Chapter 3

15 15 2
                                    

                                    Chapter 3

-----------------------------------------------------------

Nilapitan ko si Diane na nag seselfie sa dalampasigan, umupo ito sa tabi ko habang tinitignan ang pictures nya.

"Ergh! Nakakahiya talaga bwesit" inis na sabi ko habang sinasabunutan ang sarili ko

eh paano ikaw ba naman habulin ng lalaki para lang ibigay ang bra mo.

"Hoy ano bang nangyayari sa'yo?" natatawang tanong nito sa'kin.

"Eh paano ba naman kasi kanina sa Cr-"

"Hala! Don't tell me may sumilip sayo?" Ang ingay talaga ng bunganga neto eh hindi pa ako pinatapos.

"Hindi ano ka ba, eh kase yun nga papaalis na sana ako dun ng may lalaking humabol sa'kin at Sabi nya 'Miss Backless' naiwan ko daw bra ko Amputsa!" Nang gigigil na kwento ko sakanya.

Hindi ito nakapagreact kaagad, pero humagalpak ito ng tawa napapahawak pa sa tyan nya parang tanga.

"Grabe nakakahiya yon Glads, hahaha" siniringan ko nalang sya at umalis papalayo sakanya, tampo acting lang bat ba.

Hinabol ako nito habang tumatawa pa, ergh! bahala sya dyan.

Natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na lalaki nakatayo sa di kalayuan, tinitignan nya ang babaeng mukhang nagpapatulong tumayo.

"Hoy Glads sorry na hahaha promise hindi nako tatawa" hindi ko pinansin si Diane na nasa likuran ko na at hinihingal sa kakatakbo.

Inabot nya ang kamay ng babae at ng makatayo ito ay hinapit nya ang bewang at saka hinalikan, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Nilapitan ako ni Diane at nagulat ito ng makitang umiiyak ako "Hala hoy Glads, ano bang-" hindi nya na natapos ang sasabihin ng makita ang tinitignan ko, natutop nya ang kanyang bibig.

Tumakbo nalang ako dahil ang sakit sakit na "Glads! Gladisse!" hindi ko pinansin si Diane kelangan ko muna mapag isa.

Bakit nga ba hindi ko naalalang andito rin pala sila, kaya pala Familiar sa'kin nung nakita ko yung Vacion Island na Letters.

Bakit Julius, Shaira?, bakit dito pa?

Tumalikod nako sakanila, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero tumigil ako sa malaking bato malapit sa dalampasigan may puno ng niyog dito sa gilid kaya hindi mainit.

Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko, ito yung picture naming tatlo nung 18th birthday ko, Humagulgol ako Humagulgol doon at hindi ko namalayang gumagabi na pala.

Inangat ko ang ulo ko ng may humawak sa balikat ko, nilingon ko ito at nakita ko si Kuyang nakakita ng bra ko kanina! OMG!

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at hinarap sya "B-bakit?" tanong ko sakanya.

"Gumagabi na hinahanap kana ng Lolo't Lola mo" natatawang usal nito.

"B-bakit?" muling tanong ko

Mas lalo itong natawa "Syempre baka maligaw ka"

"Bakit?" bumuntong hininga nalang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Gabi na nga at naka swimsuit kapa, tara na" sabi nito at hinila ako.

"T-teka nga! ano bang kelangan mo ha? kanina hawak mo yung bra ko ngayon andito ka at hinihila ako!" inis na sigaw ko sakanya pero nagulat ako ng tumawa ito ng malakas.

"So, sayo pala talaga yun? Hindi mo naman kelangan na mahi-" pinutol ko sya sa pagsasalita inagaw ko ang kamay ko sakanya.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko at umalis na pero may narinig akong pamilyar na boses malapit lang samin.

"Will you marry me Shaira Karylle?" parang piniga yung puso ko sa mga narinig ko iiyak na sana ako ng biglang sumigaw si Kuyang.

"Hoy Gladisse tara na nga sabi" sigaw nito at naagaw nito ang atensyon nina Julius at Shaira kaya umepal nanaman sila sa buhay ko.

"Are you following us B.F.F?" nakakalokong tanong nito. nakakunot ang noo ni Julius "Anong ginagawa mo dito, at sino yan?" tanong nito sa'kin.

"Hoy miss backless tara na" sabi ni Kuyang at hinawakan yung kamay ko ng biglang sinugod ng sapak ni Julius si kuyang.

Wtf?!

Agad kong tinulungan si Kuyang at may sugat yung labi nya.

"Tang*na mo bastos kaba? kung ayaw nyang sumama edi wag mong pilitin! may pa hawak hawak kapa sa kamay at anong sabi mo? Miss Backless? Gag*!" sigaw nito at pinipigilan sya ni Shaira.

"Hoy Julius! ano bang problema mo ha?!" inis na sigaw ko sakanya Gosh nadamay pa tuloy si kuyang.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo edi mag bigti ka, hindi yung manggugulo ka ng buhay namin ng boyfriend ko" natigilan silang tatlo pati ako ay natigilan sa sinabi ko OMG I'm so tanga talaga!

Hinila ko na si kuyang paalis doon at dinala sa clinic malapit sa parking lot.

Nang makapasok kami ay agad syang ginamot, lokong Julius yon nababaliw naba sya? tsk.

"Sorry nga pala, uhm." hindi ko pa pala alam yung pangalan nya hanggang ngayon ay kuyang parin ang tawag ko sakanya.

"Kendrix" sabi nito.

------------------------------------------------------------------------------------------

Happy april fools mga Tea.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgettable Memories (VIR Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon