6am ng umaga nang ako'y magsimula ng maglakad papuntang school. Malapit lang kasi sa bahay namin ang paaralang pinapasukan ko.
Isa rin ako sa mga tinataguriang early bird dahil ang aga ko daw dumating. Well, I'm used to being called as such. By the way, my name is Valak, haha char.
Hi I'm Riva Louisse Valencia, I'm pretty, in the eyes of God but also in my eyes and in everyone's eyes. I'm 15 years old and currently studying at Brilliant Brains High School. 4th year High School na pala ako pero dahil sa liit ko at dahil sa baby face ako napagkakamalan akong baby. Haha.
May crush ako dati, napaka gwapo niya, pero ang sungit hindi ko na natiis dahil binubully rin niya ako. Kaya naghahanap ako till now, joke. May time pa nga na pumunta ako sa room ng ate kong si Remi para ikalat yung mga letters niya kay Noah yung crush niya! HAHAHA joke! Binasa ko lahat ng sinulat niya para kay Noah para meron akong alam sa pagsulat sa crush. Pero nahuli niya ako eh. Tinigilan ko na lang. Haha.
Ilang hakbang na rin ang nalakad ko nang biglang mabitawan ko ang mineral water ko na kahibili ko lang sa nadaanan kong tindahan.
Gumulong-gulong ito hanggang sa huminto sa tapat ng black and shining shoes. Tapos pinulot nung lalakeng may nagmamay-ari ng black shoes ang water ko. Tapos..
"Oh My God! Ba't ngayon ka lang babe? Umuwi ka na sa bahay, ipagluluto kita ng pinakamasarap kong recipe." bulong ko sa utak ko.
Sa totoo lang, ang gwapo nya. Ang puti ng kanyang balat na para bang hindi nadadapuan ng kahit na anong dumi. Tapos, ang tangos-tangos ng ilong nya. Gustong-gusto ko rin ang makakapal niyang kilay. Wala na akong iba pang masabi kung di ang gwapo niya talaga. Aiissh.
Na-imagine ko na.lang na ikinakasal na kaming dalawa sa simbahan.
"Miss?" tanong nya.
"Yes, I do." wala sa isip na sagot ko.
"Huh?" naguguluhan niyang tanong. Bigla akong bumalik sa ulirat ko.
"Ah, wala-wala, oo akin yan. Thank
you." sagot ko nalang sabay kuha sa tubig kong iniabot nya.Gosh! Hihimatayin yata ako ne'to eh.
At yun! Lumakad na siya palayo, hindi man lang nagpakilala. Nakakafrustrate. Di bale na nga, magpapatuloy nalang ako sa paglalakad, malelate pa ako ne'to eh.Dali-dali akong pumasok sa gate. Bubuksan ko na sana ang bag ko upang chekin pero yung guard busy pa siya sa pakikipag-usap sa isang babaeng estudyante. Kaya pumasok nalang ako.
"New guard yata eto ah..." bulong ko
sa sarili ko nang magpagtanto kong nag-iba ang mukha nung guard. Well, naglakad na ako papunta sa loob.May kakaiba. Para akong pinag-uusapan ng mga estudyante sa loob. May tumatawa sa akin. Meron din'g masasama ang tingin. May
dumi ba sa mukha ko? o sadyang di lang nila matake ang beauty ko? Sorry nalang sila. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bigla ko ring napansin na parang nag-iba ang style
ng corridor at nag iba rin ang location ng canteen. What is happening Nag-deday-dreaming ba ako o di kaya'y nabaliw na ako dahil sa gwapong nakita ko kanina?Tapos, tinitigan ko ang school uniform
ng mga babae. Color pink yung skirt
nila. What? Pati uniform color, nag-iba rin?Wait, wait...what!?
Naalala kong pink yung uniform ng
mga students sa Embracing Intelligence High School, yung kalaban ng school namin. Kaya tiningnan ko ang nakasulat sa may gate nila at 'di nga ako nagkamali, 'Embracing Intelligence High School' nga ang nakasulat. Oh My God! Kaya pala panay ang titig sa'kin ng mga estudyante. Nasundan ko yata yung gwapo kanina. Huhu. Dito pala siya nag-aaral.
BINABASA MO ANG
My Lovely Tutor
RomanceRiva is happy that the man he saw on the road is her now Math Subject Tutor. But the day came when the two of them competed in a competition at their school. Riva has a friend, it's Pepper, who also has a sad story of his own. Pepper has known the b...