2 votes for the next chapter.
Chapter 02- Huli na
Sabi nga nila, death is a part of life. Naniniwala ako, pero mahirap tanggapin. Lalo na kung isa sa pinaka-importanting tao sa buhay mo ang mawala sa'yo. Lalo na kung 'yun 'yung mama mo. Ang nagkalinga at naging ilaw mo.
Hindi natin maitatanggi na kadalasan, mas kumportable tayong kasama ang Mama natin kesa sa Papa natin. Hindi ba? Kase, sa kanila, we can act and think for who we really are. Hindi ko sinasabing hindi tayo kumportable at hindi nagiging totoo sa sarili natin kapag Papa na natin, ang sinasabi ko, mas kumportable lang talaga tayo 'pag si Mama na ang kasama. Mapa-babae ka pa man o lalaki, kadalasan dito sa mundo, Mama ang paborito.
Aminin mo, kapag may gala, kay Mama agad tayo unang nagpapaalam. Kapag may gusto, sa Mama agad tayo umuungot. Lahat kay Mama. Na minsan, sa kanila tayo mas may lakas ng loob na sumabat o lumaban kase palaging nakatatak sa isip natin 'Si Mama naman 'yan e." Alam nating 'di nila tayo sobrang matitiis. To the point na, nagiging abusado na tayo.
May dalawang klase ng Ina; Showy at hindi showy.
Minsan nasasabi mo, hindi ka talaga mahal ng Mama mo. Naiinggit sa mga kaibigan o kakilala mo na iba ang trato ng magulang nila sa mga anak nila sa magulang mo sa'yo.
'Sana ganyan den si Mama.'
'Sana Mama ko nalang ang Mama niya."
Por que may iba kang gusto na wala sa kanya, nagkulang na siya. Sila.
Pinapadama nilang mahal ka nila, 'di mo lang ramdam.
Tanong ko lang, nag-I love you ka na ba sa Mama mo? Nasabi mo na rin ba sa mga magulang mo kung gaano mo sila ka-mahal? I bet, most of you didn't. It's either nahihiya kayo o naco-corny'han kayo. Sa maling tao nga, nag-I love you ka, sa sariling magulang mo pa kaya?
Ang saya 'pag nasabi mo habang nandyan pa sila. Hindi 'yung tsaka mo na sasabihin kung kailan wala na sila. At halos ipalandakan pa sa buong mundo kung gaano ka kalungkot. Pero sa totoo lang, hindi ka lang malungkot, nagsisisi ka pa kase huli na. Huli ka na.
Hindi mo na mapapatunayan at mapaparamdam kase mahina ka.
Before the end, start your change for good. 'Wag kang magpapahuli.
As I throw my flower on my mom's coffin na unti-unti nang pumapailalim sa lupa ay ang sunod-sunod na tulo ng luha ko.
I didn't make a sound.
I tried not to make a sound but as an arm wrapped around me, I cry out loud.
His other hand cupped my head making me lye on his broad chest.
Narinig ko din na mas lumakas ang iyakan mula sa mga taong nakikiramay.
Ang sakit. Ang sakit-sakit.
"Mamaaaa!" Humiwalay ako sa lalaking ito at pilit na inabot ang kabaong niya.
"A-ate.."
"MAMA! MAMA! Please, let me go. Let me reach my Mom. Please! PLEASE!" pakiusap ko sa lalaking ito na pilit na pala akong pinipigilan. Ngunit sadyang mas malakas siya at tumulong na rin si Ron sa pagpigil sa'kin kaya wala akong magawa kundi pagmasdan silang tabunan ng lupa si Mama.
Binitawan na nila ako kung kailan wala na'kong lakas. Napaupo nalang ako sa sahig at doon ngumawa, not minding my white dress turning into brown because of the ground's dirt. Niyakap ako ng kapatid ko.
Siguro ganito nalang ang iyak ko dahil sa katagal-tagal kong pinagmukhang matatag ang sarili ko. Yes. I cried. But not other people can see. Only me. On times like these, I only have myself. Only myself. No one knows I was suffering all by myself.
Before going on our Mother's burial, I told myself, I will not cry out loud. As much as possible I'll stay quiet and just assist my sister. Alam kong sobrang masasaktan siya. She's very fond of our Mother. Kaya sobrang kailangan niya ako ngayong ihahatid na namin siya sa huling hantungan.
Pero heto ako ngayon, only by just a hug from that guy, my goddamn plan was all ruined. Imbis na ako ang aalalay sa bunso, ako pa ang inaaalalayan niya. Nalabas ko ang pinakatinatago ko, my weak side sa harap ng maraming tao, but I don't care anymore. Kahit dito lang, kahit dito lang sana makaiyak ako. Sobrang sakit na kase. Ang hirap itago ng totoong nararamdaman. Lalo na pag sumubra na.
"Ate, b-bakit ngayon ka pa kase umiyak? A-ate, you can rely on me. Why do you always keep on silence when you're already in an extreme pain? Ate, asahan mo naman ako. Hayaan mong ikaw naman ang umasa sa'kin oh." Sinasabi iyon ng kapatid ko habang nakatingin sa mga mata ko.
"I'm sorry, Ron. I-im sorry. Ang weak ng ate, s-sorry."
"No you're not. And please don't be sorry, ate. There's no reason to be." At saka niya ako niyakap.
Umabot ng ilang minuto ang iyakan namin doon hanggang sa medyo kumalma na ako. Sinubukan kong tumayo, pero nanghihina ako.
Lumapit si Nike sa'kin saka ako inilalayan. Ganun na din si Ron.
"T-thank you," I thanked him.
"For what?" He asked, confused.
"Because of you, I finally cried." Ani ko habang nakangiti. Hindi man sobrang ngiti pero sigurado akong sinsero iyon.
"H-hala, woi!" Sigaw niya dahil iniwan ko siya doong nakatayo nang napagtantong kaya ko na ang sarili. Akala pa siguro inaway niya ako. Natulala pa kase. Tsk.
Hinabol niya 'ko, "H-hala Niz, s-sorry. Sorry talaga. Pinaiyak kita! Sorry!"
Tumawa lang ako sa katangahan niya.
Pumasok na'ko sa sasakyan at nakitang nandoon na rin silang lahat.
Binigyan ako ni Tita ng pakete ng wipes. Nagpasalamat naman ako at pinunasan ko na ang aking damit na nadumihan.
Nag-retouch na rin ako doon. Pulbo lang at lip gloss ang meron ako. Di ko naman inaasahang magwawala ako doon, 'di ba nga, konting iyak lang dapat? Tsk. Pero thankful na rin naman ako. 'Di na masyadong mabigat ang pakiramdam ko. Pero syempre, mabigat pa den. Kala niyo. Sakit kaya 'pag namatayan. Try niyo. Charot. Pero kere na.
Natapos nalang ako sa pag-retouch wala pa ang Sapatos na siyang pinagtaka namin. Kaya sabay kaming sumilip lahat sa labas at nandoon pa rin siya. Naiinitan at nakatulala.
Problema nito?
"HOY--!"
"BABY NIKE! WHAT ARE YOU STILL DOING THERE?! LET'S GO!" ako na sana tatawag pero naunahan ako ni Tita.
Pero..
What the? Baby?!
"Pfft--"
"Anong tinatawa-tawa mo?" Tanong sa'kin ng sapatos.
Andito na pala siya. Pero kataka-takang pinagpawisan na nga siya. Ang bango niya pa den.
Psh, the hell I care.
Napairap nalang ako sa kawalan. Kasabay nang ugong ng sasakyan ay ang paghawak ng malaking kamay sa kamay ko.
The fuck?!
Inagaw ko agad iyon sa sapatos at nag-alcohol pa.
Ano 'yon? Gagu!
Nagpatay-malisya naman siya nang tignan ko. Siguro hindi niya talaga napansin na nahawakan niya ang kamay ko. Hindi naman siguro sinadya.
Kaya't tumingin nalang ako sa harapan.
Nahanginan ang mukha ko ng probinsyang hangin. Kaya't napapikit ako. I open my eyes only to see Nike staring at me. Inirapan ko siya ulit as I look at the trees passes by.
I guess, it's a new fresh start?
Goodbye fresh air, lol.
-
to be continued..
(I'll try my best to update every week, try lang huh? Lol, sige.
WAIT! THANK YOU PALA SA PAGBABASA, MAY GOD BLESS YOU, HEHE)
BINABASA MO ANG
COMPLICATIONS
RomanceEniza Nalconia, pangalan pa lang, bigatin na. Kaya siya pinag-aagawan ng mga tao sa industriya ng kalakalan nang mamatay ang ina niya. Because she's the heir. However, she's still young. Kailangan nila munang mag-aral nang kanyang kapatid ng normal...