CHAPTER 4- I Do Father

7 4 0
                                    

𝗥𝗘𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗧𝗜𝗠𝗘...

Sinabi ko kay Pepper ang nangyari kanina pagpasok ko sa school pati ang diary ni V na nasa bag ko ngayon.

"O, asan na? basahin natin." sabi niya.

Kinuha ko sa bag ko ang diary tsaka inopen. Ang first page ay parang title page at ang nakalagay, 'My First Love'. Ang nasa isip ko, siguro kwento nila 'to yung babae na first love niya. Tapos pumunta na kami sa second
page.

#First Meeting

Dear Diary, alam mo ba na may nakita akong napakagandang babae kanina. Ang ganda niya ay nakakamangha, meron palang anghel dito sa lupa no? Salamat talaga sa mineral water niyang gumulong palapit sa paa ko, dahil dun, nagkausap kami kahit sandali lang
Kahit na pansin ko ay sa kabilang school siya nag-aaral dahil sa uniform niya, nalove at first sight pa rin yata ako eh. Uso pa ba yun? Haha. Basta, I just love her and I wish to see her again. Siguro ito na yung chance ko na magkaroon muli ng babaeng magmamahal sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ako ba yung tinutukoy niya? Yung day na nahulog yung mineral water ko? Di ako sure, baka same happening lang.

***

#Knowing Her Name

Dear Diary, thank you! thank youu talaga! Sobrang saya ko ngayon. "Di ko alam kung pa'no sasabihin sayo na nagkita nga kami ulit kanina. Biruin mo yun? Nagpunta sila ni Pepper sa school ko para magpaturo sakin ng Math? Haha, ang swerte ko nga naman. Di ko alam kung sa'n nila nalaman na magaling ako sa Math, pero ang alam ko lang ay masaya ako. Ang full name niya pala ay Riva  Valencia, ini-spell niya pa nga letter by letter eh. Haha! Yun, sinabihan ko siya na 'See you tomorrow', para bumalik pa sila. Sana nga ay bumalik pa.

Ano? Ako? Ako? Para akong nananaginip. Parang'di totoo. Bumilis pa ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko si Pepper na seryoso sa pagbabasa sa passages sa diary tapos ay bumalik na rin ako sa pagbabasa.

***

#Rain

Bumalik nga siya diary ko. Another happiness na naman. Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya kapag nakikita siya. Gusto ko na talagang sabihin sa kanya na love ko siya pero natatakot ako na baka 'di na niya ako kausapin o di kaya'y 'di na siya
magpapakita sa akin. Hahayy, buhay talaga. Alam mo diary, umulan kanina. Imbes na mainis ako ay mas naligayahan pa ako dahil magkahawak kami habang tumatakbo. Kaya ayun, Sinabihan ko siya about sa first love ko.

***

#Problem

Dear Diary, may problema po ako. Di ko na sana isusulat to rito pero nalaman ko kanina na si Celine ang magiging kalaban ko bukas sa Math Contest. Nakaka-frustrate naman ang sitwasyon na'to. Ganito kasi yun diary
eh, kahapon ng hapon, nung naglalakad
ako pauwi, nakita ko si Ms. Gonzaga, nanay nung Joseph Gonzaga na magrerepresent sa St. Jordan Academy sa gaganaping Division Math contest. Meron siyang kausap, tapos
nagpirmahan sila. Wala lang sana sa akin yun pero pag-alis nung lalakeng kausap niya ay nahulog yung papel mula sa bulsa niya. Dali-dali ko itong pinulot dahil iaabot ko sana sa lalake pero nakasakay na yung mama ng
sasakyan, at di ko na naabutan pa. Kaya binasa ko nalang kung ano ang nakasulat dun. Nalaman kong yun pala ang pinirmahan ni Ms. Gonzaga. Ang nakasulat,

Mr. Romeo Rodriguez,

This is a reminder and an agreement that you are going to end the life of whoever ins the One-on-One Math Quiz Bowl between the Brilliant Brains High School and the Embracing Intelligence High School by whatever means. By that, no one will be able to compete with my son during the Division Math Masters Quiz Bowl that will lead to an automatic winning of him and his school. Don't worry, you will get your share.

My Lovely TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon