Omsim

51 3 0
                                    

"Kapag naliligaw ka sa gubat, baliktarin mo raw damit mo kasi sinusundan ka ng tikbalang."

Pang-uto.

Kung magpapadala ka sa takot, hindi ka maliligaw. Wala ka lang mararating.

Kaya nagpumilit ka. Naglakbay pa rin.

Nadadapa.

Nangangapa.

Naliligaw.

Walang tikbalang na sumusnod para huminto ka.

Hindi damit ang babaliktarin kaya magpatuloy ka.

Omsim.


***

Author's note (informal to) :

Gagi ahahahahaha, binuklat ko  ulit mga pinaggagawa namin tas ito nakita ko langya hahaha (copy paste ko na lang kase di nagana screenshot ng lapyop ko, iyak):

Sugal

Ang pag-ibig ay parang sugal hindi mo alam kung susugal ka pa o titigil na kasi sabi nila sa una lang daw malambing ang lalake pero hindi nila alam na ang isang lalake ay hindi sa una lang mayroon din silang isang salita at kaya nila ito gawin sa isang babae at my respeto din ang lalake at hindi lahat ng ay manloloko kasi ang ibang babae ay minsan sa mukha nabase hindi sa ugali.

Kung nasaktan man kayo ng isang lalake wag nyo lahatin dahil iisa lang nanakit sayo at hindi lahat ng lalake pare-pareho. Oo merong manloloko na lalake pero sana naman wag nyo lahatin ng lalake kasi nadadamay yung mga lalake na inosente at loyal sa pagmamahal. Kung mag mamahal ulit ulit ako dun sa tamang tao at hindi ko sya lolokohin at hindi ko sya sasaktan at rerespetohin ko sya dahil ganon ako mag mahal at hindi lahat ng my karelasyon ay my masaya at meron din asaran,selosan at hindi yun ang dahilan para mag hiwalay ang isang magkasintahan.

Di mo alam na ginagago kana pero tuwang-tuwa kappa. Ang ibang babae ay minsan pinag lalaruan lang nila ang nararamdaman ng mga lalake at hindi nila ito pinapansin. Tapos pag sinaktan sila ng lalake sasabihin nila lahat ng lalake manloloko. Siguro kaylangan nila tanggapin na wala na sila at kaylangan nila palayain ang isa't isa kung mahal talaga nila ang isa't isa.

pesteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee ahahaha y naman ganorn?! kungsinomang nagsulat nito pisti ka, gagi! hindi ko alam kung sinama  namin to sa mismong final output, at kung sinama nga namin, bakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit?!  dejoke, baka sabihin n'yo pa nambu-bully ako e ako nga 'yong laging paiyak na samin pag naggawa kami.

pero in fairness, natawa ako  rito, mga ten times hahahaha. #SugalPaMore #TumigilKaNaBakaMasapakKitaAsAFriend

Lubos na nagdadamdam,

mi_michiah

OmsimWhere stories live. Discover now