Chapter 55

847 20 4
                                    

SEULGI'S POV

"Next na panget mo Baekhyun!" 

Hindi ata matatapos ang isang araw nang hindi nagbabangayan 'tong si Ligaya at si Baek. Nandito kasi kaming lahat sa sinet up na bone fire, nandito rin yung foods.

May alak parin pero puro light nalang.

Naka-upo sa harap ko si Irene kaya pinatong ko ang ulo 'ko sa balikat niya. Hindi naman siya umangal at sumandal lang sa'kin. 

"Iikot niyo na yang bote ipupukpok ko sa inyo yan!" Inis na saway ni Runbyjane sa kanila. Sina mama nagsabi na spin the bottle ang gawin namin ngayon, simpleng tanungan lang, walang mga dare.

Gusto raw kasi nila na mas makilala pa sila and ako rin... since baka marami na raw nagbago sa'kin.

Pwedeng umulit yung sasagot, depende sa tapatan nung bote. Pwede ring iba-iba yung magtatanong, depende sa kung sino yung may gustong itanong.

Napatingin ako sa kamay kong kanina pa nilalaro ni Irene.. cute.

"Oh Rubyjane ikaw na!" Sigaw ni Baek kaya napa-irap si Jennie. Parang pinaglihi talaga sa sama ng loob tong kaibigan ni Irene, ever since na nakilala ko sila ganyan na siya.

"So what's the question?"

"Ako meron." Nagulat kami nang magtaas ng kamay si Jongin, tinaasan lang siya ng kilay ni Rubyjane na parang she's testing him kung may maitatanong si Jongin.

"Kung babalik si Lisa, asking you to comeback and we're still not engaged, babalikan mo siya?" 

Gago..

"Bigat ah.." Bulong ko kaya bahagyang pinisil ni Irene ang kamay ko, siya lang naman kasi nakarinig.

Ilang segundo pa ang lumipas bago nakasagot si Rubyjane.

"No.. kahit gaguhin mo 'ko bago niya gawin yon hindi ko siya babalikan. Nasaktan ako, nasira yung tiwala ko, I'm so stupid naman kung susugal pa ulit ako sa hindi sigurado eh andyan ka na." Ngisi niya kaya pare-pareho kaming napahiyaw.

"Baka Rubyjane yan!" Sigaw ni Jun.

"Pang miss universe hindi ko kinaya!" Tawa naman nila Ligaya. Si Jongin mukhang satisfied naman sa narinig.

"So who's this Lisa?" Tanong ni mom.

"Schoolmate ko nung college, ka-work nila sa South Valley mom." Sagot ko. I can't disclose more info pati, kaibigan ko parin naman yong si Lisa, sayang lang I didn't got the chance to talk to her after what happened.

"Ikot ulit naaaliw ako!" Tili ni Baek at gumapang na papuntang gitna para ikutin yung bote.

"Mamaya ka sa'kin inamoka." Tawa ni Ligaya na inirapan lang ni Baek at nagflip hair ng imaginary niyang buhok.

"MARENG IRENE DALE!" Sigaw nila Sehun. Mga sira ulong 'to baka kung ano na naman itanong.

"Ako, ako may tanong!" 

"Ayusin mo yan Junmyeon.."

"Kalma chong.. eto.. anong meron si Seulgi na wala ako?" Tatayo na sana 'ko para batukan 'tong lokong 'to pero pinigilan ako agad ni Irene at tumawa.

"Seryoso ba?" 

"De joke lang, parang bibitayin ako sa tingin ni Seulgi."

"Gago ka Jun kung tinuloy mo yon baka inabot tayo ng umaga dito." Sabi naman ni Lay na ikinatawa naming lahat.

"Eto na talaga, ano yung gusto mo sa isang tao, standards ba ganon.. yung ideal type mo talaga, huwag mong ibase kay Seulgi."

"Pasimple ka pa Jun, gusto mo lang malaman para maapply mo sa sarili mo." Pang-aasar nila Yeri. Sinamaan lang sila ng tingin ni Jun, napagod na ata dahil kahapon pa siya inaasar tungkol diyan.

The Boss' Rules and Roses // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon