7

2 1 0
                                    

Lumabas na kami ng classroom ni Xandy kasi lunch break na rin namin. Mineet namin sila Sam and Ven sa may canteen kasi kami kami rin lang naman magkakasama kasi wala pa kami masiyadong friends. Punuan sa canteen buti nalang nauna na sila Ven and Sam kaya may table na kami. While eating, nagkwentuhan lang kami about sa mga mga assumption namin about sa mga prof namin and sa mga classmates namin.

"girls naaalala niyo ba yung nameet nating guys sa la union? Kyle ba pangalan nun?"

"oh why yun?" sabi ko

"yung friend niya yung pogi rin ngaay"

"ituloy tuloy mo na kaya no baka gusto mong putulin ko yang pagkain mo Sam" panenermon ni Xandy

"kaya nga ano putol putol na kwento?" sagot rin ni Ven

"ito na nga kasi. Oh diba yung poging friend ni Kyle. Dito siya nag-aaral huuy ano na nga ulit pangalan non? Manuel ba? oo Manuel yata basta M yung simula nun eh. Classmate ko siya waah grabe ang pogi talaga nun. Bagay niya maging Doctor"

"siraulo ka Sam. Migs yun ang layo ng Migs sa Manuel ah" sabi ni Xandy

Sa aming apat talaga si Xandy yung magagaling sa mga pangalan eh lalo na pag usapang lalaki. Siguro buong araw namin tinatawag si Sam na Manuel. Pang-asar lang. Cute kasi talaga maasar tong si Sam eh kaya naeenjoy naming tatlo. Marami kaming napagkwentuhan kaya hindi na namin napansin yung oras. Time na rin pala kaya we needed to go back sa classroom muna. Napag-usapan rin namin na  kakain kami sa labas mamaya after school.

Mabilis nalang tumakbo yung oras kaya hindi na rin kami nabored ni Xandy. Nakipag friends na rin kami kaya may classroom friends na kami. Nagtanungan lang kami sa kung saang school galing tsaka mga favorite na kung ano-ano. Wala na kaming ibanag ginawa ngayong kundi mag orientation lang. Itong si Nathan naman ang kapal talaga ng muka at ewan ko ba hindi parin nakuntento sa pangiisnob ko sakaniya. Tumabi ba naman sa akin. Siyempre ako tong si snobber diba edi nakipagpalitan ako ng pwesto kay Xandy.

Nakaramdam rin siguro na napikon ako kaya hindi niya na ako sinundan sa kinauupuan ko. Nung time na ulit, lalabas na sana kami ni Xandy pero hinawakan ni Nathan yung shoulder ko so I needed to look back. Hindi naman ako mean sa boys sadiyang ayaw ko lang ng jowa as of this moment. Inaalagaan ko kasi talaga yung heart ko kasi ayokong mabreak to no. Pagkalingon ko, wala naman palang sasabihin tong lalaking to kaya naglakad nalang ulit kami ni Xandy.

Nagmeet kami nila Sam and Ven sa may gate kung saan kami pumasok kanina. Hindi pa kasi namin masiyadong kabisaado tong school kaya konti palang mga alam namin mga spot kung saan kami pwede magmeet. May separate cars rin sila Sam and Xandy kaya nag convoy nalang kami papunta sa kakainan namin. Actually wala pa kaming plano na pagkainan pero sa may malapit lang dito sa school para hindi na rin kami mapalayo sa mga condo namin.

Umorder na muna kami ng food then pumunta na sa table for four people. Nagkwentuhan muna kami abaout sa mga classmates namin and naginggitan sa mga pogi. Kwinento ko rin yung boy na lapit ng lapit sa akin. Imbis na kampihan nila ako, parang mas kinampihan pa nila yung lalaking papansin na yun. Sabi ni Sam bakit namana daw kasi ayaw na ayw ko sa mga lalaki eh may tatay at younger brother naman daw ako. Um-agree naman sila Xandy and Ven tapos quinestion rin ako ni Xandy kung bait kahit isa sa mga suitor ko hindi ko ineentertain. Nagsasalita palang si Xandy eh nagsalita agad si Ven. Sabi niya, oo nga daw bakit hindi ko pinapayagang manligaw manlang para daw magpadala ng foods edi fiesta daw sa condo naming dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin kasi lagi ko namang inuulit sa kanila na I'm waiting for the right person para sa akin.

Nagkwekwentuhan lang sila tapos ako naman tumitiingin sa kung saan saan mapadpad mata ko. Nung napatingin ako sa may entrance ng restaurant, may familiar face akong nakita. Hindi rin ako nagkakamali na siya to.

"Oh my God" napatakip ako ng mouth ko sa gulat and napatingin rin naman sila Sam, Ven and Xandy sa akin and napansin nalang nakatingin ako sa may entrance so they looked there rin.

"uy diba yan si Kyle?" nagtatakang tanong ni Ven

"who's that girl? jowa niya?" tanong rin ni Xandy

"haay grabe tong mga to. Kyle agad iniisip hindi siy-" naputol yung sinasabi ni Sam nung tumingin rin siya sa may entrance ng resto.

"oo yata girlfriend niya yan kasi nung nasugat ako sa resort, naaalala ko na tinawag siya ni Vince kasi daw hinahanap na siya nung Diana ba yon or Diane. Miss na daw kasi nung babae so baka siya yan" sagot ko sakanila. Sakto rin na dumating na yung inorder namin na foods so hindi na namin tinignan si Kyle and kumain nalang. Early dinner na rin namin to kaya kumain na rin kaming apat. Nagkwentuhan nalang kami and hindi na namin pinakealaman yang si Kyle and yung jowa niya no. Mamaya maasar pa silang dalawa sa amin pag tingin kami ng tingin.

Hindi ko alamkung bakit nakasanayan na naming apat na magkayayaan kumain sa labas every after school. Simula highschool, lagi na kaming kumakain sa labas. Nakakapagtaka nalang kung bakit ang beach body parin namin. May worm kaya sa mga body namin na kumakain ng mga food na excess kaya hindi kami tumataba? Or sadiyang mabilis lang metabolism naming apat kaya mabilis rin kami mag number 2 after naming kumain.

After how many minutes, naubos rin namin yung food so we decided to head home na kasi baka matraffic pa and gabihin kami sa daan. Nung palabas na kami ng resto, nagkasabay ng pagpush ng door sila Sam and Kyle kaya nagkaroon ng slight conversation.

"Uy hello youre here rin palaa?" sabi ni Kyle

"ah oo we just finished eating" sagot ni Sam

"oh by the way, this is Sandrine my girlfriend" We waved our hands as a sign to greet her girl but deep inside, I know na may question mark sa mga utak nitong mga babaitang kasama ko. 'Whos is Diane or Diana then?'

After that short meet and greet with jowa niya, nauna na kaming pumunta sa may parking para makauwi na rin. Wala naman kaming pake sa jowa niya eh so we didn't had a conversation with her. Date rin nila yun so hindi na kami nangdistorbo pa. We waved each other bye na tsaka sumakay sa mga sasakyan. Itong si Ven namin sumakay na rin sa shotgun seat ng car ko. Laging siya yung pasahero sa aming apat. Sobrang tamad magdrive pero nagpabili ng sasakyan sa parents niya. May tama yata to eh.

Napaisip nalang ako habang pauwi kami ni Ven. Ang small world naman kung saan pa kami kumain ng dinner, doon rin sila magdidinner. Siguro sinusundan kami ni Kyle no? spy ba yun? lagging magugulat ka anlang susulpot eh. Iniisip ko rin kung sino yung Diane or Diana na babaeng miss na siya nung nasa la union pa kami. Jowa one and Jowa two ba? Pero parang malayo namang pagsabayin ni Kyle yun kasi wala sa itsura niya. Kyle is pogi I admit it. Yung pagkadark brown rin ng hair niya, super nagdadala ng kapogian niya. Yung manly scent and voice niya rin additional points sa kapogian. Siguro nung umulan ng perfection, sinalo ng nanay niya yun habang kakapanganak nitong si Kyle.

Naabutan kami ni Ven ng traffic kaya nanuod nalang muna kami ng movie sa may screen ng car ko. Cinonnect niya nalang yung phone niya kasi daw may nakadownload naman daw na movie sa Netflix niya. So yun lang ginawa namin habang nasa traffic. Separate way na rin sila Sam and Xandy kasi papunta na to sa mga condo namin.

Pagdating namin sa condo, we went to our rooms and took a bath to refreshen ourselves and para makapag skincare na. Yung room ko lang yung may own bathroom kaya doon sa labas naligo si Ven. Lumabas na rin muna ako ng room and niyaya ko rin si Ven to continue what we are watching sa car kanina. Pumayag naman siya pero wait daw get niya lang yung toner and cleanser niya para habang nagwawatch, nagaapply siya ng mga kaartehan. Matagal kasi talaga gumalaw tong babaitang to. Siguro kung lumilindol, nagkawatak watak na yung mga road tsaka bumagsak na yung mga building, patayo palang siya para mag duck-cover and hold. After namin magwatch, we went to our rooms na para matuog kasi may pasok pa bukas. Hindi ko na siya sinabihan na kahit hindi na kami maagang umalis bukas kasi alam naman na namin kung saan yung classroom namin kasi baka late pa yun magising kapag sinabi ko.

- - -

next chapter will be uploaded on Friday:)

-eunoia2

Our Trip to RememberWhere stories live. Discover now