Chapter 14: The devil made me do it

212 20 3
                                    

"OW...EM..G! REALLY?! GINAWA MO 'YON?" Hindi makapaniwalang sambit ni Cherry nang ikuwento ni Zyron ang nangyari sa kaniya sa banyo.

"As in, lips to lips? Chukchak kung chukchak?" Nababaliw nitong sabi habang inaalog pa ang kaibigan.

"Oo nga. Eh paano ba naman, sigaw nang sigaw na akala mo'y taong bundok. Halos pumutok na nga ang litid at ugat sa leeg na animo'y nakalunok ng mikropono. Wala na akong choice kaya...ayun, hinalikan ko siya." Paliwanag ni Zyron habang hinahawakan ang labi.

"Grabe Zy, I can see the other side of yours. You are bold, dominant and fierce now. 'Zyron two point O' na ba ang kaibigan ko?"

"Loka, I promised Tita Francesca na I need to be confident to myself. Ngayong mayroon na ako 'non, hindi ko na hahayaang apak-apakan ako ng Mattheo na 'yon."

Umiling na lang si Cherry sabay palakpak sa kaibigan. Sa isip-isip ni Cherry, labis ang tuwa na kaniyang nadarama sapagkat nagising na ang kaniyang kaibigan sa bangungot na kaniyang dinanas. Hinatid na niya ito papunta sa kanilang bahay at muling magkikita para bukas.

_

Abala si Zyron sa pagluluto nang tumunog ang kaniyang telepono. Isang hindi nakarehistrong numero ang bumungad dito kaya hindi na niya pinansin ito. Lumipas ang ilang segundo ay muli itong tumunog. Hindi ulit pinagtuunan ng pansin ni Zyron ang mga text na ito dahil iniisip niya na baka pina-prank lang siya ng kaibigan.

"Zyron, sino ba 'yan? Kanina pa tumutunog iyang telepono mo. Ako na munang magluluto. Pauwi na rin ang tatay Karding mo." Kinuha ng kaniyang nanay ang sandok at siya na ang naghalo sa niluluto. Kinuha ni Zyron ang telepono sabay akyat papuntang kuwarto.

"Your'e disgusting."

+639********** 6:30 pm

"HOW COULD YOU TO KISS ME! I WILL SUE YOU TOMORROW!"  

+639********** 6:31 pm

"So your'e ignoring my texts, huh? Your'e dead."  

+639********** 6:32 pm

Napasalampak na lang si Zyron sa kaniyang kama habang iniisip kung ano ang naghihintay sa kaniya para bukas. Pilit man niyang lumalayo, siya namang habol sa kaniya ng kamalasan. Napapaisip siya tuloy kung bakit laging mainit sa mga paningin ni Mattheo ang isang katulad niya. Nagsimula lang ito sa pagtulong niya sa lalaking binugbog ng mga kasamahan nito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatantanan.

"Hays, bahala na. Chugi na kung chugi bukas. Atleast, namatay akong maayos ang mukha." Salita nito sa hangin bago bumaba sa kusina nang muling tawagin ng ina.

_

Katulad ng nakagawian, maagang pumunta si Cherry sa bahay nila at halos magkasabay sila ni Ms. Lee sa pagpunta. Dito na rin siya kumakain tuwing umaga tutal parehas lang ang daan ng bahay ni Zyron sa pinapasukan nitong ospital. Nagkaroon ng kaunting kuwentuhan at kumustahan bago pumasok ang magkaibigan sa unibersidad.

Sa kabilang banda, hindi na ipinaalam ni Zyron kay Cherry ang mga nakuha niyang text na malamang ay galing kay Mattheo. Paniguradong mag-aalala na naman ito na ayaw na ayaw niyang mangyari.

Ngayon ay mag-isang naglalakad si Zyron nang lumihis si Cherry papunta sa kaniyang building. Napalunok siya nang harangin siya ng dalawang lalaki, kasamahan ni Mattheo to be exact.

"A-anong kailangan niyo? Kung pinadala kayo ni Mattheo para saktan ako, pwes itigil niyo na. Sawa na ako sa mga kalokohan niyo." Matapang na saad ni Zyron kahit magkandagatol-gatol ang pagsasalita.

"Hindi ka namin sasaktan kung sasama ka sa amin nang maayos. Gusto ka lang makita ni Master. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong sundin ang pinag-uutos ni Mattheo." Sabi ng lalaki na nasa kaliwa.

Ayaw man ni Zyron, wala siyang nagawa kundi ang sumama. Kaysa naman humindi siya na paniguradong pasa at galos ang aabutin sa mga kamay nito. Tumango na lang ito bago sinundan ang dalawa.

Umakyat sila sa pinaka-itaas ng palapag ng kanilang gusali at siya'y pinauna sa pagpasok. Nagulat si Zyron nang isara ang pinto kaya't nag-panic siya sa mga nangyayari.

"Hoy! Buksan niyo 'to! Hindi na kayo nakakatuwa!" Sigaw nito habang kinakalampag ang pinto at pilit iniikot ang seradura. Sigaw lang siya nang sigaw nang isang boses ang nagpatigil dito.

"Can you please shut the f*ck up?!"

Napatingin si Zyron sa gawing sulok at nakita niya si Mattheo na prenteng nakaupo habang may binabasa. Lumapit siya rito at binigyan ng masamang tingin.

"Plano mo ba talagang sirain lagi ang araw ko? Wala ka bang pamilya? Kasi kung ako ang tatanungin, kulang ka sa aruga!"

Napatigil si Mattheo sa kaniyang ginagawa at nagsimulang magtagis ang kaniyang kamao. Namula ang kaniyang mukha at binigyan din ng masamang tingin si Zyron.

"What did you say?" Mahinahon pero may pagpipigil na tanong ni Mattheo.

"Malinaw ang pagkakabanggit ko kaya hindi ko na kailangang ulitin. Mattheo, ako na ang nagmamakaawa sa'yo, tantanan mo na 'ko!" Sambit ni Zyron habang nakatingala sa lalaking kaharap niya.

"I don't think so. After what you did yesterday, hindi ko kayang palagpasin 'yon!"

"Alin? 'Yung halik ba? Oo, alam ko nandidiri ka pa rin hanggang ngayon. Pero hinding-hindi ko na ulit gagawin 'yon kung hahayaan mo na ako. I promised na hindi mo na ako makikita sa university. I will do my best para makaiwas sa'yo. Kapag nakita kita, ako na mismo ang magtatago. 'Yun lang Mattheo...'yun lang ang hinihiling ko."

"That's not what I want."

"Then what?! Ano bang gusto mo? Lahat gagawin ko pero ang kapalit ay ang kalayaan ko. Now, spill it!" Naiinis na sambit ni Zyron habang nagpapadyak pa.

"Kiss me...again."

How to Get Rid of Pimples? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon