Matapos kumain sa cafeteria ay nagdesisyon silang magpunta sa kanya kanyang room. Riya, Elgay and Samuel are classmates. Habang sina Hark, Nisha at Eros are on the next building. The buildings are separated, it is divided into 4.
The Terañia. Where all students with earth signs are staying. Kabilang doon si Elgay, naroon ang dorm nya.
The Novess. Where all students with water signs are staying.
The Qyessa. Where all students with air signs are staying.
And lastly, the Exteria. Kung saan ang mga estudyanteng may fire signs ay naroon.
"Magkita kita nalang tayo mamaya sa office!" pahabol na sigaw ni Hark. Kumaway lamang si Riya bago bumuga ng hangin. Patuloy na nglalakad lamng silang tatlo pero bigla silang napatigil nang tumigil sa paglalakad si Riya.
Parehong napakunot ang noo nina Samuel at Elgay. Para kasing may inaalala si Riya dahil nakatulala ito. "Anong tinutunganga mo dyan? Hali ka na nga! Baka mal-" napahinto sa panenermon si Elgay nang biglang tumalon si Riya na para bang may naalala.
"Elgay! Ano yung nasa folder? Hindi mo sinabi sakin kanina eh!" parang nagtatampong pusa itong si Riya. Nakanguso kasi ito habang nakatingin kay Elgay na ngayo'y mukhang nawala sa mood. Naalala nya naman kasi yung folder na 'yun.
Hindi sya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad habang padabog na sumunod nalang si Riya sakanya. Napailing na lamang si Samuel dahil sa asal ni Riya.
PAGPASOK sa loob ng room, nakahinga ng maluwag si Riya nang makitang wala pang professor ang nasa loob. Akala nya kasi late na silang tatlo. Sayang pa yung spell na pinagamit sakanya kanina ni Elgay. Nag teleport ba naman sila mula sa hallway hanggang sa loob ng room.
Gulat na napatingin ang mga kaklase nila sa kanila dahil bigla nalang silang sumulpot sa harap. "Hi students!" masiglang bati ni Riya bago hinila sina Samuel at Elgay papunta sa likod, kung saan naroon ang upuan nila.
Maya-maya ay pumasok na ang professor nila sa spell category class nila.
"MS. Elgay, pinapatawag ka ng Headmaster." ani ng isang estudyante na hinihingal. Napahinto sa pagtuturo ang guro bago sinenyasang lumapit sakanya ang estudyante. May ibinulong ang estudyante sa guro bago tuluyang tumango ang prof. "Ms. Elgay, you are excused." wika nito.
Kahit na nalilito ay tumayo na lamang si Elgay at sumunod sa estudyante. Tahimik silang naglalakad sa hallway at tanging tunog lang ng mga takong ng sapatos nila ang nariring. Napakatahimik ng lugar dahil siguro may klase pa.
"Stressing siguro ang maging president?" pag babasag katahimikan nito. Nabaling ang tingin ni Elgay dito. Pamilyar kasi ang boses nito sakanya, at hindi nga sya nagkakamali. Kilalang kilala nya ito.
"Hindi naman masyado, Ms. Eva." tipid na sambit niya. Tumango lamang ang dalaga at hindi na muling nagsalita pa. Maya-maya ay nakarating na sila sa harap ng office ng Headmaster. Tipid na tango lamang ang iginawad ni Elgay bago tuluyang pumasok sa loob.
Mula sa loob ay nakita nya ang Headmaster nyang naglalaro ng chess. Nakataas ang paa nito sa table habang nakikipaglaro sa..
Wala?
Walang nakikita si Elgay na kasama nitong maglaro kaya't naisip nya na baka act lang ito. Hindi naman kasi mahilig maglaro ng chess ang Headmaster. Ang hilig nito ay game of cards. Wala pang nakakatalo sa HM sa larangan ng cards.
"Bakit nyo ako pinapatawag?" diretsong tanong nya dito. Napahinto sa pag move ng knight ang HM at natatawang binitawan ang chess. Huminga ito ng malalim bago kinuha ang isang device na sa tingin nya'y nakakapagpakita ng hologram. Maliban kasi sa mahika, high tech din sila. Modern world kumbaga.
BINABASA MO ANG
The Signs: Beginning
FantasiaTaurus. "Come and follow me, for, I, will guide you to the dangerous truth,"