After ko mazipper and maayos mga gamit ko, I opened my phone to check if may message ba sila Xandy sa group chat namin.
"Hello ladies! are you guys ready na?"
"I'm ready na Xandy" sabi ni Ven
"Ready na rin ako ms driver of the day" may pahabol pa na emoji tong si Sam
Napangiti nalang ako sa mga pangaasar nitong si Sam kay Xandra. Grabe talaga mag-asaran tong dalawa no? sabi ko kay Ven. Tumawa nalang rin siya at tinayo yung luggage bag niya. Same kami ng tinitirhan na condo since malaki rin naman yung condo tsaka wala akong kasama, siya nalang inaya kong makitira sakin. Ven is my main chick sa tropa, my very first bestfriend kasi simula bata kami siya na talaga kasama ko. Minsan hindi rin kami mapaghiwalay ng parents namin kaya naging close na rin sila. Madalas kaming magpunta sa park nung mga bata pa kami para magbike at mag picnic.
Nagreply naman rin akong demonyo para mapagtulungan ng konti si Sam.
"wag mong ginaganiyan si madam Xandy baka hindi ka niyan sunduin. Mapagcommute ka ng biglaan"
"ganda ng idea mo lex! lumalabas pagiging satanas ko, may bus pa naman ng ganitong oras no?" sabi ni Xandy.
"huy grabe naman tong mga to, joke lang naman yun" bawi agad ni Sam
"magready na kayo Ven and Lex! daanan ko na kayo"
Clinose ko na phone ko kasi inaya na ako ni Ven pumunta sa starbucks sa tapat ng condo kasi doon kami dadaanan ni Xandra. Magkalapit lang condo namin ni Xandra pero dahil traffic, alam naming medyo matatagalan siya. Nag-order na muna kami ng drink sa loob kasi mainit sa labas pero tall size lang para maubos agad namin before pa kami masundo ni Xandy. Nung kukunin ko na phone ko sa bag, naalala ko na hindi ko nadala yung medicine ko for my allergies. Madami pa man din akong kinakain na allergic ako kaya I needed to buy ng gamot sa pinakamalapit na pharmacy.
Sa likod ng starbucks kung nasan kami ni Ven, may mall dun and I know na yung grocery doon is may pharmacy section kaya doon nalang ako pumunta. Nagmadali akong magbuy para hindi na ako masiyadong mag-cause ng delay sa trip namin. Bumili na rin ako ng chips and drinks para may food kami while nasa biyahe. I went to the pharmacy counter to buy my medicine na. My phone rang kaya naman agad kong sinagot kasi alam kong si Xandy na yung tumatawag.
"Lex I'm here na with Ven, nakabuy ka na ba ng gamot mo? bilisan mo ha medicine lang bibilhin mo girl wag na mag libot"
"pag hindi mo bibilisan iiwan ka na daw namin sabi ni Xandy sakin kanina" pahabol na sigaw ni Ven
"Xandy, wait for me ako naman na next in line huhu. Sorry need ko kasi talaga ng gamot para iwas sa allergy attack. Grabe Ven ha umayos ka, wag kang hihingi ng food na binili ko ikaw pa man din nangunguna sa paglamon sa ating lahat"
"oh ano tapos na kayong dalawa? anyways Lex, hazard lang ako dito sa tapat ng sb, we will wait for you pero pag naticketan, ikaw magbabayad ha"
"okaay sorry again, thank you Xandy"
Inend ko na yung call kasi patapos na yung nasa harap ko mag bayad. Ako na rin agad sumunod kaya nilagay ko na rin phone ko sa bag and nilabas na yung wallet to pay. Nag gesture na rin yung cashier na nasa loob ng paperbag yung gamot ko and inabot na sa akin yun. Nagbayad na rin ako before ko kunin yung paperbag ng grinocery. I waited for the receipt then rushed outside na para hindi na maghintay sila Xandy.
"wow Xandy! ganda naman natin ngayon" bati ko kay Xandy. She was wearing a white sleeveless top paired with a baby pink skirt and a pair of white sneakers.
"grabe naman to ang daming gamot ha. Hindi mo naman kami sinabihan na gamot mo na rin pala ngayon ang chips, dinala ko sana yung mga nasa condo natin" pang-aasar ni Ven
"ay wow ha wala man lang 'wow thank you lex sa libreng foods'" sabi ko nalang
Sumakay na rin ako sa harap para hindi magmukang driver talaga tong si Xandy kapag walang nakasakay sa shotgun seat. Dinistribute ko na rin yung drinks and sinabi sakanila na may mga binili akong chips para kunin nalang nila kung may mga gusto nilang kainin habang biyahe. Nagpaalam na rin ako kay Xandra na iconnect phone ko sa car niya para naman masaya yung biyahe namin. Tinext ko na rin si Sam na on the way na kami sa may condo niya para makalast minute prepare siya. Sinabihan ko naman siya na traffic medyo kaya hindi ko na muna siya pinababa, pabababain ko nalang kung super lapit na namin.
I turned the volume up and we enjoyed lang the view habang papunta kila Sam. Hindi na rin namin namalayan yung traffic kakakanta, malapit na pala kami sa condo ni Sam kaya tinext ko na agad siya na bumaba na sa may lobby para load and go na rin kami. Hindi na nagreply si Sam kaya malamang bumaba na rin yun. Naghazard na rin si Xandy sa tabi while hinihintay si Sam kaya lumipat na rin ako sa likod para tumabi kay Venice, kawawa naman pag magisa siya sa likod.
"Buckle up ladies! Our trip starts now!" sabi ni Xandy as she accelerated the car.
"elyu here we come" sigaw ko rin
Nilock na ni Xandy yung doors and drove na rin. It was a normal day here in Manila. Traffic kahit san ka tumingin. Nung nakalabas na kami sa may traffic part, bumilis na rin magdrive si Xandy para hindi kami maabutan ng dilim.
Lagi kaming nag mimini vacation before magstart yung school year para may fun parin before torture sa school works. Ilang oras rin lumipas, nakailang chips na rin kami pero hindi pa kami nagdidinner kaya dumaan na rin muna kami ng drive thru kasi we wanted to eat sa may trunk. Burger king kami pumunta kasi walang may gusto magrice sa aming apat para beach body parin. Nagpark nalang rin muna saglit si Xandy sa tabi para kumain muna tsaka para mag stretch-stretch muna para hindi siya antukin sa biyahe.
Nagstart na ulit si Xandy magdrive after namin maubos yung mga burger tapos natulog nalang kami ni Venice sa likod. Ilang oras nalang naman makakarating na rin kami sa la union.
"okay were here na"
Nagising na rin ako kasi naramdaman kong huminto na yung sasakyan kaya ginising ko na rin si Venice.
"hey Ven wake up na nandito na tayo, tignan mo oh ang ganda parin ng view kahit gabi na"
"Prepare na muna ninyo sarili niyo ah Ill go lang sa front desk para kunin yung susi natin sa cottage room" sabi ni Sam. Siya kasi incharge sa pagcheck-in namin kaya siya na rin nagvolunteer na pumunta sa front desk.
After ibigay kay Sam yung susi, kinuha na namin mga gamit namin sa car and we all went na sa room namin. Maganda yung room, hindi ko na ikakaila kasi si Sam naghanap netong pagbabakasyunan namin. Sam never disappoints us lalo na sa usapang vacation.
Nilagay muna namin yung mga maleta namin sa isang tabi ng room para hindi nakaharang sa daan at magulong tignan. Nag mini tour na rin muna kami sa room para makita if ano-ano yung mga nasa loob. Siyempre cr unang pinuntahan namin. Hindi rin namin alam pero cr talaga una naming tinitignan whenever we book a room. The room has a mini sala the room has 2 queen sized beds kaya tag dalawang tao pwede humiga, actually pwede pa ngang tatlo pero apat naman kami kaya tagdalawa nalang.
We started to fix our things na rin, may ibang damit kami na hinanger para hindi malukot sa luggage, yung mga pang skin care naman namin, nilagay na rin namin sa may sink. Our make up bags, inayos namin sa may dresser area sa tabi ng cr.
After naming maayos yung mga dapat naming ayusin, nag skin care and wash up na kami para ready to sleep na.
"una na ako, wag na kayong maingay pagod ako sa long drive" sabi ni Xandy na nakahiga na pala
"goodnight Xandy" sabay na sabi namin ni Ven
"mag beauty sleep na rin kayo, marami tayong makikita na cute guys bukas" sabi ni Sam
"kaya pala sumama ka kahit sinabi mong hindi ka pinayagan kasi walang magbabantay kay Bielle, kawawa naman ading mo" panenermon ko.
- - -
next chapter will be uploaded on Friday!
-eunoia2
YOU ARE READING
Our Trip to Remember
Teen FictionMaegan Alexis, an optimistic and charismatic 2nd year student in Ateneo de Manila University tames the number 1 playboy in their school, Kyle. How will they hold onto their relationship when they have to give up one thing. Reaching their dream or sa...