6

3 1 0
                                    

Gabi palang nieeready ko na gamit ko para sa first day tomorrow. Hindi ko pa kasi alam what floor and side of the building yung room ko. Hindi ko rin kilala mga classmates ko. Malamang hindi ko pa nga alam section.

I slept early para naman may beauty sleep ako. Baka pagtinginan ako ng mga tao sa school pag muka akong panda pumasok bukas kasi yung mata ko black na sign of puyat no, nakakahiya naman pag ganon.

"Ven, alis na tayo after 5 minutes ah we're gonna be late na"

"okay malapit naman na ako matapos"

I opened my phone nalang muna to entertain myself haban hinihintay tong bruhang to, subrang tagal magready eh siya naman naunang nagising kaysa sa akin. Chinat ko nalang rin muna sila Xandy and Sam na magmeet kami sa may tapat ng gate. Nanuod muna ako ng super short vlogs and stories na rin sa instagram.

Naenjoy ko na yata mag social media kaya when I looked at the time its already 7:00! agad ko nang kinuha gamit ko pati yung susi ng car ko kasi siyempre ako nanaman magddrive sa aming dalawa ni Ven. Tamad talaga yun mag drive kaya minsan naiisip kong ibenta nalang yung sasakyan niya baka hindi niya rin mapansin yun

"hoy Aleina Venice Reyes what time is it na oh ano bang ginagawa mo? tumatae ka ba? malalate na tayo"

Sinigaw ko na para marinig niya sa room niya. May dalawang kwarto kasi tong condo namin kaya tagisa kami. Iwan ko nalang kaya? tapos kunin ko yung susi ng car niya for her to commute ng wala sa oras.

Wala paring respond si Ven kaya inopen ko na yung door niya pero kung sineswerte nga naman tong babaeng to. Nakalock yung door niya hihilain ko na sana eh. Nagknock nalang ako para naman hindi ako magmukang mean no.

"Venice if hindi ka pa lalabas, Ill go ahead na. You drive yourself na papuntang school ha"

Hindi pa naman ako lumabas ng condo kasi may awa parin naman ako dito sa bestfriend kong to kahit lagi kaming nalalate because of her kaya I waited for another 5 minutes. Lagi nalang ganito yung situation naming dalawa. Siya yung first na magigising then she will also be the one na late matatapos.

Pasalamat talaga tong babaitang to pinsan ko siya tsaka bestfriend ko kundi pinagbabayad ko to tuwing malalate kami o di naman kaya eh magpapalibre ako sakaniya hanggang sa maubos yung allowance niya. Hindi naman kami laging nalalate ni Venice once or twice a month lang siguro kung malate kaming dalawa pero iba kasi ngayon. First year college na kami tapos we needed to know pa whats our sched and wheres our classroom kaya kailangan talaga naming maging maaga ngayon.

Narinig ko na parang may kumakalabog sa may room ni Ven kaya I rushed na para lumabas ng condo. Ill wait for her nalang sa labas or sa may elevator area na kasi malakas kutob ko na if nakita niya ako sa may sala area, baka hindi pa siya magmadaling lumabas no. Itong si Ven kasi, ayaw niya talaga na maging maaga sa school. Want niya kasi yung tipo na pagkadating ng school deretso na sa classroom tapos ilang minutes nalang start nan g first sub. Eh ako naman kasi, want ko na yung tatambay muna sa canteen ganon tapos magkwekwentuhan kayo ng tropa or friends.

ALEXIIIIS!!! Hngg akala ko iniwan mo na ako ih agad na tumakbo si Ven palapit sa akin tapos hinug niya ako

luh bata? Lets go na kaya para hindi tayo malate, we will look pa for our section and our class schedule no

We went na to the basement parking ng condo, inutusan ko na magdrive si Ven kasi siya reason kung bakit hindi kami maagang umalis ngayon. Pumayag naman siya kasi if hindi siya pumyag sabi ko siya magbabayad ng gas ko for the whole week. Ayun napaniwala naman na gagawin ko yun eh joke lang naman.

Buti nalang hindi super traffic. Kung traffic, siguro sinermonan ko na ng sinermonan tong si Ven. Maganda pala maging pasahero. Wala ka nang ibang gagawin kundi asarin yung pinilit mong mangdrive hanggang sa paliparin niya na yung sasakyan. Edi mas maganda yun diba para mas mabilis kami makarating sa school.

Naalala ko tuloy nung third-year highschool kami nitong si Ven. Classmates kami nun tapos nalate kami. Nakapasok na kami ng second subject. Sakto na yung prof naming is yung strict edi napatayo kami ng buong class. Paano ba naman kasi itong si Venice nagising ng 7:00. Nandun pa yung may gusto sa akin parang sira. Sabi ba naman sa prof namin siya nalang daw tumayo basta paupuin ako kahit tumayo daw siya every subject ng prof for a week. Ayun tuloy napatayo so tatlo na kami sa likod na nakatayo. Pinatabi siya sa akin ng prof para naman daw maganahan mag-aral at baka daw sakaling magpass na ng mga school works na due last week pa.

Nakarating rin kami sa school and nagpark si Ven sa vacant slot sa may parking. Medyo may time pa naman para hanapin naming yung section and schedule naming kaya hindi kami tumakbo takbo. Nahirapan rin kami kasi nga first time namin dito. Malamang first year college palang naman kasi. Nagtanong tanong nalang kami kung saan yung area ng mga first year college kaya ayun napabilis nalang yung paghanap naming ng schedule and section. It took time rin for us to find our classroom. Takbo ditto, takbo dun. Taas dito, taas doon. Grabe hindi ko naman inexpect na magsprisprint pala kami ditto sa school na to. Hindi ako sinabihan, edi sana nagsports attire ako diba.

Naghiwalay na kami nila Sam and Ven kasi magkakaibang course kami. Kaming dalawa lang ni Xandy magkasama ngayon kasi kami yung same course and kung sineswerte nga naman, magkatabi lang yung classroom naming dalawa. Mas enjoy nga lang sana kung magkakalase talaga kami pero okay na rin na magkatabi kesa naman sa magkalayo diba. Atleast alam naming na nasa tabing room lang yung isat-isa.

First na pinagawa sa amin is introduce yourselves pero may time. One minute daw yung maximum. Kami na bahala kung anong want naming na isama dun pero yun nagstart kami by family name. Tinawag kami isa isa tapos hindi na kami pinapunta sa harap. Pinatayo nalang kami.

After naming magintroduce isa-isa, binalikan yung mga names na hindi nakapag-introduce kanina. Nakita yata ni maam na pumasok na yung cocompleto sa amin kaya pinag introduce yourself niya na to

I believe that you are Mr. Dela Cruz, kindly introduce yourself

Hello everyone, sorry Im late but let me introduce myself. I am Nathaniel Dela Cruz but you can call me Nathan. Uhm I am a varsity player last year and I am planning to be a team captain this year

Bago siya umupo sa may vacant seat, kinindatan niya muna ako. Siniko- siko naman ako nitong si Xandy kasi daw she saw Nathan na nag wink sa akin. Hindi ko nalang pinansin. Siya na rin yung last student na nagintroduce. Pinagsabihan rin siya na since first day ngayon, okay lang daw na  malate pero pag regular classes na, hindi na daw pwede and need na kumuha ng slip sa deans office. Diniscuss rin ng adviser naming yung mga rules na dapat talagang sundin kasi kung hindi daw susundin, we have to go to the deans office. Grabe naman maging college student, ang daming kailangang sundin. Hindi ba dapat mas free na ngayon kasi nga college students na kami and we are old enough to handle ourselves na.

Ganon lang ang ginawa naming for several hours. Nagbreak rin kami pero hindi na kami lumabas ng room ni Xandy para makipagmeet and greet sa mga classmates namin. Tinuloy na yung orientation. Mamayang hapon, mamemeet yung mga prof naming sa different subjects. Pagkalabas ng adviser naming, hindi pa masiyadong maingay kasi nagkakahiyaan pa. May mga nagsasalita parin naman pero mahihina lang mga boses kasi yung mga katabi lang nila yung kinakausap.

After ng break, Nakita kong nakipagpalitan ng upuan yung late student na nagintroduce kanina. Mas napalapit siya sa kinauupuan ko. Obviously, he's into me pero wala nga akaong pake bahala siya mabulok kakatingin sa akin. Ilang profs na rin yung pumasok pero nakatingin parin siya sa akin which is the reason why nababadtrip na ako. Ayaw na ayaw kong may tumitingin sa akin na matagal no nakakairita kaya.Tinalikuran ko nalang siya and faced Xandy para hindi niya na ako Makita. Buhok ko nalang titigan niya wala akong time para makipaglandian no. Nag-usap nalang muna kami ni Xandy since kami rin naman yung magkatabi.

- - -

next chapter will be uploaded on Wednesday:)

-eunoia2

Our Trip to RememberWhere stories live. Discover now