High School Love Story~ The Ending

724 19 1
                                    

Andrei's POV

After 5 years...... ay nagkaroon kami ng reunion buong mag-kaka klase.

MAGTATAPAT NA AKO SA KANYA

Nakita ko si Jasmine na papasok sa venue. Hanggang ngayon ang ganda pa rin niya hindi pa rin nagbabago ang mukha niya kahit limang taon na ang lumilipas.

"Musta na Andrei?" Nagulat ako dahil nasa harap ko na pala siya. Nakakahiya tuloy dahil nakatulala lang ako sa kanya.

"O-okay n-naman a-ako." Nauutal kong sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang napangiti. Ang ganda talaga ng ngiti niya.

"Uhhmmm..." Sabay naming sabi.

"Sige ikaw na mauna." Sabi ko sakanya.

"Hmm... Pwedeng sa labas na lang tayo mag-usap?" Tanong niya sakin. Tumango na lang ako dahil hanggang ngayon starstruck pa rin ako sa ganda niya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa labas ng venue.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nandito na kami sa isang park malapit lang sa school kung saan ginaganap ang reunion namin.

"Kamusta na? Ang tagal na rin nung huling nagkita tayo." Tanong ko kay Jasmine.

"Ayos naman ako." Ngiting sagot niya sakin.

"Ano pala yung gusto mong sabihin?" Nawala yung mga ngiti niya sa mukha . Kinabahan ako sa tingin mga tingin niya sakin. Sana hindi totoo ang mga naiisip ko na baka may asawa na siya o may mahal na siyang iba.

"May mahal na ako." Nung narinig ko ang mga salitang yun ay parang nadurog ang puso ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nag-tutubig ang mga mata ko at ilang saglit na lang ay papatak na ito.

"M-mabuti k-kung g-ganun." Nauutal kong sabi sa kanya. Ayokong makita niyang tutulo na ang luha ko kaya nag paalam na ako sakanyang papasok na ako sa loob ng school.

Bago pa ako makahakbang ay pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kanang braso.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung sino yung taong mahal ko? At diba may sasabihin ka pa sa akin?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Hindi mo ba makita na nasasaktan ako na may mahal ka ng iba? Tapos tatanungin mo ako kung interesado ba ako malaman kung sino yung taong nakakapag-patibok ng puso mo." Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang yan kaso hindi ko kayang sigawan ang taong mahal ko.

(O__O) Nagulat ako ng biglang may malambot na bagay na dumapo sa labi ko. Hi-hinalikan a-ako n-ni J-jasmine?!

Nung nakabalik ako sa isip ko ay marahan ko siyang tinulak palayo sakin dahil may mahal na siya tapos hahalikan niya pa ako? Nakita ko yung pagtataka sa mukha niya kaya agad ko siyang hinarap.

"Bakit mo ako hinalikan? May mahal ka ng iba. At nasasa~~~" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil dumapo na naman yung labi niya sa labi ko.

Wala na akong nagawa kundi tumugon sa mga halik niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay agad na siyang humiwalay para makasagap ng hangin.

"Hindi mo ba ramdam na ikaw yung taong mahal ko?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal niya daw ako?!

"Ano tutunganga ka lang ba diyan? Akala ko ba may sasabihin ka?" Mataray na sabi niya sakin.

"M-mahal d-din k-kita." Mahina at pautal-utal kong sagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nag ssink-in sakin ang sinabi niya na mahal niya ako.

"Ano ulit sinabi mo?" Tanong niya sakin habang pinipigilan ang pag ngiti.

"Ang sabi ko mahal kita." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Hindi ko narinig Mr. Andrei Cuenca." Mapang-asar na sabi niya sakin.

"ANG SABI KO MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA MS. JASMINE REYES!" Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun ay niyakap niya ako.

Sa wakas pagkalipas ng mahabang panahon ay nasabi ko na sakanya na mahal ko siya at salamat dahil ganun din siya sa akin. Pangako araw-araw ko ipapakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

I LOVE YOU JASMINE REYES!

~THE END~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHOR'S MESSAGE after this so please read it. Thank you :)

The Untold Story (one-shot) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon