"Hindi man naging sila sa huli atleast naramdaman nila na may pag tingin sila sa isa't isa."
"Grabe naman yang story na ginawa mo masyadong tragic. Hindi na nga sila nagkatuluyan pinatay mo pa si Jasmine sa huli. Hay naku best! Ganyan na ba talaga tingin mo sa "LOVE"? Walang happy ending?" Sabi ni Celine, bestfriend ko.
"Hindi naman sa ganun, pero ayun yung na o-observe ko. Lahat ng taong nagmamahal iniiwan ng taong mahal nila, gustuhin man nila o hindi. Maraming tao ang nakatadhana na mahalin ang isa't isa pero hindi sila nakatadhana magsama habang buhay. Tulad ni Andrei at Jasmine tinadhana sila na magkakilala at mahalin ang isa't isa pero hindi sila tinadhana na magkasama habang buhay."
"Ang lalim ng hugot mo Ariane. At isa pa wag mong ihalintulad yung story nila Andrei at Jasmine sa realidad dahil isa lang sila sa mga character ng story mo." Sumbat sakin ni Celine. Hayy... Ang hirap magkaroon ng bestfriend na naniniwala sa happily ever after.
Magkaiba kasi kami ng pananaw ni Celine tungkol sa pag-ibig. Siya naniniwala na may happy ending o yung tinatawag na forever samantalang ako naman isang hopeless romantic na naniniwala na lahat ng love ay may katapusan in-short kung hindi man tragic ang story niyo, hindi kayo magkakatuluyan sa huli nung taong sinasabi mong 'true love' mo.
"RINNNNG RIINGGGG RIINGGGG!"
"Tara na best! Tapos na yung breaktime natin. Punta na tayo sa next class natin." Pagbalik sakin ni Celine sa pag-iisip ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at binabasa lahat ng comments ng mga readers ko sa story ko. Nakakataba ng puso yung mga comments nila kahit tragic yung story ko ay nagustuhan pa rin nila.
Kinuha ko yung bag ko para kunin yung notebook kung saan nakalagay ang story nila Jasmine at Andrei. Pagbukas ko ng bag ay napansin ko wala yung kulay black kong notebook kaya inalis ko lahat ng gamit ko sa bag.
Shocks! Naiwan ko ata sa library kanina yung notebook ko. Hala! Kahit kanino except lang sa bestfriend ko hindi ko pinapakita yung notebook na yun. Sana walang kumuha nun. Pleeeeaassee!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Uy Ariane!!! Hintayin mo naman ako! Ang bilis bilis mo tumakbo." Sigaw sakin ni Celine habang tumatakbo kami papunta sa library.
Pumasok kami sa loob ng library na hingal na hingal sa pagtakbo. Pumunta ako kung saan kami naka-upo kahapon at nakita kong andun pa yung notebook ko. Buti naman at walang kumuha nito.
"Ano nakita mo na yung notebook mo?" Tanong sakin ni Celine, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
"Oo buti nga at walang kumuha eh." Sabi ko sa kanya habang binubuklat ko yung notebook ko. Nang biglang may nalaglag na papel.
Ano toh? Tinago ko muna yung papel sa bulsa ko at sinamahan na si Celine palabas sa library.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa kuwarto ko at kakatapos ko lang gawin yung mga homework ko ng naalala ko na may papel pala sa bulsa ng uniform ko kaya agad ko itong hinanap sa labahan at baka malabhan pa yun.
Pagbukas ko ng papel may nakasulat na letter. Kanino kaya galing toh?
Hi Ariane! Sorry kung pinaki-elaman ko itong notebook mo. And I must admit you had a talent in wrinting, no scratch that you have an amazing talent in writing. I have a confession to make and that is I admire you since the first day I saw you walking in school and we bump each other. Since then hindi ka na ma-alis sa isip ko. Lalong lumalim itong nararamdaman ko sayo nung binasa ko yung story mo and I'm willing to prove to you that happily ever after can exist in real life. Alam kong hindi mo na maalala kung sino ako but please give me a chance. I will wait for you tomorrow sa library after the class dismiss... Your number one fan.... -Y
Ha? Ano raw? Sinong Y? Siguro si Celine lang ito at pinag-ttripan lang ako. Mababatukan ko talaga itong bestfriend ko bukas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa library at hinihintay ko na yung taong nagbigay sakin ng letter. Pag si Celine talaga itong taong ito at pinag ttripan lang ako makakaramdam siya ng sampung pektus galing sakin.
"I'm glad at nakarating ka. Akala ko hindi mo ako sisiputin dito." Napalingon ako kung saan nanggagaling yung boses.
(O.O) Ayan ang expression ko ngayon.
Nilapitan ako ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"Sorry kung sa letter lang ako umamin sayo ng tunay na nararamdaman ko. Sana tanggapin mo. Alam ko hindi mo pa mabibigay sakin ang sagot mo pero willing ako maghintay kahit gaano pa katagal kasi alam ko your worth waiting for. Naalala mo pa ba yung tumatakbo ka papunta sa classroom niyo yung time na nagkabangaan tayo? Doon ko na-realize na totoo pala yung sinasabi nilang 'Love at first sight' Dahil na hawi mo agad ang puso ko. Simula din nun naging stalker mo na ako dahil sinusunod ko lang ang sinasabi sakin ng parents ko na follow your dreams." Hindi ko namamalayan na may tumutulo ng luha sa mata ko dahil hindi ko inaasahan na may taong nagkakagusto sakin. And handang maghintay para sakin.
"Hindi pa pala tayo nagkakakilala formally, My name is Yohann. the guy who want to changed everything, the guy that made a diffence, the guy that gave you a story to tell, the guy that is willing to wait for you and lastly the guy who wants to grow old with you." Nakangiting sabi niya.
Hindi ko aakalain na mag cconfess sakin si Yohann. Sa isang commoner na kagaya ko. Sikat na sikat si Yohann sa school namin dahil sa pagiging good-looking, athletic at pagiging mabait niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ikaw friend ah! Hindi mo sinabi sakin na may Yohann ka na." Pang-aasar sakin ni Celine.
"Sino na kasama ko sa pagiging SMV sa valentines? Huhuhu" Habol niya pa habang nagddrama.
"Ang drama mo Celine hindi pa naman kami ni Yohann eh." Sagot ko sa kanya.
"Take note friend hindi PA. It means may pag-asa siya?" Pumunta lahat ng dugo ko sa mukha at feeling ko uminit pisngi ko sa sinabi ng bestfriend ko.
"Ayieee!!! Kinikilig ang bata! Hahahahaha!" Asar ulit sakin ni Celine kaya tinignan ko siya ng masama.
"Hindi noh!" Deny ko sakanya.
"Hay naku friend! Denial Queen ka talaga. By the way napasa mo na ba sa publishing yung revise mo?" Tanong sakin ni Celine. Ni-revise ko kasi yung story ko dahil na-realize ko na masyado palang tragic and tinulungan din ako ni Yohann na ma-realize na may happily ever after din pala sa reality. In short tinulungan niya akong baguhin ang perspective ko tungkol sa LOVE.
I guess I found the one at yun ay si YOHANN :")
~THE END~
BINABASA MO ANG
The Untold Story (one-shot) Completed
Lãng mạnSequel of High School Love Story Tagalog. The Finale ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To all those who want to copy my works and use it or post it in another account or website please give me some notice and please write some 'copyright'...