Takot
-
"Ano na naman 'to, Jaz?!"
Nanatili akong nakatungo, nagtitimpi sa nangyayari. Nagtataka rin ako kung bakit ganito palagi ang nangyayari sa lahat ng ginagawa ko. Palpak at hindi nagtatagal. Gusto ko lang naman makapag-trabaho ng maayos para mabuhay ko ang kapatid ko at si Papa na hindi naman kumikilos para may makain kami.
"Pasensya na po. Hindi na po talaga mauulit," pagpapakumbaba ko.
Napatingin ako sa mga nabasag na plato at naaksayang pagkain na nagpatak kanina habang maingat kong dinadala sa taong kakain no'n. If the kid didn't bump into me, hindi magpapatak 'yung dala ko.
Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kamay at marahang pinisil 'yon para saktan ang sarili. Nakakahiya.
I heard the manager scoffed in disbelief and talked to the customers. Natapunan kasi ang ilan sa kanila kaya napilitang pumunta dito ng manager. Alam kong may seminar siya ngayon. Sinabi na niya sa'min kahapon ito kaya kailangang umiwas kami sa disgrasya pero pakiramdam ko, sinusundan ako no'n.
"Ano ba naman 'yan, Eron? Akala ko ba maayos ang mga server rito sa restaurant mo? Kaya nga dito kami kumakain kapag gusto ng mga bata sa labas kumain, 'e." Reklamo noong matandang lalaki. Pamilya sila at 'yung magulang at isang bata ang natapunan ng in-order nilang pagkain.
"I'm sorry, Mr. and Mrs. Ricafort. She's new here and we're in dire need of a new server, so we let her work here. But don't worry, we'll discipline her right away." Sabi ng manager namin, 'yong nag-iintindi ng restaurant na ito.
Tumayo 'yung Mr. Ricafort at lumapit sa amin. I was behind the manager, showing a bit of remorse about what happened. This isn't my fault and they didn't even give me a chance to explain. Pero syempre mahirap ako at nagtatrabaho lang rito, I should respect those who are above me and let people look down on me. Bullshit.
"Why don't you... remove her away from this place, so this awful situation won't happen anymore?" Mr. Ricafort, the fat ugly man, spoke.
Tumawa 'yung manager namin nang mahinhin. "I'm sure we don't have to go that far. Today is a busy day for all of us, Mr. Ricafort. I'll make sure to talk to her to refrain this from happening again."
"I'm not asking, Eron..." seryosong sabi ni Mr. Ricafort. Binitawan ko ang pagkakahawak sa kamay ko at tahimik na bumuntong-hininga. "I have the right to request things like these because you see..." Lumapit ito sa manager at may binulong habang nakatingin sa akin at narinig ko 'yon. "I'm a customer here for years and I don't want to eat in a place with low lives around."
Napatungo ulit ako at ngumiti nang may galit sa puso.
"I'm sorry," umimik ako kaya napatingin silang lahat sa'kin. "I'm sorry po kung hindi kayo komportableng kumain kapag may mga mahihirap sa paligid n'yo na gusto lang naman magkaroon ng maayos na buhay."
"Jaz—" pinigilan ako ng manager namin pero wala na yatang makakapigil sa bunganga ko.
YOU ARE READING
The Winds Of Change (Disney Series #2)
Teen FictionHaving no choice in life, Jaz was forced to be involved in a very dangerous business and as she gets on with it, her life started to change. But would it change for the better or would her life be messier than ever?