Nicko's uncle personally welcomed them into his bar. "Mabuti naman at pinasyalan mo ako, Bentley. Aba'y kaytagal mo nang hindi nagagawi rito."
"Tiyo, nandito lang kami nina Kuya n'ung nakaraan."
"Magdadalawang-linggo na 'yun," Nicko's uncle replied laughing. "Girlfriend mo?"
"Ay, hindi po," Lee Ann replied.
"Tiyo, si Lee Ann, future balae ko," Nicko said. "Lee, si Tiyo Piloy, bunsong kapatid ni Tatay."
"Good evening po..."
"Good evening din, iha. Bakit naman balae pa at hindi na lang asawa?" the older man asked.
"Gan'un po talaga, Tiyo. Alam n'yo naman po ang mga magaganda, napakahirap pong kausap."
"Ay, s'yang tunay," Tiyo Piloy said and Lee Ann and Nicko laughed. "Dito kayo, ito ang may pinakamagandang view..." he added guiding the teenagers to a table by the balcony. "Kayo ba'y iinom?"
"Ako po hindi..." Lee Ann said.
"Hindi rin po ako, Tiyo, at ako po ang magmamaneho."
"Napakabait naman ng mga batang ito, magpupulutan nang hindi umiinom."
The youngsters laughed.
"Nagpaalam naman siguro kayo sa mga bahay ninyo, 'di ba? Ikaw Nicko, alam ba ng Tatay mo na nandito ka?"
"Ito po iti-text ko na po."
"Nagpaalam po ako sa mga kasama ko sa bahay," Lee Ann said.
"Very good." Nicko's uncle gave them a thumbs-up sign before he left.
"Nakakatuwa ang Tito mo," Lee Ann commented.
"Oo. Cool s'ya. S'ya ang nagturo sa aming uminom."
"Mabuti hindi nagalit ang father mo?"
"Hindi naman. Ang sabi n'ya ay mas gugustuhin na n'yang sa bahay kami matuto para maturuan kami nang tama kaysa sa labas. Gan'yan motto ng mga magulang ko. Everything should be learned at home."
"Galing..."
"Wait, do you want to call your sisters para alam nila na magkasama tayo at nang hindi sila mag-alala?"
"Tatawag ang mga 'yun sa mansyon. Besides, hindi ko dala ang telepono ko."
"'Yun ang h'wag na h'wag mong iiwan. Para just in case you need help ay makakatawag ka ng tulong."
"What would I need help for, eh, nand'yan ka naman?"
"'Yan ang mahirap dito, eh, 'yung pinapakilig ka lang pero hindi ka pinapanagutan?"
Lee Ann laughed out loud. "Ano ba, akala ko ba ay may kasunduan na tayo?"
"Oo nga," the young man replied. "Pero, minsan kasi kinikilig ako sa'yo."
"Hindi pa ako nag-i-effort n'yan."
"Gan'yan ka, Miss Carbonel, masyado kang mapanakit. Teka, maiba tayo, saan mo pala balak mag-med?"
"Hindi ko pa alam," Lee Ann replied. "Bakit, ikaw, alam mo na ba kung saan ka mag-me-med?"
"U.P. Manila, UST, or FEU."
"Wow, sana lahat ay planado ang buhay. Sa akin kung saan ako papasa ay doon ako. Pero, bago ko isipin 'yun ay mas maigi sigurong ipasa ko muna itong undergrad ko."
"Tama ka. Na-i-imagine mo ba kung gaano kahirap ang mag-aral ng medisina? Ngayon pa nga lang ay naiiyak na ako sa mga subjects natin, eh."
"Mabuti ka nga doktor kayong lahat sa pamilya. Ako nga puro abogado nasa paligid ko, kanino naman ako magtatanong?"
BINABASA MO ANG
Said I Loved You But I Lied 2... (Published)
RomancePromises...and the heartache they bring.