#Hula (Totoo na 'to)

714 10 5
                                    


"...hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Five days ago, I proposed to her. 3rd anniversary namin 'yun. Felt like I'm the luckiest man when she said 'yes'. I kissed and hugged her tight. I never knew that it would be the last.. I.. I just.. I'm sorry.."


Patakbong lumabas ng simbahan si Vice habang umiiyak. Hindi na nya kinaya pang tapusin ang eulogy nya para sa pumanaw nyang fiancé.

Tok. Tok. Tok.

Napalingon si Vice sa tunog na nagmula sa pagkatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Pinunas nya ang kanyang mag luha at pinagbuksan ng pinto ang lalaking kumatok.

"Brad.."

"Sorry, Vhong. Hindi ko lang talaga kinaya.", sinuntok sya ni Vhong ng mahina at nginitian ng matipid.

"Naiintindihan ka namin, brad. Alam kong masakit. Pero may mga bagay tayong kailangang harapin, kailangang tanggapin."

Tinuro ni Vhong ang mga taong naglalabasan mula sa simbahan. Isang lalaki naman ang tumatakbong lumapit sa sasakyan. Ang kaibigan nilang si Billy.

"Vice..", bungad ni Billy. "..ilalabas na si Georgina."

Napayuko naman si Vice sa manibela at pinipigilan ang muling pagpatak ng kanyang mga luha.

"Tara. George is waiting for you." sabi ni Vhong habang tinatapik-tapik sa balikat si Vice.

Huminga ng malalim si Vice at pinunas ang kanyang mga luha. Nang maayos nya na ang kanyang sarili ay buong tapang na syang bumalik sa simbahan kasama ng mga kaibigan upang harapin ang katotohanan - ang katotohanan na wala na ang babaeng pinakamamahal nya.

--

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang mailibing si Georgina. Naging miserable na ang buhay ni Vice. Napapabayaan na nya, hindi lamang ang kanyang negosyo, kundi pati ang kanyang sarili. Halos maghapon at magdamag syang umiinom ng alak mag-isa at nagkukulong sa kanyang kwarto.

"Besty, ano ba'ng nangyayari sa'yo?", gulat na tanong ni Billy nang makita sa magulo nitong kwarto si Vice na tila ilang araw nang hindi naliligo.

"Billy boy!"

"Akin na nga yan!", inagaw ni Billy ang isang bote ng beer na hawak ni Vice.

"Pssssh! Kill joy.", pasimangot na sabi ni Vice. "Balik mo na nga sa'kin 'yan! Kumuha ka ng sa'yo sa ref! Marami ako dun! Go!"

Inilayo ni Billy ang hawak nyang beer sa kaibigan. "No! You have to stop drinking. Besty, this is not helping. Trust me."

"No. You are not helping. Ibalik mo na 'yan sa'kin.

"Vice, ano ba?!"

"Billy, ano ba?! I thought you're my bestfriend? Let your bestfriend grieve by giving back his drink!"

"So you call this 'grieving'?", sabay turo ni Billy sa beer. "This.. this is destroying you! Look around. Everything's a mess! Even you!"

"Ugh. Forget it.", hinawi nya si Billy upang dumaan palabas ng kanyang kwarto na gegewang-gewang.

"Where are you going?!", tanong ni Billy.

Baysrel - Isang TiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon