Chapter 5: Beg for life

176 19 0
                                    

Warning! Physical abuse ahead! Please be open-minded for story's plot. Thank you for your understanding.

_

Tadyak, sapak at bugbog ang inabot ni Zyron sa kamay ng grupo ni Mattheo. Halos hindi na siya makagalaw at tanging nginig ng kaniyang katawan kasabay ng pangangatal ang kaniyang sinapit. Nagsilbi itong trauma para kay Zyron na magpapaalala sa karanasang magpapabaliw sa mentalidad niya. Mahigit tatlumpung minuto niyang ininda ang pisikal na pananakit kasabay ng masasakit na salita. Sa loob-loob niya'y nais na niyang wakasan ang paghihirap sa pamamagitan ng pag-drop out sa naturang unibersidad. Unang araw pa lang niya rito ay pakiwari niya'y hindi siya kabilang dito isama pa ang mala-impyernong parusa na nararanasan ngayon.

"P-parang awa mo na. G-gagawin ko ang lahat...itigil niyo lang 'to. Maawa kayo." Putol-putol niyang banggit habang umiiyak.

"Lahat-lahat?" Sabi ni Mattheo nang hablutin niya ang buhok ni Zyron.

"O-oo lahat. P-pangako." Mahina niyang sagot dala nang pagkawala ng lakas sa pambubugbog.

"Sige. Madali akong kausap. Simple lang ang gagawin mo, sundin lahat ng pinag-uutos ko. Sa oras na hindi ka magpakita sa'kin bukas, hindi lang 'yan ang aabutin mo. Naiintindihan mo?" Sabi niya sabay hatak sa buhok nang malakas.

"O-oo." Napapangiwi na si Zyron sa sakit ngunit wala siyang magawa para makasigaw. Hinang-hina na ang kaniyang katawan pati na rin ang kalooban. Huli niyang naramdaman ang mariing pagsampal sa kaniya at iniwan nang nakahandusay sa sahig. Rinig din niya ang tawanan na parang walang nangyari. Humagulgol lang si Zyron para ilabas ang sakit na nadarama. Sa buong tanang ng kaniyang buhay ay ngayon lang siya nakaranas ng kaharasan at rasismo. Patunay na walang lugar sa mayayaman ang kagaya niyang maihahalintulad sa isang basura.

Dala ng kawalan ng salamin, nangangapa sa paligid si Zyron dahil hindi na siya makakita nang maayos. Natatabunan ng luha ang kaniyang mga mata at pinilit niyang makatayo. Lumabas siya sa warehouse at matapang na humingi ng tulong.

Maraming estudyante ang napasinghap nang makita nila ang kalagayan niya. Halo-halong reaksyon ang kaniyang nakinig at halos puro doon ay panglalait. Ngayon ang pinakatatago niyang lihim ay nabunyag na sa buong estudyante. Walang rason upang tulungan siya--kahit pa sugatan at punong-puno ng galos.

"Zy!" Rinig niya ang sigaw ng kaniyang kaibigan. Nang maramdaman niya ang paglapit nito ay kaagad itong umiling.

"Huwag! Pabayaan mo ako. Ayokong madamay ka. Please, huwag mo 'kong tulungan. Kaya ko ang s-sarili ko." Pagbubulaan niya.

"P-pero--"

"K-kaya ko." Sabi nito habang umiiyak at nangangapa sa kawalan. Mabuti na lang ay may isang nurse ang nakakita sa kaniya at walang pag-aalinlangang tinulungan ito.

Dahil sa bigat ng kalooban at traumang naranasan, hindi na kinaya ni Zyron at siya'y nawalan na ng malay.


How to Get Rid of Pimples? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon