Chapter 40

796 37 8
                                    

JENNIE'S POV

It must be hard... no, baka nga hindi sapat yung mahirap lang sa nangyayari sa kanila.

Hindi ko alam kung effective pa yung comfort na ginagawa ko kay Joohyun kasi nung nakita ko siyang naka-upo sa may parking kanina and the fact na nasa hotel siya kung nasaan din si Seulgi..

Anong una mong maiisip diba?

Bakit siya iiyak nang ganon kung pwede naman niyang akyatin si Seulgi?

That's the first time... after 10 years, na nakita kong umiyak ulit nang ganon si Joohyun...

..at mas malala yung iyak niya ngayon.

I saw it all eh..

Natuyo na ang luha sa pisngi niya, nakatulugan na rin niya yung pag-iyak niya.

She must be so tired.

Ang saya lang kanina tapos ganito..

Mula nung sunduin ko siya, hanggang sa makarating kami sa condo niya hindi na siya tumigil kaka-iyak..

Flashback

"Umuwi na muna tayo, magpahinga ka na."  Sinubukan ko siyang itayo pero parang kahit siya hindi niya maangat ang sarili niya.

She cried harder... clutching at her chest na para bang sinusubukan niyang tanggalin yung sakit na nararamdaman niya.

Alam ko..

Hindi iiyak nang ganito si Joohyun kung hindi siya nasaktan. Puta lang, anong rason?

Okay naman sila ni Seulgi kanina nung umalis sila tapos ngayon umiiyak siyang umalis galing sa penthouse.

"Maaayos niyo to Joohyun.. it will not happen again." Bulong ko pero umiling siya at marahas na hinawakan ang dibdib niya.

"N-no Jen.. no."

"Umuwi muna tayo Joohyun."

Sinubukan ko ulit siyang itayo, kahit mahirap nagawa ko naman siyang isakay sa sasakyan.

Tahimik lang akong nagmamaneho, iyak niya lang ang naririnig ko. Kahit gusto kong magtanong...

...hindi ko magawa kasi my question will just hurt her more.

Siyempre kailangan pa niya alalahanin para ma-kwento niya puta.

Nag-red ang stop light kaya nakahinto kami, bigla naman siyang nagsalita.

"J-Jen.." Her voice cracked.. rinig na rinig ko sa boses niyang hinang-hina na siya.

"It's Seulgi, isn't?" Saglit ko siyang tiningnan na tuloy parin sa pag-iyak at tumango.

"Obviously.. galing ka don eh."

"She said it Jen.. a-after 10 years she finally said it." Ang ano?

Walang pumapasok sa isip ko na pwedeng sabihin ni Seulgi na hindi niya sinabi noon na pwedeng makasakit kay Joohyun-

Except that thing...

"What.. is it?" Hindi ko alam kung dapat tinanong ko pa pero sana huwag kung ano man yung iniisip ko.

"Mabilis akong mapaniwala Jen.. siguro kaya kung ano-anong disgrasya yung dumarating samin kasi baka tama nga siya, mapakitaan lang ako ng konting ebidensiya naniniwala agad ako."

Tang ina.

"S-sinabi niya yon?" Tumango siya at pilit na pinupunasan ang pisngi niya pero walang epekto.

The Boss' Rules and Roses // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon