Urgent
-
"You're a bit late," puna ni Bam nang makalapit ako sa kanya. Napatingin tuloy ako sa orasan at nakitang hindi naman totoo ang sinabi niya. Anong late? Maaga pa nga ako ng limang minuto 'e.
"Hindi na mauulit. Sa susunod, mas tatagalan ko pa." Dumiretso ako sa locker at hindi na inintay ang sasabihin niya. Simula noong iwan kami ni Mr. Gold ay hindi niya tigilan ang pagbibiro sa akin.
Bawat sitwasyon na lang ay pinaaalala niya 'yung nangyari sa elevator. Nagiging maingat lang naman ako dahil wala namang sasagip sa akin kung sakaling masama siyang tao.
Pagkatapos magbihis, inayos ko muna ang sarili bago lumabas at tulungan si Bam. I actually insisted on calling him 'sir' but he doesn't like it and preferred to be called by his name so I didn't complain anymore. Bakit ba naman kasi ako magrereklamo?
"Kumain ka na ng lunch?" Biglang tanong niya. Medyo madaming tao ngayon pero wala namang lumalapit sa counter kaya nakakausap niya ako nang ganito.
Tumango ako. "Oo. Ikaw ba?"
Dahil nagtanong siya, naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina noong kumain kami ni Ali sa labas. Ali... Am I supposed to call him that just because he let me? Paano kung iba ang isipin ng mga tao? Ng mga kaklase ko?
Saka na lang siguro...
"I did. Wala masyadong tao kanina, so I had time." He said casually. Tumigil ang pag-uusap namin nang may pumasok na customer. Ako na ang kumuha noon at siya naman ang nagbigay ng order.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya umuuwi or kung bakit siya nagtatrabaho maghapon. Kung ganoon, bakit pa nila ako hinire dito? At kung tutuusin, kaya ko naman na ako lang ang mamahala dito pero sabagay... kung wala lang inaasikaso si Mr. Gold ay baka tumigil lang din siya rito.
Naglabas naman ng mga bagong gawa na tinapay si Bam galing sa kusina. May mga baker sa loob na kinuha rin ni Mr. Gold habang wala siya.
Nakita kong tinatanaw ni Bam 'yong pinto kada-segundo. Nagkatinginan tuloy kami noong pang-limang beses niya nang sumulyap sa pintuan.
"May inaabangan ka ba? Or kailangan mong umalis nang maaga?" Napataas tuloy ang mga kilay ko.
"I'm just waiting for your suitor from yesterday," mayabang na sabi nito. "You know we didn't thank him enough for what he did for you, remember?"
"Naka-usap ko na siya kahapon." Kaswal na sagot ko. "At isa pa, hindi ko 'yon manliligaw. Kaklase ko lang 'yon at hindi na siya babalik rito."
"Bakit mo tinaboy kung ganoon? It's not a sin to see your classmate here." May panunutya sa boses nito kaya napailing ako.
"Hindi sa ganoon. Madami pang bakery sa paligid na pwede pa niyang puntahan," nagmamadaling sabi ko at nakagat agad ang dila dahil sa sinabi. I kept my mouth shut as my eyes flew to him.
YOU ARE READING
The Winds Of Change (Disney Series #2)
Teen FictionHaving no choice in life, Jaz was forced to be involved in a very dangerous business and as she gets on with it, her life started to change. But would it change for the better or would her life be messier than ever?