Chapter 23

1.9K 42 50
                                    

SEULGI'S POV

Hindi 'ko alam kung binabangungot ako pero alam kong gising na ang diwa 'ko. Masyado lang maliwanag kaya hindi 'ko pa mamulat yung mata ko pero yung bigat sa ibabaw 'ko, hindi 'ko maintindihan. Parang antagal na nakapatong sakin kaya pakiramdam ko lumubog na 'ko sa kama.

Dahan dahan kong kinapa yung nasa ibabaw ko. Maliit...

Hindi ko na napigilang mapangiti habang tuloy lang ako sa pagkapa. Pano nga ba ulit siya napunta dito?

Flashback

"Baby.." 

Agad akong napamulat nang tawagin niya 'ko. Hindi pa ba siya inaantok? Bagsak na dapat siya ngayon sa dami ng ininom niya kanina. Iba ba tama ng alak sa doktor?

"Hmm?"

"I can't sleep.." She pouted.

"Well... I can. Good night baby." Sagot ko at tumalikod sa kanya. Pinigilan ko pang tumawa, Lasing nga pala tong kausap ko HAHAHAH bahala na.

Hiindi pa lumipas ang isang minuto nang makatanggap ako ng malakas na hampas ng unan kaya napaupo agad ako.

"Baby masakit!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko. Lahat ata ng pwersa niya ginamit niya, sa ulo ko pa.

Napaka-mapanakit amp.

"Sabi 'ko I can't sleep." Inis na sabi niya kaya napatawa ako. Ano ba kasing gagawin ko? Inaantok na 'ko gusto pa niya 'kong idamay sa I can't sleep niya HAHAHAHA.

"And?" 

"I'm scared.." Sagot niya at umiwas ng tingin kaya bigla akong kinabahan. 

Oo nga pala, drunk Irene is honest Irene. Yung tipong sasabihin niya talaga kung ano yung nararamdaman niya. It's not a bad thing isn't? Atleast nasasabi niya yung nararamdaman niya...

"Why?" Tanong 'ko at hinawakan ang kamay niya. Nagulat nalang ako dahil may biglang pumatak sa mata niya.

"I'm scared to sleep.." Hikbi niya. Binawi niya ang kamay niya sakin para punasan ang luha niya. Hindi naman ako makagalaw, ewan ko rin kung bakit.

Para siyang batang umiiyak na ayaw matulog mag-isa sa kwarto. That's how I can see her right now.. para bang takot siya maiwan-

"Natatakot ako na baka 'pag natulog ako wala ka ulit." 

Lumapit ako agad sa kanya at niyakap siya. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa dibdib ko without saying a word. Hindi 'ko alam kung ano bang sasabihin ko... antagal na non... andito na 'ko but she still have her worries na baka iwan 'ko siya.

Sabagay... I promised dati na hindi 'ko siya iiwan but look what happened? Kakabalik ko lang, iniwan ko parin siya.

Dahan dahan 'kong tinapik ang likod niya, hoping na it would help to calm her down, hoping na my warmth would ease her worries na nandito lang ako... na hindi ko siya iiwan.

"Hindi na mangyayari yun ulit..." Bulong 'ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak...

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko, parang anytime mapupunit na.

"Hindi ako mawawala bigla..."

Dumaan pa ang ilang minuto, medyo kumalma niya siya kaya unti unti na kong humiwalay.

Namaga na yung mata niya kaya napatawa ako, nagtaka naman siya. I'm sorry baby it's just... you look so cute, you're literally a baby right now.

"Nandito parin ako bukas okay?" Sabi ko at pinunasan ang magkabilang pisngi niya. "Let's sleep na.." Inalalayan ko siya sa paghiga at hinigit ang kumot. 

The Boss' Rules and Roses // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon