worst (end)

22 0 0
                                    

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ni Ice Kenji. Tinignan ko ang lalaking nasa tabi ko at hindi ko napigilan ang mapangiti at matakot.

May nangyari saamin ni Ice Kenji. Tama nga siguro ang sabi ni mommy. Malandi nga talaga ko. Masaya ko dahil sakanya ko unang binigay ang perlas ng silanganan pero natatakot ako dahil.. dahil baka mabuntis ako. Pano nalang ang pag aaral namin.

Mas okey ng masira ang kinabukasan ko kaysa sakanya. Mahal ko sya kaya gusto kong maging maayos ang buhay nya kaya ginawa ko ang dapat kong gawin.

Nag iwan ako ng note sa table nya bago umalis.

Masakit man ang gagawin ko ay kailangan kong magsakripisyo para kay ice kenji. Dahil mahal ko sya. Simula ng mabangga ko sya corridor last week ay alam ko na sa sarili ko na sya ang mamahalin ko habang buhay.

~

"Hindi po kayo buntis miss" sabi ng doktora saakin.

May nangyari saamin ni Ice Kenji kaya hindi maaaring hindi ako buntis.

"Pero hindi maaari yan. Buntis ako! Nararamdaman kong may bata sa sinapupunan ko!"

"Hindi po kayo buntis pero may sakit po kayo." Pagtatapat nya.

"Anong sakit?"

"May stage 4 cancer po kayo at malapit na po kayong mamatay."

Gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ng doktora. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Wala akong ibang makausap tungkol sa sakit ko dahil wala akong kaibigan at ayaw kong may mag alala sakin.

Kailangan harapin ko itong mag isa.

~

Nakahiga ako ngayon sa hospital bed ng biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Cedie at John Peterpan. Paano nila nalamang nandito ako sa ospital. Alam na kaya nila na may sakit ako. Si Ice Kenji. Nasan kaya sya?

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"Nalaman naming mamamatay ka na daw kaya gusto ka naming makita." sagot ni John Peterpan.

"Sinong nagsabi sainyo?"

"Ang nanay ni Sarah Potato. Si Dra. Potato."

Ang doctor na tumingin saakin ay nanay ni Sarah?!

"Alam ba to ni Ice Kenji? Nasaan sya? "

"Alam nya na. Galit sya dahil hindi mo sakanya sinabi." pagpapaliwanag ni Cedie

"Ngayon ko lang din nalaman!" hindi ko na napigilan ang maiyak. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Gusto ko lang naman gumaling at makasama ulit ang taong mahal ko, Si Ice Kenji Lim Yap.

"Ako nalang ang mahalin mo! Papasayahin kita hanggang sa huling hininga mo" pagmamakaawa ni John Peterpan.

" Ako ang mahalin mo, hinding hindi kita sasaktan hanggang sa mamatay ka" pagsabat naman ni Cedie.

Nasa harapan ko ngayon ang dalawang taong lubos na nagmamahal sakin ng buong puso pero wala ang gusto ko at mahal ko na dapat nagsasabi nyan.

Gusto ko Si Ice Kenji lang.

*booogsh*

Biglang bumukas ang pinto at sa di maipaliwanag ay nagkaroon ako ng pag asang hinding hindi ako isusuko ni Ice Kenji sa dalawang ito.

Biglang pumasok ang isang lalaking mukang tambay sa kanto at amoy alak.

"Ay sorry. Wrong room. *hik* Hihi Bye"

At sa muling pag sara nito ay nawalan na ko ng pag asa na ipaglalaban ako ni Ice Kenji.

Narinig ko namang nagbulungan ang dalawa ng "ano ba yan, panira naman yon".

Nang muling matahimik biglang nagsalita si John Peterpan.

"Uulitin ko.Ako nalang ang mahalin mo! Papasayahin kita hanggang sa huling hininga mo" 

"At Uulitin ko rin. Ako nalang ang mahalin mo, hinding hindi kita sasaktan hanggang sa mamatay ka" pagsabat din m ni Cedie.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari at hindi ko akalain na mangyayari pa ito.

Si Ice Kenji.

Nasa harapan ko na sya.

"Ako ang piliin mo. Sasamahan kita hanggang sa kamatayan" at ininom nya ang hawak nya na sa tingin ko ay lason.

At namatay sya.

Alam kong wala na sya.

Wala na ang mahal ko.

Patay na sya.

At sa mga susunod na araw ay susunod na din ako.

Ganito siguro talaga love story naming dalawa. Till death do us part.

"Miss Mortilifidad! Im so sorry!" Bungad saamin ni Ms. Potato pagkapasok nya."Mali ang nakuha kong result kanina. Sa anak ko pala yon. Wala ka talagang sakit na stage 4 cancer. Pwede ka ng umuwi."

~
END

HAHAHAHAHA. Walang kwentang pagmamahalan. Walang kwentang kwento.

Salamat sa pagbabasa. Nawa'y napasaya ko kayo kahit papano.

*tsup*

You Know my Story (worst story on wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon