Typographical and grammatical errors ahead!
***
“Magkano yan?” tanong ng isang estudyante sa matandang nagbebenta ng mga potions. Mukha kasing katangi-tangi ang mga ibinibenta nito. Kaunti lamang ang bumibili sa tindahan ng matanda sapagkat pinili nito ang pwesto kung saan walang tao ang masyadong nakakakita sakanya.
“Eto ba? Naku ineng, isang daang pilak katumbas ng isang bote nito,” mahinhing anya. Napakamot sa ulo ang dalaga at kinuha ang mga pilak sa dala-dala nyang bag. “Baka naman po pwedeng walumpung pilak nalang? Kaunti nalang po kasi yung natira,” bahagya pa syang tumawa.
“Sige na nga! Buti nga't napakaganda mong bata ka, eto kunin mo,”
Napangiti naman ang dalaga at nagpasalamat sa matanda bago naglakad palayo. Nasa central sya ngayon kung saan narito lahat ng mga kakailanganin ng mga tao sa pang araw-araw. May pagkain, prutas at iba pa. Mayroon ding mga kagamitan sa mahika gaya ng mga potions, book of spells, at iba pang kagamitan.
Pauwi na sana sya nang bigla syang harangan ng dalawang kawal. Agad nya itong binigyan ng masasamang tingin. “Anong kailangan nyo?” inip na tanong nya. Ngisi lang ang ibinigay sakanya ng kawal. Nagpupumiglas syang makawala dahil nasasayang ang oras nya, may gagawin kasi sya.
“Wag kang magpumilit na umalis, tsk. Alam kong papasalamatan mo din kami, tumingin ka doon,” sabay turo sa mga taong nagkukumpulan na ngayon na nakaharap sa isang maliit na stage.
Umirap muna sya bago sinundan ny tingin ang itinuturo ng kawal.
“Magandang araw mga mamamayan ng Donovan! Ngayon ay narito kami upang magbigay alam na sa susunod na linggo ay ang araw ng enrollment sa Ezperan High—” anunsyo nito.
Kung ang iba'y kulang nalang tumalon dahil sa saya, pwes ibahin mo si Elgay. Nakataas ang kilay nito habang bangot na nakatitig sa mga tao. “Tsk.” aniya bago tumalikod at tuluyang iwan ang dalawang kawal na ngayo'y hindi naman napansin ang pag alis nya.
Wala naman kasi syang balak na pumasok sa paaralan na 'yun. Kontento na sya sa eskwelahan nya, ang East School. Tsaka, balibalita din na madaming naaabusong estudyante sa school na' yun dahil may mga students na mapag mataas. Ayaw nyang makigulo.
Bago tuluyang makalagpas sa mga nagsisiksikang mga tao. Agad syang napa “Aray!” dahil may mga nakabunggo sakanya. Huminga sya ng malalim na para bang kaunti nalang at mauubos na ang pasensya nya. “Aba! Sya pa itong may ganang magalit!” rinig nyang bulong ng isa.
“Tsk.”
Wala na syang oras para mag aksaya. Hindi sila worth it sa oras nya. Agad syang tumakbo papalayo dahil ayaw nyang paghintayin ang mga batang tuturuan nya.
Hingal na hingal sya nang makadating sa isang kubo. Naroon ay ang mga batang agad na lumapit sakanya. “Ate!” agad na kumapit at yumakap sakanya ang bata.
“Namiss ko kayo ah!” ngiting-ngiti nyang dinala ang mga pagkaing nabili nya sa central kanina. Ito ang trabaho nya. Ang maging isang master o guro. May pinagkakakitaan din kasi sya dahil dito. Minsan ay binibigyan sya ng mga tanso o pilak ng mga magulang ng mga bata, kapalit ng pagtuturo nya sa mga ito.
Ang mga batang tinuturuan nya ay nasa edad anim pataas. Ang iba'y mga hindi pinalad na makapasok sa mga akademya kaya eto sya't ipinapamahagi ang mga kaalaman nya.
“Oh ano? Mag sisimula na ba tayo?”
“Opo!”
HAPON na nang makauwi sya sa bahay nya. Napatagal kasi dahil masyadong nahirapan ang mga bata sa bagong spell na itinuro nya. Hindi nya naman masisisi ang mga ito dahil nasa category C ang level ng spell na'yun.
BINABASA MO ANG
The Signs: Beginning
FantasíaTaurus. "Come and follow me, for, I, will guide you to the dangerous truth,"