01

16 4 0
                                    


Chapter O1- Offer

"ATE! SI MAMA!" Naghihisteryang tawag ng nakababatang kapatid ko sa'kin.

Nailapag ko nalang basta ang mga papeles sa mesa at halos talunanin na ang hagdan makaakyat lang agad sa kwarto ng mama.

"MAMA!" hindi man lang magawang mangilid ng mga luha ko ng makita ang aking ina na nahihirapan na sa paghinga dahil sa sobrang kaba at pagkataranta. "Tawagin mo ang doktor ng mama, Ron! Bilis!" Utos ko sa'king kapatid na nooy umiiyak na, ngunit natigilan ako ng hawakan ng aming ina ang aking mukha at nangingiting lumuluha.

"E-eniza anak," panimula nito, "I-ikaw na ang bahala sa kapatid mo, ha?" pilit niyang pagsasalita ng maayos.

"Ma! What are you saying?! Kaya mo pa! At, Ma! You're not supposed to talk! At kung ganyan lang pala ang sasabihin niyo, mas mabuti pang 'wag nalang rin kayong magsalita. Para kayong namamaalam." Ngumiti lang siya. Asan na ba ang doktor?

"Ate! Andito na ang mga doktor!" Hinatak na'ko palabas ng kwarto ni mama ni Ron kasabay ng pag-uunahan ng mga doctors and nurses na makapasok sa loob.

Nakita ko ang pagkalikot nila sa mga nakakabit na bagay sa aking ina. At kung paano nila pilit na sinasalba si mama.

Please Lord, save my mom.

Tahimik kong panalangin habang nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha at inaalo ang nakayakap at umiiyak na kapatid ko sa'kin.

"Ms. Nalconia," tawag pansin ng doktor sa'kin.

Nilingon ko ito, "Doc! Doc! Hows my mo--"

"I'm sorry," putol niya sa akin, "We did our very best to save your mom, but---,"

"NO! NO! NO!" Sigaw ng kapatid ko habang umiiling ng paulit-ulit. Lumakas nanaman ulit ang iyak niya.

Naluluha kong nilingon muli ang doktor, ngunit malungkot lamang itong umiling at muling bumalik sa loob.

Sumunod naman kami sa kanya at nakitang inaasikaso na nila ang katawan ni mama.

Katawan...

Bigla nalang akong humagulhol at pinaghahawi ang mga tao at niyakap si mama.

"MAMA!" hikbi ko, I can't believe this.

"MAMA! MAMA! WAKE UP NA PO! MAMA!" iyak din ng kapatid ko habang hinihimas-himas ang mukha ni mama ng paulit-ulit.

Nilapitan ko siya at niyakap, gumanti din naman ito sa akin.

"Ate," hikbi niya sa balikat ko, "W-wala na ba talaga si mama?"

Natigilan ako saglit at hinaplos na lamang ang buhok niya, "Kaya natin 'to. Nandito pa ang ate." Sabi ko nalang.

Tumango na lamang siya at binalikan uli si mama at hinawakan ang kamay nito at hinaplos sa kanyang mukha, "I love you, mama ko." Aniya at hinalikan ang kamay nito.

Ron is so strong.

Sa huling pagkakataon ay niyakap at hinalikan ko din si mama at sabay kaming tumayo ng kapatid ko at hinayaan na ang mga taong asikasuhin si mama.

PAULIT-ULIT lamang ang ginagawa ko tuwing may papasok na mga tao sa burol ni mama. Tatango at ngingiti kahit pilit.

"Condolence, ija. Your mom is a very good person. And a really best C.E.O, ngayon na wa---"

"Come in, ma'am." Nagugulat kong nilingon si Nike ng sumabat siya sa usapan. Ang pinsan ko. He's a very handsome guy, I can say. Silly, as well. He's one year older than me. We're not close. I don't like him, he's so loud. Psh.

COMPLICATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon