Something Stupid

1K 37 2
                                    

"Vice!"

*blaaaaaaaag*

Binagsak ko yung pinto pagpasok sa dressing room ko. Pero 'tong si Anne, di natinag. Biruin mo, pinagdabugan ko na, pumasok pa din. Ang kulit! Kanina pa 'to eh..

"Ano ba kasi'ng problema?" tanong nya sa'kin.

Lumingon ako sa team ko para ipahiwatig na lumabas muna sila. Naunawaan naman nila agad so they excused themselves out at naiwan kami ni Anne. Umupo ako sa vanity chair at kinalikot ang phone ko.

"Ano ba'ng gusto mo, Anne?"

"What was that about?!" tanong nya habang nakatingin sa'kin sa mirror.

"About what?", naiinis na kasi ako sa pang-uusisa nya sa mga kilos ko sa mga bagay-bagay na di naman napapansin ng iba. Kanina nya pa ako ino-obserbahan sa lounge.

Inikot nya ang inuupuan ko para magkaharap kami.

"I saw your reaction kanina nung kinu-kwento ni K how Yael proposed to her."

"Wala ka na bang ibang mapapansin kundi lahat ng reaction ko at pakikitungo kay Karylle? Engaged na yun tao, Anne! Move on na tayo!"

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, "Admit it. You still have feelings for her."

Hinawi ko ang katawan nya para makatayo ako. Tinawanan ko lang sya at naupo ako sa sofa.

"Ilang buwan na yon, Anne. Naka-move on na 'ko. Bakit ikaw hindi pa? Hahaha!"

Ewan ko ba kung ano na naman kasi 'tong pinaglalaban ni Anne. It's been three months nung sinabi ko sa kanya na sa tingin ko nai-inlove na 'ko kay K. Actually, hindi ko naman talaga sinabi. More like, inamin or napilitang umamin. Kasi mula't sapul sya lang naman talaga itong nakakapansin eh. Isang matinding interrogation ang naganap. Just like what she's doing to me right now.

"Kilala na kita. Wag mo ng ikaila." She sat beside me sa sofa.

"Bakit ba mas magaling ka pa sa'kin? Sa feelings ko?"

"That's your problem. You keep denying it even to yourself. Come on, sis."

Sumandal ako at huminga ng malalim.

"I'm trying so hard to push this feeling away, Anne. Believe me. Nainis lang talaga ako kasi, di ba? If you're going to propose marriage to your girl, you should give more effort. It should be romantic. Yung tipong mapapaiyak mo yung girl. Karylle.. she's really someone special. Alam ko mahal sya ni Yael pero.. bakit naman ganun? Proposal? Sa loob ng kotse? He should be proud of..."

Eto talagang si Anne. Hindi pa ako tapos magsalita, nakikisabay na.

"Wait! Wait! Let's say it's not romantic for us. But she bought it. We know she's a little weird so.. baka ayun. She said 'yes' anyway. There’s nothing wrong. It’s her decision. Or.. you just hate the fact that she said yes which means na wala ka na talagang pag-asa? Tama ba?"

I rolled my eyes at Anne. Yun lang naman ang kinainis ko eh. Pero ayun na nga, nag-yes naman sya so wala talagang problema. Ako lang siguro at itong stupid feelings ko kay K na hindi mawala-wala.

"Alam mo naman na wala akong planong i-pursue si K eh."

"Weh? Kahit maghiwalay sila ni Yael? Psssh! Tell that to the judge."

Tumayo na si Anne at nagpaalam. I know she will call and tell Billy about this since wala sya dito at nasa US. Then Billy will call me later to talk about it. Haaaay. Anne and her big mouth. And when I say big, I mean, literally!

I spent few more minutes resting sa sofa. Isang bagay na lang talaga ang naiisip ko sa ngayon. Kailangan ng itigil ang love team since Karylle is already engaged. She'll be married soon so for sure malulungkot lang ang mga vicerylle babies. So habang maaga, dapat matigil na. I shoul tell direk Bobet.

Baysrel - Isang TiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon