worst (2)

16 0 0
                                    

"ANOOOOO? Ako? Magpapanggap na girlfriend mo?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Oo. Bingi ka ba?" napakayabang nya pala talaga.

"Bakit ako? Marami namang iba dyan."

"Dahil hindi ako maiinlove sayo, kasi panget ka." mayabang na masama pa ugali.

"Bakit ba kailangan mong magkagirlfriend ng panget na tulad ko?" Pagtataray ko sakanya

"Kasi gusto kong pagselosin si Sarah."

"Sino si Sarah?" tanong ko

"Sya lang naman ang pinakamaganda, pinaka hot at pinakamayaman na babae dito sa school. Si Sarah Potato .Nakipaghiwalay sya sakin at gusto kong bumalik sya sakin. Kaya gagamitin kita"

Simula ng araw na yun ay naging kami na nga ni Ice Kenji. At simula ng araw na yon, hindi maipagkakaila na mahal ko na agad sya. Oo. Mahal ko na sya.

"Bilisan mo! Sumakay ka na sa kotse kong mamahalin!" Sigaw nya saakin. sinundo nya ako sa bahay. May pupuntahan daw kami.

"San ba talaga tayo pupunta?" pangungulit ko sakanya, pero hindi sya sumagot. Tumigil nalang kami bigla sa isang parlor.

Pagkatapos akong ayusan ng bakla ay binihisan nila ko ng magandang damit. At ng makita ako ni Ice Kenji ay hindi sya makapagsalita.

"Bagay ba?" Tanong ko sakanya

"Hindi" sagot nya

~

Pag uwi ko sa bahay ay biglang may humila sa bagong rebond kong buhok.

"Sino ka?!"

"Mommy! Ako to. Anak mo ko."

"Wala akong anak na maganda! Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw nya.Masakit man ang mga sinabi nya ay hindi ko nalang ito dinamdam. Inaatake nanaman sya.

"Mommy, ako po ito. Nagpaganda po ako." malungkot kong tugon sakanya

"Anak? Ikaw ba talaga yan? Ikaw ba si...

si...

Ano nga bang pangalan mo anak?"

nakalimutan nya nanaman ang pangalan ko..

~

Naglalakad ako papasok ng school ng may naramdaman akong may bumato sa ulo ko.

"Sorry miss! Hindi ko sinasadya" sabi ng lalaking may dilaw na buhok

"Okey lang"

"Bago ka lang ba dito? Anong pangalan mo?" Tanong nya.

"Ako si Princess Apple Strawberry Jam. Ikaw?"

"Ang cute naman ng surname mo, Jam."

"Hindi pangalan ko yon. Mortilifidad ang surname ko." pagpapaliwanag ko

"Ahh. Ako nga pala si Cedie. Cedie R. King " at iniabot nya ang kamay nya. Napakabait nya at sa tingin ko may gusto sya sakin pero hindi nya lang masabi.

Bago ko pa maabot ang kamay nya ay nakita ko nalang syang napahiga sa semento.

Dahil ..

Dahil sinuntok sya ni Ice Kenji. galit na galit ang mga mata nya at para syang sasabog.

Bigla namang tumakbo sa harapan namin ang isang hot na babae.

"Ice Kenji! Bakit mo sinuntok si Cedie! Akala mo ba babalikan pa kita ? Hindi na ! Kahit bugbugin mo pa sya, hindi na ko babalik sayo!" Sigaw ni Sarah at tuluyang itinayo si Cedie.

You Know my Story (worst story on wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon