CHAPTER 2- Math Quiz

8 7 0
                                    

"Ahhm?" tanong niya, pero kay Pepper na siya nakatingin ngayon.

"Ako nga pala si Pepper, and you are?" tanong ng traydor kong bestie

"Uhhm, Vince nga pala, short for V. How may I help you?"

Lumaki talaga mga mata ko nang mag-shake hands sila.

"Uy Pepper, tae ka rin no?" bulong ko sa kanya.

"Ay Oo nga pala, V, si Riva."

Tapos binlock ko na ang view ni Pepper.
This is my moment now. Haha. Then, nag shake hands rin kami.

"Riva Valencia full name ko 'to, be
formal. Riva is spelled R-I-V-A, but you can just call me Love."

"What?" nagulat siya sa sinabi ko at syempre ako rin. Ano na naman ba'to Riva?

"Uhmm, Riva, what a unique name. But as I was asking, how may I help you?" dagdag pa niya.

"Can you solve the problem of her
heart?" tanong ni Pepper.

"Huh?" nalilitong tanong ni V. Agad ko namang tinabig si Pepper dahil nakakahiya.

"Ah, wala-wala." tiningnan ko kung ano ang pinag-aaralan niya at nalaman kong Math, which is my favourite subject mula nung bata pa ako hanggang ngayon.

"She was trying to ask if you can help
me with my problem in Math?" tanong
ko kahit na alam ko sa sarili ko na may galing ako pagdating sa Math.

"Well, sure, why not?" sabi niya sabay
ngiti na ubod ng kay tamis.

"Oo?" tanong ko.

",Yeah." sagot naman niya. Kaya ayun, umupo na ako sa tabi niya at si Pepper naman ay sa harapan namin.

At nagsimula na ang Math session namin.

"The logarithm of bla-bla.." Habang nagtuturo siya sa'kin, di niya alam, sa mukha niya lang ko nakafocus. Grab the opportunity na'to no?
Mga 12:55 din ng hapon ng magpaalam
na kami sa kanya.

"Well, see you tomorrow?" tanong niya.

Di ko talaga inexpect na itatanong niya
yun. So may tomorrow pa pala? Oh My
God, so much blessing na'to.

"Sure. Thank you V."

"No problem, just meet me here."

𝗧𝗢𝗠𝗢𝗥𝗥𝗢𝗪... 𝗟𝗨𝗡𝗖𝗛 𝗧𝗜𝗠𝗘...

Ayun, nandun siya. Same place, same time. Pero ako nalang mag-isa ngayon kasi si Pepper ay nag paiwan sa canteen para
masolo ko daw si V, baka daw matempt siyang agawin si V ko. Haha

"Hi V" bati ko sa kanya habang nakaupo siya sa may studying table.

"Uy Riva. It's good to see you again. Umupo ka na."

"Thank you Babe."

"Babe?"

"Ah, I mean, ayun oh, may baby, cute niya
no?" sabi ko while pointing sa isang nanay na may kargang isang sanggol.

Siguro hinihintay niya ang kanyang anak na nag-aaral dito.

"Ah, okay." at ayun na naman, nagsimula na ulit ang Math session namin.

Balik na ulit ako sa pakikinig sa kanya
while memorizing the details of his face.

Hanggang sa nagsimulang umulan.
"Pambihira namang ulan 'to oh." dali-dali niyang iniligpit ang mga gamit niya tsaka hinawakan yung kamay ko. 'Di ko inexpect na hahawakan niya ako.

Habang tumatakbo kami, tinititigan ko ang mukha niya. Ang mukha niyang tumatawa dahil sa ulan. Ang mukha niyang unti-unting nababasa especially ang makayumanggi niyang buhok.

My Lovely TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon