worst

63 0 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Papatayin ko na sana ito ulit ng makita kong 7:30 na.

At biglang pumasok sa isip ko na first day ko pala sa bago, sikat at pangmayamang school ngayon.

Dali dali akong naligo, at nagpri-pare para hindi ako malate. Bago ako bumaba ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

Di maipagkakaila sa repleksyon ko kung bakit wala akong kaibigan.

Hindi pa pala ko nagpapakilala. Ako si  Princess Apple Strawberry Jam Mortilifidad.

Bipolar ang mommy ko pero okey lang sakin. Hindi ko alam pero masaya ako kahit ganon ang mommy ko.

Mayaman kami at malaki ang bahay namin. Kasing laki ng hacienda ni Senyora Santibanes. Oo. Dahil lola ko sya. Ang Daddy ko, iniwan kami. Iniwan nya kami simula nung..

simula nung..

Nung isang buwan..

Galit ako sakanya..

Dahil iniwan nya kami ni mommy at kuya.

Hindi ko alam ang dahilan nya ng pag alis pero sana malaman ko dahil may karapatan ako.

Dali dali na akong bumaba para mag almusal.

After 20 mins..

"Hey baby. Bakit pawis na pawis ka. Basang basa ang uniform mo." tanong sakin ni mommy na nag pi-prepare ng breakfast.

"Nakakapagod po palang bumaba mommy from 10th floor to ground floor gamit ang hagdan" hingal na hingal kong sabi. Nasa 10th floor kasi ang kwarto ko kaya siguro ganto nalang ang pawis ko.

"Dont worry baby, from now on, ipapababa ko na yung kwarto mo. Papalipat ko nalang sa 9th floor later, is that okey?" tanong nya sakin habang pinupunasan ng apron ang pawis ko.

"That sounds great mommy!" At kiniss ko sya sa cheek. Buti nalang may mommy akong mabait. minsan. "Nasan po pala si kuya?"

"Maaga syang umalis honey, malayo ang school nya kaya sa condo nya nalang daw muna." Sabi nya.

Napaisip ako.

May condo na si kuya? Kelan pa?

Sumasakit ang puso ko. Nagseselos ako. Lagi nalang si kuya. Si kuya ang magaling, matalino.gwapo.

"Bakit mommy?bakit ganon? " tanong ko na may halong hinanakit.

"Anong bakit, baby? Bakit may condo na agad ang kuya mo? Ikaw wala? Yun ba ang kinagagalit mo?"

sagot nya naman.

"Hindi po. Ang hindi ko lang maintindihan ay..."

"ay ano baby?.. ituloy mo.."

"...ay... ay.. bakit puro baby nalang ang tinatawag mo sakin. Hindi mo na ba ko kayang tawagin sa pangalan ko?!" hindi ko na napigilan ang luha ko. Simula ng pinanganak ako, baby, sweetheart honey, bebe, bhe, bhie , BeYbHie QouH , MaHaL qOuh _BeNThe SaIszx lang ang mga tinatawag nya sakin. Never nya pa kong tinawag sa pangalan ko.

"Baby.. im so sorry"

Hinagkan nya ako at pinatahan sa pag kakaiyak ko.

"Its okay mom. Anyway.. " tumingin ako sa watch ko at napansin kong malilate na ko sa klase " 1 minute nalang po magsisimula na ang klase ko, mauna na po ako mommy. Bye"

At kiniss ko sya sa cheeks.

Ilang seconds lang ay nakarating na ako sa school.

Hindi ko alam kung anong meron saakin dahil halos lahat ng estudyante sa corridor ay nakatingin sakin. Siguro dahil napansin nilang panget ako, nerd ako, at sabog ang buhok ko.Loner.  Hindi ko naman kinakaila iyon pero sana naman kilalanin muna nila ko bago nila ko pagtinginan diba? Sumasakit nanaman ang puso ko.

You Know my Story (worst story on wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon