanina ay ginanap ang virtual orientation namin. Doon ipinaliwanag kung ano ang magiging sistema ng pag aaral namin. Today is friday and mamaya namin matatanggap ang assessment form namin kasama na rin ang list ng class. Sa monday mag uumpisa ang kalbaryong dala ng virus na ito.
"Good. So after mo matanggap ang assessment form mo ay ipakita mo sa akin para mamanage natin ang oras mo. Ayaw ko namang maging sagabal sa schedule mo," saad ni Maam Penelopy.
Napangiti tuloy ako dahil doon. Iyon kasi ang isa sa mga kinatatakutan ko. Baka mag kasabay ang gawain ko sa school at ang pag assist kay Maam Penelopy.
"Don't worry, you just need to assist me with the computers. Alam mo naman, hindi na makasabay kasi iba ang technology ngayon," dagdag pa ni Maam Penelopy.
"Wala pong kaso 'yun, Maam Penelopy," tugon ko.
May inilabas itong kahon sa gilid niya at pinanood ko itong ipatong niya sa table katapat ng inuupuan naming dalawa.
"Laptop 'yan hija. That came from my scholarship since sumobra ng isa, ibibigay ko nalang sa'yo," saad ni Maam Penelopy.
Ito na naman tayo sa "sumobra" technique ni Maam Penelopy.
"Maam Penelopy hindi ko po matatanggap 'yan eh. Tyaka po may laptop naman po ako," saad ko.
Napalingon kaming dalawa ng bahagyang may tumawa. Only to find out na si Kuya Kwero iyon.
"Your laptop is like from ages ago. Baka kapag nag download ka ng file from the ms teams ay mag hang. You know that this old woman here won't stop bothering you if you did not accept her gift. Besides, sobra talaga iyan," mahabang salaysay ni Kuya Kwero.
I mean, may point siya. Pero parang sobra na naman kasi yata lahat ng binibigay ni Maam Penelopy. Nakikikain ako sa kanila, makiki-wifi, at makakatanggap pa ng laptop. Not that I'm not grateful. Sobrang hiya lang talaga ako.
"Can you just accept the laptop so my mom will stop pouting? Like it's kadiri," singit ni Kralc
Kahit kailan ay wala kang mahihitang magandang salita kay Kralc. Dumagdag pa ang kadiring conyo na salita nito.
"Sige na, hija? Sayang naman kasi kung sa iba ko ibibigay. Besides, mayroon na namang mga gamit ang anak ni Manang Patty," pag susumamo ni Maam Penelopy.
Dahan dahan kong kinuha iyong kahon tyaka tumingin ulit kay Maam Penelopy, "Thank you, Maam. Sobrang grateful po ako to have this kind of opportunity. Sorry po if hesitant ako. Sobrang dami niyo na po kasing naitulong sa akin eh," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Not Your "Normal" Love Story
RomancePandemic occurs and everything turn into abnormal. People can't go outside. People just stay at home. Some are hopeless to live. But what if one day, someone changed your way of living while there is a pandemic? Started: March 29, 2021